Naku nakakaawa Naman c Sowe gandang bata ,sa totoo lng delikado talaga kng cya magisa d natin alam kng anung mangyayari sana ok lng tumulong c Sowe dapat my kasama cya sa Dami nilang magkakapatid cya lng Ang tumutulong ? Pambihira kaung magulang alam Naman nyo sa hirap Ng buhay nuon pa man dapat isipin Ang kinabukasan at ung pagkain nyo sa pang araw2x c Sowe laging magiisip kng papaano kau makakain 😔😔😔😔😔 dapat lahat kumikilos para kumita , tatay at Nanay ingatan nyo c Sowe Lalo nat delikado sa panahon ngaun maganda Ang anak nyo😔😔😔😔😔😔 saludo ako Kay Sowe mataas Ang pangarap maging doctor,gabayan ka palagi Ng Panginoong Dios 🙏🙏🙏
Mama Virgelyncares ingat ka sa bawat mission mo mabuti galos lng nakalungkot at nacira pa Ang camera mo ingatan ka Ng Panginoon sa lahat Ng Oras , maraming salamat sa blessing binigay mo kanila Sowe we ❤️ u Mama Virgelyncares 🧡🧡🧡🧡
Nagtry po ako mgpadala pero sabi eh not registered daw po yung cellphone number. Nagtatanong din po City/Town. Sa america po kasi ako. Baka kailangan para makapagpadala
Mag iingat po Mama Virgelyncares.. Dapat po ung 4 na anak pwde na po un kaso naging 12 pa anak.. Hirap mag alaga kung kapos po sa pera.. Mag iingat po tayong lahat at mabuhay lahat ng Sponsors at viewers.. Godbless!
Wag mong pansinin, ang naninira sayo, bastat alam mo lang na tama ang ginagawa mo, wag mong isipin, wag mong dibdibin, kung papatulan moy lalo kalang aasarin.. nosi nosi balasi, sino? Sino ba sila??? Napa kanta tuloy ako 😁 @virgelyncares2.0 tuloy lang po sa pag tulong, wala man ako or kame na mga subcribers mo na maitulong na pinansyal pero suportado ka namin sa mga magandang layunin mo na makatulong sa mga kababayan natin na mas nangangaylangan. kaya tuloy lang po sa paggawa ng video para mas marami kapa pong matulungan, god bless you po..
Grabe naman si Tatay walang pahinga😀 ang ganda ni Ate, at masipag. Tama na Tatay wag mo ng dagdagan marami na Yan. Alalahanin mo mahirap buhay ngayon mahal mga billihin.
Gandang bata ni nene. naku delikado nag iisa cia dyan sa sementeryo. ang bait na bata pa tumutulong sa magulang para meron clang dagdag pag kain. kawawa nman kalagayan ang daming kapatid. Pag palain kang dios nene.Sana maka tapos ka ng pag aaral. God bless you !! Vergilyn ,ingat ka .
Masayain si tatay kahit may kagipitan sa pamumuhay. magaan ang loob ko sa pamilyang ito. Marami sila pero samasama pa rin sila. Sa hirap at ginhawa sila'y samasama. Saludo po ako sa inyong pamilya. May God bless you more
Virgelyn, ang buhay ay talagang ganyan. Kung marami sau ang naninira..pabayaan mo sila! Tandaan mo, most of the time, inggit ang umiiral sa kanila. Nakita ka nilang umaangat kaya inggit. Kung minsan naman, hindi dahil sa inggit. Minsan naman hindi mo sila napagbigyan sa gusto nila..sisiraan ka na nila. Pabayaan mo sila! Ang alalahanin mo, yung mga taong naging mga taga hanga mo sa vlog mo, mga taong nabibigyan mo ng kasiyahan dahil sa panunuod sau at naghihintay sau, at ilan daan libo ang mga taong naghihintay sau. Sana, magpatuloy ka na uli. Wag kang magpatalo sa kanila dahil marami ka pang dapat na matulungan. Marami pa sila na hindi mo pa natutuklasan. Stay strong, Do Not let them put you down. Stand up and Do Not Give Up your mission to the less fortunate. God bless you always and Keep on praying. Call unto Jesus always🙏
Tatay ingatan mo ang anak mo napaganda pa nman na bata dilikado sa panahon ngaun nagkalat ang masasamang loob. Thank you Vergilyn sa pagtulong mo sa pamilyang e2 at sna may mkapansin sa bata kay Souie para makapag aral sya maabot nya ang mga pangarap nya sa buhay at maiahon sa kahirapan ang pamilya nya. Tuloy lng ang pagtulong vergilyn hayaan muna ang mga taong naninira sayo ang.mahalaga nkatutuling ka sa kapwa .
Tutuo! Kahit nga sa magka patid pag umangat ka sisiraan ka. Tinutulungan mo na masama ka pa. Basta kay Lord, lamang tayo maniniwala at mananampalataya.
Ang daming anak, sana lang iniisip muna yng situation ng mga bata para hindi sila nadadamay sa paghihirap.Sana nga makapag aral si Sowe kahit na paano. God bless po sa inyong lahat dyan.
Tamdam ko ang paghihirap ng pamilya na yan ,kasi kami noon madami kami ,14 kami tapos may kambal pa ako ,ilang buwan namatay din ang mama dahil sa sobrang madaming anak,Idol virgelyn salamat tinulongan mo cla,ramdam ko ang paghirap nla
Naniniwala ako sa magandang layunin mo na makatulong sa sa ating mga kababayan nating walang gaanong kakayahan sa buhay. I hope and pray na hipuin at baguhin ng panginoon ang mga isipan ng mga taong naninira sayo. Tulungan nating magtuloytuloy ang virgielyncares para kahit papano ay maiahon or maibsan ang hirap ng ating mga kababayan. Ipagsasal nating maging malakas at ligtas si virgieyncares para magampanan nya ang kanyang mission na makatulong s kapwa.
ipagpatuloy mo lng mama vergielyn, mgdadalawang million na ang nakasuporta sa yo laban sa mga bashers na walang magawa sa buhay na maganda. God will always be with you and your team!
Sana virgelyn tuloy tuloy kalang sapagtulong at pag bavlog hayaan mo ang mga naninira elanlang ata c lang magawa sana lumaban kalang para saaming mga viewers mo na nagmamahal sayo at lagi namin hinitay ang mga vlog mo sana tuloy tuloy kalang god bless saatin lahat ..🙏🙏🙏💛💛💛
good morning idol vergielyncare. sna magtulou tuloy na po kau sa pag bavlog, matagal na nmin kau nammiss marami ang mga taong na ngangailan sa inyong tulong.nawa ay plagi kayong nsa mabuting kalagayan. godblees po 🙏❤👍
Ki nanay ka na tumulong sa pagtitinda. Baby girl Iwasan mo ng sumama sa papa mo sa sementeryo. Delikado nagdadalaga ka na at napakaganda mong bata. Nay, tay ingatan niyong dalaginding niyo. Salamat sa Virgilin Cares sa walang sawang pag tutlong lalo na mga higit na nangangailangan. More blessings. God bless you you always.
Praying for her protection s panahon now delikado para s kanya if jan sya mag work dalagita n sya naway matulungan ang bata n ito n mabago ang buhay nia at maka pag tapos ng pag aaral
Madami din po kami magkakapatid 11 po kami at salamat sa aking mga magulang kahit papano nakatapos kami ng high skol🙏pero dama ko un hirap ng magulang ko para lang kumita ng pera😥maliit pa lang aq lagi aq kasama ng nanay ko sa pagtitinda..ang hirap kapag madami magkakapatid..pero masaya naman po kami kapag sama sama lalo na non nagkaasawa na kmi...salamat sis virgelyncares kc natagpuan mo un ganitong situation ng pamumuhay at matulungan mo cla🩷🙏ingat ka palagi sa pagbavlog..Godbless you always🙏
Congrats mam virgelyn at may vlogg k naman n mapanood namin ❤❤❤ salamat sa adhikain mo. N tumulong sa mga mahihirap. Siksik at liglig aapaw nan n blessings darating Sayo. Ipagpatuloy mo lng to Mami virgelyn pabayaan mo mga taong na ninira sayo❤❤❤. Hope and pray n may sponsors c sowie para makapag aral syA at mga kapatid nya. Dapat n syA ung matulungan mo at Makita ng sponsorsagqling sayo Mami virgelyn ❤❤❤
Naiyak ako sa sinabi ng anak Sowe kasi ramdam nya ang paghihirap nila. Nanay huwag hayaang magisa ang anak mo kasi may hitsura ang bata baka mapag interesan ng mga masasamang tao. Ingat lagi Sowe at magaral ng mabuti para makaahon kayo sa kahirapan. Huwag makalimot sa Diyos na magpasalamat sa araw araw.
Nakakaiyak po 😢😢 naway matulungan sila. nakaranas kmi ng ganyan buti nlang kht gaano kahirap ang buhay pinursige kmi ng mama ko .mahal na mahal kita mama. proud ako sa mga singlemom gaya nia.. habang may buhay may pag asa 😊
Ang ganda na bata na ito napaka sipag pa nya natulong sa magulang malayo ang mararating ng batang ito pag dating ng araw kasi bata palang marunong na tumulong sa magulang ingat ka lagi and Godbless❤🙏
Magandang gabi idol , Tuloy mo lang ang pagtulong dahil maraming nagmamahal at nagsusuport as mga vlog mo lalo na kming mga ofw na viewers mo hwag pa apekto sa mga naninira sayo dhil lalo silang masaya sa pagsira sa mga taong tumutulong sa kapwa pag magpadala ka sa mga naninira Ginamit ka ng Dios pra makatulong ng mga nanangailangan
Napakaganda ni Sowe sana mag aral sya hanggang matapos ang problema ang daming anak walang kontrol mga bata ang nakaka awa maraming salamat Virgelyncares na pinuntahan mo cla more blessings and God Bless🙏❤❤❤
Maaring bigyan si tatay ng pedicab n pwedeng gamitin s pangangalakal, pr makalibot siya. Pwede rn clang mglako ng ibang paninda gamit ang pedicab. Parehong masipag ang mag-asawa. Madiskarte nmn, kulang lng s puhunan. Sana mapalago nila ang kabuhayang ipagkaloob s kanila. Sa mag-asawa mgpaligate na o vasectomy ang isa s kanila. Napakarami nilang anak. Quota n cla. Asikasuhin n lng ang pgpapalaki at pagpapa-aral s kanila.
Ang ganda ng anak nyo kuya alagaan mo yang mga anak mo bandang huli makatulong din yan sa mga kapatid at sa magulang. God always bless and guide you and the family. Pray always be safe and and enjoy your day virgilyn cares.
Natutuwa ako kay tatay chill lang, di nya halos iniinda ang hirap ng buhay nila.. God bless po sa inyo.. sana e bless pa kayo.. sana maraming tumulong sa inyo.
Maraming salamat Virgelyncares at sa lahat na spomsors na tumutulong sa mga nangangailangan,at isang family na ulit na inyong natulungan,pray lang tayo Virgelyncares para bigyan ni God more blessings at ligtas sa kapahamakan, si God nalang ang bahala sa mga naninira sa iyo alam mo sa sarili mo na wala kang ginawang masama,hinde mawala ang mga taong inggetira,magingat ka palagi,and May God bless❤️🙏
Salamat po sa ginagawa mong pagtulong sa kanila...maganda Yung Bata...sa tingin ko mabuting tao din Naman Yung tatay at hanga ako sa pagpapalaki nila sa Bata maliban sa pag aaral natutu din Ang Bata sa mga diskarte sa Buhay...ma, pangarap din Naman siguru Yung Bata sana makamtan nya Ang magandang Buhay balang araw...sana sa pamamagitan Ng vlog mo po sana may makakita na handang tumulong na makapag aral Ang Bata ..ito lang din po sana next time po intindihin nyo nlang po Ang mga gaya ni nanay may mga tao lang talaga na di sanay sa camera at sobrang mahiyain po.
Ang gandang bata si sowe at mabait matulongin sa magulang sana makatapos sya ng pag aaral mataas ang pangarap ni sowe gusto nya maging doktor dapat huwag pabayaan mag isa sa cementeryo delikado maraming masasamang tao magandang bata..
Sayang wag ka tumigil sa pagba blog… Magaling at mabait kayo maraming natutulungan.. Isipin mo ikaw ang instrument na ginamit ni lord para makatulong sa mahihirap kaya ipagpatuloy mo yong naumpisahan mo na ipinagkaloob ni lord sayo na kabutihang puso at talento❤️🙏More viewers & More blessings🙏🙏🙏
sobrang idol ko po tlga kayo,lagi po ako napaiyak sa mga videos nyo po😢thanks god at merong ikaw ang ginawang tulay ni god pra makatulong sa mga nangangailangan,ingat po kayo lagi mama vergilyn gdbless po🙏❤
Kawawa naman delikado para sa kanya yong lugar lalo na kung nag iisa lang siya sa sementeryo...sana may tumulong sa kanila thank you virgelyncare More power to you ❤
Sana may makasponsor sa pag aaral ng anak ni tatay sayang maganda pa nman ,ituloytuloy mo sana ang pagblog mama virgelyn pra mmay mapapanuod kmi,tagal na dn walang upload,God bless❤❤
Maganda c nanay at may mukha din si tatay kaya yung anak nila maganda at mukhang bombay..mabuhay ka po madam sa pag tulong kahit pano sa mga kababayan natin..God bless po at mabuhay po kayo.
God bless Po sa lahat laban lang sa hamon Ng Buhay... hoping na may makatulong sa pamilya Ng bata.at kahit papaano mairaos Sila hirap Ng kalagayan NILA ...tnx vergelyn for helping ....
Maraming naniniwala sa yo at sa pagtulong mo Vergelyn, hayaan mo lang mga naninira sayo. Wala nman silang maiambag sa pagtulong mo. The more na marami kang bashers the more na umaangat ka at pinagpapala. Tuloy mo lang ang pagvlog marami parin kaming naniniwala sayo. Ingat palagi at God bless
Kaluluwa gawagawa lang yan ng mga enkanto para isama mga tao sa emperno trabao nLa Yan. Mga Diablo na kasing bilis ng hangin o kisap mata d sila Maka takas sa angel ng kamatayan. Mismo mga propeta pinili malapit sa Dios ung iba ayaw pa nLa mamatay d sila pinag bigyan
Huwag mag absent Sowe para mkatapos k ng pag aaral dahil paano mo matupad ang pangarap pag lagi k absent hope na matulongan k ni Vergilyn Cares para tuloy ang pag aaral mo Girl tnx na may mga vloggers na masipag mag scout sa mga nangangailangan ng tulong God bless u virgelyn ingat k lagi
Wag mong itigil marami kming ngmamahal sau vergilin cares ipagpatuloy mo lang ang laban sa buhay wag pansinin ang naninira basta wla kang tinatapakan na tao at gawin mo ang karapat dapat God bless u always watching from cyprus
Ang ganda nang bata...dapat sya mag aral...at masipag naman cla...salamat miss vergilyn cares...sa mga maganda ang buhay sana tulungan naman ang bata...salamat sa inyo...
Hwg na siyang mgtrabaho sana sa sementeryo at bka my masamang loob na di inasahan bka madisgrasya pa siya mgtulong nlang ikaw zoey sa mma mo sa pgtinda jan lang sa bahay. At mg aral kang mbuti. Kagandang bata pati. Ingat palagi zoey. Godbless sa buong pamilya mo. Thank u mma vergilyn sa mabuti mong puso para sa mahihirap.🥰🙏❤️😇
Mabait ,masipag na Bata naway matupad mo mga pangarap sa buhay..kawawa talaga pag marami tapos mahirap Ang buhay..stay safe Vergilyncares God bless 🙏❤️
Vigielyn salamat. Sa tulong mo sa batang yan pagpalain ka palagi ng nasa itaas lagi syang. Nakatingin ❤❤❤ sa ating. Lahat Mahal tayo ng. Panginoon ❤❤❤❤❤
madam vergelyncares salamat at 1 kang may puso na charity vlogger na handang tumulong sa mga taong mahihirap, ,marami na akong napanuod na mga vedio mo, sana mas tumagal pa ang iyong charity vlogger,,,mag iingat ka plage at always pray♥️♥️♥️♥️♥️
Ganito ang mga batang malayo ang mararating sanay Sa hirap,ang karanasan ang nagpapabago para hinde na manahin ang kahinaan Ng mga magulang Kaya goodluck sayo iha pagpalain ka ng maykapal Salamat sayo virgilyn Sa pagtulong Sa katulad nila bilang isang RU-vidr na ang pananaw ay makatulong Sa nangangailangan god bless you
Vigelyn c lord ang nakakakita ng kabutihang ginagawa mo sa kapwa yung mga taong hnd na nga nkkatulong naninira pa samga taong nagcckap mkatulong sa mga mhhirap c lord na ang bahala sa kanila.tuloy lang po sa mgndang layunin at c lord ang mgbbalik siksik liglig umaapaw.
ANG GANDA SI SOWIE, NAKAKASAKIT SA PUSO,❤ OMG,ATE KUYA TAMA PO ANG PAGGAWA NG ANAK, PLS ,KAWAWA ANG MGA BATA, GOOD LUCK MAMA VERGYLYN MORE POWER SA IYO, 🎉❤😊🎉 HAPPY RETURNS ❤🎉I 😊❤ MARAMING NAG AABANG SA PAGTULONG MO,❤🎉😊❤🎉
Salamat na isa ka sa Anghel para ky Sowe,naway my mga tao na makatulong sa mga taong mahirap tulad nila Sowe ..gud luck always sa programa mo Vigelyncares...
Ang ganda ni Sowe , sana matulungan itong bata na ito makatapos sa pag aaral. at may makapansin na mga sponsors. ang tanging maitulong ko yung di pag skip ng mga ads. Watching from toronto canada
Basta ako naniniwala pa rn sayo, hayaan mo yang mga naninira sayo ang importante malinis ang puso at handa kang tumulong sa kapwa mo. Basta ituloy mo lang pagvlog mo para hindi ka makalimutan ng mga nag subscribe sayo.
Kagandang bata ay naku tatay ingatan mo iyang anak mo,at kung bakit dinamihan mo ang anak mo kinakapos tuloy ang kinikita mo para masustentuhan ng ayos ang pangangailangan ng mga anak,God Bless.
Hello mama Vergelyn wag n lng po panis in ang nga naninira or basher patuloy nyo lang mga ginagawa nyong pagtulong sa mga kababayan mas nangangailangan kilala n kayo sa larangan pinasok nyo ang charity blogger.Ingat po & God bless 🙏Sana laging mag Ingat si Sowe ang gandang bata .
Kagandang bata mana sa nanay nia... Mjo mahiyain normal yan sa aming mahihirap lalo nabigla sa mga bagong tao sa paligid nila.. Thank you sa tulong mo sa knila Miss @vergilyncares2.0 ❤
Keep going lang sa Blogging mo Vergilyn dahil maraming naghihintay sa iyo..Hayaan mo yong mga mapanirang mga tao..Ang nagpapakababa ay itinataas..God bless you Always..Shout out from United Kingdom..London
God bless you Vergilyn sana marami ka pang matulungan yong mga naninira sayo maghirap din ang mga yan ingit lang sila sayo kaya sinisiraan ka nila ang panginoon ay laging nasa iyo
Ganda ni sowe pang artistahin,tuloy mo lang maam vergilyn na tumulong sa mga kagaya namin na mahihirap at sana patnubayan ka nang dios sa iyong ginagawa
Ano b yan vergilyn bkt parang galit ka kung mag interview,delikado bata n yan buti ksm tatay nya.kc lam nmn natin sa sementeryo maraming masasamang tao nagpupugad jan.
Napakagandang baby girl ingatan nila anak nila .maraming nangunguha ng mga bata.yun anak ng nephew kong lalaki muntik narin makuha isasakay na buti may nakakita kilala yun anak ng nephew ko.kung hindi na kidnap na sya.sana matulongan mo sya mama Vergelyn🙏
Na miss ko Ang mga vlog mo.. Wagka magpapa apekto sa mga naninira sayo mama virgilyn marami Ang mga taong nangangailangan Ng tulong at Isa ka sa mga nagiging Daan para CLA ay makatanggap Ng tulong.. ipagpatuloy mo Lang Ang mabuting Gawain mo.. mag iingat ka lagi. Gabayan ka lagi Ng ating Dios..
THAT'S CORRECT MAMA VIRGELYN. YONG MGA BASHERS NANONOOD PA RIN SA VLOG MO DARLING KAYA LANG NEGATIVE PEOPLE SILA DAHIL NA IINGGIT LANG SAYO . MAS MARAMI KAMING NANONOOD NA HUMAHANGA SA GINAWA MONG KABUTIHAN SA MGA NANGANGA ILANGAN NG TULONG SO KEEP DOING YOUR VLOGGING DARLING VIRGELYN COZ WE ARE HERE TO KEEP SUPPORTING YOUR GOOD DEEDS THAT YOU ARE DOING. GOD BLESS YOU MORE AND BE STRONG AND KEEP SAFE ALWAYS IN EVERYTHING THAT YOU DO . MABUHAY❤❤❤❤❤❤❤ KA VIRGELYN CARES 😂😂😂😂
First time ko nakita blog mo anak.nag subscribe nako just now.Sana may mag sponsor sa pamilya ito at sana huwag na nila dagdagan ang 12 anak nila.Humingi nang family planning sa ospital or clinic libre naman iyan yata diyan sa pinas.Ako si tita josie.
Dati rati nakinood lng ako .dahil idol na idol kopo kayo..laging nakakaiyak....at pusong mamon ikaw po...piro ngayon andito ka na sa face book ko...❤❤❤❤Amen....glory to God ❤❤❤😮😮