Sumali sa membership para sa regular live stream ko: / @docalvin For business inquiries: docalvincollab@gmail.com Follow me: / docalvinfrancisco vt.tiktok.com/... / docalvinfrancisco
Ako nung 11 years old ngkaron din po ako bone tuberculosis.sabi sa images meron ako spine fracture, bgla nalang hndi na ako makalakad tapos kahit matamaan konti sobrang sakit, hndi maitaas yung shorts pgiihi tapos pag nsa jeep naman masakit pag dumadaan sa humps, as in prang ang fragile mo konting mabangga ka maiiyak sa sakit.Tapos ngpunta kmi sa orthopedic na xray ako then ng ct scan kasi hndi makita sa xray.then ng back braces for two years and 1 year ata ako ng gamot. hndi ko din alam saan nakuha biglang one day hndi na ako makalakad. Pero gumaling din ako after 2 yrs. nakarelate ako dito. Thank you po sa information😊Sana gumaling ka ate🙏🏻🙏🏻
2 years ago nagkaroon din ako ng peritoneal tuberculosis sabi naman ng doctor di nakakahawa.Wala kaming history sa family ng tb and di din ako umiinom ng alak at lalong di naninigarilyo.Noon ko lang din nalaman na pwede palang magkaroon ng tb sa ibat ibang organs.Nagtatrabaho ako nun sa Japan and uso pa ang covid.mabuti nalang may medical insurance ako dun kaya malaking tulong sakin.Thanks God at sa mga Dr.,nurse at mga taong tumulong sakin pati amo at sensei namin ok na ko now and hopefully tuloy tuloy na to.🙏💕 Kaya sa mga may tb dyan tuloy tuloy na inom lang ng gamot at wag kayong papalya sa pag inom ng gamot nyo at may awa ang Diyos gagaling din po kayo tulad ko.Thank you Dr.Alvin sa mga informative content lagi po ako nanonood💕
Last year lang din, nadiagnose husband ko ng abdominal TB, so last year lang din namin nalaman na pwede pala magka TB outside ng baga. Nakailang balik balik kami sa ER nun kasi sobrang sakit ng tyan niya pero wala sila nakikitang problema sa kanya, tas nung pinilit ko lang siya magpacheck-up sa gastro kasi kako puro bandaid solution lang kako nabibigay sa ER and hindi naman kako siya nachecheck thoroughly, ayun nakita na may TB sa colon niya. Wala naman siya na encounter na may TB recently but yung mother niya nung bata pa siya namatay sa TB, na-explain ng doctor niya na possible na matagal na siyang nahawa sa TB then nagactivate lang recently nung humina resistensya niya.
Hello Doc. this is QueenSmile from tiktok sobrang grateful ako dahil pinalaganap mo ang awarness this kinda rare condition, Thank you so much po, cant wait talk u soon doc alvin. Godbless ❤
Thank you doc sa video na to.. Shinare ko sa Mr. Ko kasi ongoing Yung gamutan niya ulit.. Past 2 years natanggalan siya NG tubig sa baga ang findings Sa knya is ptb.. Nag gamutan siya NG 6 months.. Tas now naman nagpa xray siya may plema da sa baga niya.. Malaking tulong ang video na to doc.. God bless you..
Eto ang gusto ko kay Doc,, pag comedy ang topic reaction sa mga send sa tiktok,, nakaka entertain ang mga banat nyang joke,, pero pag siryoso na ang topic,, doon lumalabas ang pagiging professional as a doctor,, ni bossing,, God bless Doc sayo
Thank you Doc... Ako doc nagka TB nung teenager ako. kahit magaling ka na yung scars nya nandoon parin at ayun yung naging problema ko nung nag apply ako abroad..
Same Tayo may peklat din Ako sa baga gawa ng opera ko . Hirap mag hanap ng work . Kahit pakita ko Yung result ko na okay at peklat lang UN . Ayaw padin nila .
Naging problem din ng anak ko mag aaral sya sa college sa Taiwan .. May scar sya kaya kinailangan namin ang baby book nya na complete injection and letters from pedia na ok na ung primary complex nya .. ❤
Napanood ko yan boung vlog ni Ma'am. Inintindi ko talaga kung ano sakit nya. Noong una ang akala ko ang TB sa baga lang. Lumawak ang knowledge ko sa sakit na TB after ko sya mapanood.
totoo Dr, if ala ka maganda sasabihin isarili mo nlng. thank u Dr matulungan mo si mam. and thanks for awareness po. note: kaya po pag nag migrate kasama ung Tb test sa requirement kasi if may TB ka need mo muna mag gamot and d ka makakaalis.
She's really inspiring. I know Queenie because she's our church mate here in Catalyst Church Cebu. She is a living testimony. I pray for our Father in heaven to continually bless her and her family and have strength to continue to serve our Lord to be a living testimony of His Greatness
Ako naman nagkaron ng PTB 19yrs old. Nagkaron ng tubig yung baga ko. Kasi puyat ako ng puyat nun nakakahina pala ng resistensya yun tapos yung usok ng sigarilyo ng tiyuhin ko lagi ko talagang nasisinghot yun. Kasi kulob yung bahay dun lang sya nagyoyosi. Knuhanan ako ng tubig sa baga gamit yung malaking injection. Isang araw lang ako sa hospital umuwi din agad. Nag gamot ako ng 6months libre lang sa center.
Nagpabakuna ako nong bata pa sa school, 2 times ako nagkaroon ng TB. Buti nakapag aboard pa ako. Nasa lahi din kasi ang Lolo ko namatay sa TB. Ang tatay ko may TB rin. Mahina ang resistensya ko sa sipon at ubo. Madali makahina talaga ang stress. Hwag nyo pabayaan ang katawan at abusuhin ang katawan.
May kilala akong me ganyan.bacteria sa dugo daw sanhi nya.kinakain un mga cartilage ng meron ang katawan.. nawala na tlaga un ilong nya.pero normal pa din buhay nya..Mas maka Diyos .
Doc ano po ang mas accurate na test for TB skin test, sputum or x-ray po? What if negative naman sa x-ray at sputum pero positive sa skin test ano po ang final findings sa pasyente? Sana po masagot. Thanks Doc.
totoo po doc , mas mabuti kompleto ang bakuna ng mga bata . Kasi yong bunso ko sa buto, blessing po na nandito siya sa Japan , kaya na agapan . Nilagyan ng turnilyo sa May batok after one year inalis na . Salamat sa Diyos at naway mag tuloy tuloy na pag galing ❤❤❤
Share ko po itong video nyo doc alvin, watching from Rosario,Pasig City,idol ko po kayo, klaro magpaliwanag. At matagal nyo ng subscriber.god bless doc at salamat po 🙏🫰
How does the probiotic content of Yakult compare to that of kimchi in terms of variety and concentration of beneficial bacteria? I Hope This Will A Be A Content on Your Future Vlogs or Reels
Sir pwede discuss mo din tungkol sa optic nueritis and after 5 years nagiging devic disease. Kasi yung nanay ko halos 10 years na naghihirap dahil sa ganitong sakit. Baka matulungan yung mother ko sir. Maraming salamat sir .. god bless..
nagkaroon din ako ng PTB noong 12 years old po ako, nahawa sa Tito ko na may TB. Good thing po ay nagamot naman ito. Ask ko lang po paano palakasin ang resistensya especially yung baga. By the way po may disability din po ako (Osteogenesis Imperfecta)
Hi doc Alvin, may tanong lang ako, kasi yung kuko ko sa paa yung Malaki medyo naninilaw at sumasakit, pero minsan nawawala at minsan bumabalik, ano po Yun at ano ang gamot...sana masagot nyo agad doc Alvin...salamat
hello po doc Alvin i diagnosed na may Tuberculosis nung 2021 tas may nakita po scars sa baga ko hindi po ako makakapag apply sa University po nang hihinayang po ako sa entrance exam na sobrang hirap po maka pasa sana po give me more tips kuya Alvin kung paano po hindi napo na infect?
Doc pagawan po video KC 1nlng kidney ko tapos nung bata ako nag ka TB napo ako kc may hika ako simula bata. Tapos last year nag donate ako ng kidney. Pero ngayon sa awa ng DIYOS hindi napo ako tinatablan ng simple sakit ubo sipon lagnat. Kht nag pupuyat ako malakas lng ako sa tubig. Pero kht nauulanan ako dipa rin ako nag kaka sakit. Kht mga kapatid pamangken papa ko may ubo sipon pero ako wala po
Nagkaroon ako ng lymph nodes tuberculosis Kc nagkaroon ako ng flu for 1 week. Then Yong parang cyst nya sa leeg ko nagkaroon ng discharge then after ng 6 months na gamutan nagkaroon ako ng keloid sa leeg. Pero yong TB ko ay di sya contagious, yong nasa baga na TB yon ang contagious.
Hellow Po doc Wala na Po talaga Ako mapag tanungan kinabahan na Po Ako sa sobrang kaba ko na papaiyak na Po Ako may para pong tumutubo sa ilong ko parang ganyan din Po pero Yung isa lang pong ilong ko Wala din Po kasi kaming pambayad sa hospital kaya Hindi pa Po Ako nag papa check up Wala na Po kasi Akong magulang Lolo ko lang Po Kasama ko at Kapatid kong lalaki baka Po may alam kayong onting lunas para Po mawala Po ito natatakot Po talaga Ako sobra sana Po matulungan ninyoko Hindi na Po ko mahihiya kakapalan ko na Po talaga muka ko 😭
Doc, pwede pa po ba magbakuna ng antiTB kahit 41 na ako??? Hindi rin ako sigurado kung nabakunahan ako nung baby pa. Parang Hindi uso dati ung vaccine pangTB. Ang alam ko polio at hepa lang meron dati
Dito sa Italy pinacheck ko ang anak ko kung ano ang kulang nya n bakuna nung bata pa xa kc nkalimutan ko na.. nkita sa blood test un mga kulang nya..17yo n xa nun, kaya ayun un mga kulang nyang bakuna binakunahan xa dito kc required un sa school nya..cguro meron din dyan sa atin ng gnung test mllaman ano mga kulang n bakuna nung bata pa...dun nyo mllaman kung pde k p mgpabakuna ng anti tb
ask ko Doc pano yong my sakit na autommune disease madali din bang mahawa sa TB,gaya ko my Sjogren's syndrome po ako na sakit.isang uri ng autommune disease.OFW from Taiwan. d2 po nalaman yong sakit ko at d2 din ako nagpapagamot habang nagwowork bilang caregiver. mas mura po magpagamot d2 sa abroad kaya pa2loy ako nagwowork d2 para makapagpa2loy din ako sa pagpapagamot.
Yung anak ko tb sa bituka.. very rare.. buti nakayanan ng anak ko yung napag daanan niya.. operations done for 2 times.. still for praying for miracle. 🙏🙏
Yung baby ko nagroon sya ng TB 1 year old palang sya noon nagkaroon po kasi ng kulani den yung pedia nya refer po kami sa pulmo pedia.. 6months po yung gamutan at pahirapn po talga yung painumin ng gamot Yung baby ko dhil 1year old pa pang sya nun 😢..