Тёмный

DAING NG SANGNILIKHA 

Diocese of Kalookan
Подписаться 28 тыс.
Просмотров 6 тыс.
50% 1

DAING NG SANGNILIKHA
Homiliya para sa Linggo ng Pentekostes,
19 ng Mayo 2024, Jn 20:19-23
Ang Pentekostes ay araw ng pagdiriwang ng pagdating ng regalong dulot ng pagkabuhay ni Kristo at pag-akyat niya sa langit: ang Espiritu bumaba at lumukob sa mga alagad upang magpatuloy sa pamamagitan nila ang misyon ni Kristo. Ano ang misyon na iyon? Ang misyon na baguhin, hindi lang sila, hindi lang ang sangkatauhan, kundi ang buong sanlibutan sa pamamagitan nila.
Iyon ang sinasabi ng isa sa pinakamatandang panalangin sa Espiritu Santo: Come Holy Spirit:
Come, Holy Spirit, fill the hearts of Thy faithful
and kindle in them the fire of Thy love.
Send forth Thy Spirit and they shall be created.
And Thou shalt renew the face of the earth.
Sa Tagalog:
Halina, Espiritung Banal, puspusin mo ang mga puso ng iyong mga mananampalataya
at pagningasin mo sa kanila ang apoy ng iyong pagibig.
Hayaan mong umihip sa kanila ang banal mong hininga
upang sila’y malikha at upang sa pamanagitan nila ang daigdig ay maging isang bagong sangnilikha!
Apoy ng Pag-ibig ang tawag sa Espiritu Santo. Sa Latin ang salita para sa pag-ibig ay CARITAS, na sa Ingles ay CHARITY. May kasabihan tayo sa Ingles: “Charity begins at home.” Sa tahanan daw nagigising ang kagandahang-loob ng tao, natutong magmalasakit at lumabas sa sarili. Totoo naman, di ba? Kaya nga napaka-importante ng pamilya, kasi ito ang unang eskwelahan natin. Dahil karamihan sa atin lumaki sa hirap, sa mesa tayo natuturuan unang magmalasakit, at matuto sa pakiramdaman. Hindi ba pag pinakakain ang mga aso sa iisang kainan, natural lang na kung pare-pareho silang gutom, mag-uunahan sila, minsan mag-aaway pa nga dahil lahat sila walang ibang hangad kundi ang makakain nang sapat at mabusog? Ganyan kasi ang hayop.
Pero tayo, kahit hayop din tayo, alam natin higit pa tayo sa hayop. Tao tayo, marangal. Kaya tinuturuan tayo na magpakatao,isipin ang kapakanan at ikabubusog hindi lang ng sariling tiyan, kundi ng bawat isa. Iyan ang charity-pag-ibig o pagmamahal. Sa pamilya tayo unang natuturuang makipagkapwa, mag-isip sa kapakanan ng isa’t isa, magmahal, para maging tunay na tao, para magpakatao.
Ang Pentekostes ay tungkol sa pagbubuo ng Diyos ng pamilya, tungkol sa tahanan na gustong buuin ng Diyos, na ang miyembro ay hindi lang mga kadugo-kundi buong sangkatauhan (ibig sabihin, maituring na kapatid ang lahat ng kapwa tao), buong sanlibutan (lahat ng kapwa nilalang). Kaya ipinagdiriwang din natin ang Pentekostes bilang simula ng LAUDATO SI WEEK na ang tema ay “Mga Unang Bunga ng Pag-asa.” Parang harvest festival kasi ang orihinal na Pentekostes ng mga Hudyo. Shabuoth ang tawag nila sa Hebreo, araw ng pasasalamat para sa anihan, o sa unang bunga ng lupa. Kasabay ito, para sa kanila ng pagtanggap nila ng Sampung Utos ng Diyos para sa matuto silang mabuhay bilang katipan ng Diyos, matutong umibig sa Diyos nang higit sa lahat at umibig sa kapwa na gaya nang sarili. Ibig sabihin, maging pamilya ng Diyos.
Oo, totoong “Charity begins at home,” nagsisimula sa pamilya ang pag-ibig. But it should not end at home. It begins there, nagsisimula lamang. Kailangan siyang malubos at mabigyan ng kaganapan. At ito ang misyon ni Kristo, na siyang dahilan para sa Pentekostes. Para matupad ang Pangarap ng Diyos na mabago ang buong daigdig upang maging pamilya ng Diyos-tumanggap ng bagong dila, hindi dilang laman kundi dilang apoy-simbolo ng wika o linggwahe ng Diyos, and linggwahe ng CARITAS, PAG-IBIG. (Iyon ang Espiritu: ang apoy ng Pagibig ng Diyos, the fire of God’s love, na siya lang makapagbabago sa daigdig at sa relasyon ng tao, hindi lang sa kapwa tao kundi sa lahat ng kapwa nilalang.
Kaya naging inspirasyon ni Pope Francis ang panalangin ni Saint Francis of Assisi sa kanyang encyclical na Laudato Si-Care for the Earth, our Common Home. Tungkol sa mas malawak at mas malaking tahanan na nais likhain ng Diyos.
“Purihin ka, Panginoon ko, sa lahat ng iyong mga nilikha,
Lalo na kay Araw na aming kuya
Upang sa pamamagitan niya’y masikatan kami ng iyong liwanag…
Gayundin sa buwan at mga bituin na aming mga ate sa langit
Hinubog mo sila upang aming mamalas sa pamamagitan nila ang iyong kaningningan…
Gayundin ang simoy ng hangin na kapatid rin namin,
upang sa pamamagitan niya lahat kaming iyong mga nilikha ay maginhawang makahinga
Gayundin sa ate naming tubig na Hindi rin iba sa amin ,
Purihin ka sa kapatid naming apoy at sa lupang aming nanay upang sa pamamagitan niya kami rin ay umusbong, mamukadkad at laging maging mabunga
Gayundin kay ateng kamatayan na di maiiiwasan ninuman sa amin…”
Malasakit ang tawag natin kapag nararamdaman na natin ang sakit na pinagdadaanan ng mga taong malapit sa atin. Bakit? dahil kapamliya ang turing mo sa kanila, parang nakaugnay ka na sa kanila. Ang nakakaapekto sa kanila ay nakakaapekto na rin sa iyo. Pero sa Pentekostes, ang itinatanim na pag-ibig na Diyos, ang hininga na ibinibigay sa atin, ang apoy na sinisindihan sa mga puso natin.............

Опубликовано:

 

17 май 2024

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии : 14   
@kaacadsgapayph-qy1ev
@kaacadsgapayph-qy1ev 18 дней назад
Praise be Jesus Christ now and forever 🙏
@randyvidal1057
@randyvidal1057 Месяц назад
Come, O Blessed Spirit of Piety, possess my heart. Enkindle therein such a love for God, that I may find satisfaction only in His service, and for His sake lovingly submit to all legitimate authority. Amen.
@erlybalaguer7933
@erlybalaguer7933 Месяц назад
Amen Bishop Ambo tnxs sa misa and homily inspiring po and d viewer learned and apply to other people
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 Месяц назад
Happy birthday , Catholic Church.
@avelinamanamtam967
@avelinamanamtam967 13 дней назад
Amen po BishopAmbo🙏😇🌻🌻🌻
@ReynaldoTolero-gx9mu
@ReynaldoTolero-gx9mu Месяц назад
Amen❤❤❤
@mariamvillaver9510
@mariamvillaver9510 Месяц назад
Thanks be to God 🙏🙏🙏❤️
@amandaguiam8962
@amandaguiam8962 21 день назад
Thank you Bishop Ambo For the very inspiring homily 🙏❤️💓💝💖
@randyvidal1057
@randyvidal1057 Месяц назад
Almighty and eternal God, Who hast vouchsafed to regenerate us by water and the Holy Spirit, and hast given us forgiveness of all sins, vouchsafe to send forth from Heaven upon us your sevenfold Spirit, the Spirit of Wisdom and Understanding, the Spirit of Counsel and Fortitude, the Spirit of Knowledge and Piety, and fill us with the Spirit of Holy Fear. Amen.
@user-zr5ld3kg6q
@user-zr5ld3kg6q Месяц назад
❤ Salamat po Bishop❤
@randyvidal1057
@randyvidal1057 Месяц назад
Act of Consecration to the Holy Spirit On my knees before the great multitude of heavenly witnesses I offer myself, soul and body, to You, Eternal Spirit of God. I adore the brightness of Your purity, the unerring keenness of Your justice, and the might of Your love. You are the Strength and Light of my soul. In You I live and move and am. I desire never to grieve You by unfaithfulness to grace, and I pray with all my heart to be kept from the smallest sin against You. Mercifully guard my every thought and grant that I may always watch for Your light, and listen to Your voice, and follow Your gracious inspirations. I cling to You and give myself to You and ask You, by Your compassion, to watch over me in my weakness. Holding the pierced Feet of Jesus and looking at His Five Wounds, and trusting in His Precious Blood and adoring His opened Side and stricken Heart, I implore You, Adorable Spirit, Helper of my infirmity, to keep me in Your grace that I may never sin against You. Give me grace O Holy Spirit, Spirit of the Father and the Son, to say to You always and everywhere, “Speak Lord for Your servant heareth.” Amen.
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 Месяц назад
🪂🪂☦️🎺🍇COME HOLY SPIRIT FILL THE HEARTS OF THE FAITHFUL AND🌇📖🌹🍁🌾RENEW THE FACE OF THE EARTH! 🏵️🌴🎪⛩️🌈
@samsamchao5440
@samsamchao5440 Месяц назад
𝐂𝐨𝐦𝐞 𝐇𝐨𝐥𝐲 𝐒𝐩𝐢𝐫𝐢𝐭 𝐢 𝐧𝐞𝐞𝐝 𝐘𝐨𝐮. 🙏
Далее
GOD THE FARMER
20:44
Просмотров 4,4 тыс.
SINASAMBA KITA
22:01
Просмотров 6 тыс.
Bp ambo retreat 2024
1:27:59
Просмотров 11 тыс.
I LOVE YOU NANAY ... HAPPY MOTHER'S DAY
2:29
Просмотров 2,5 тыс.
GO OUTSIDE!
8:47
Просмотров 2,1 тыс.
Tahanan ng Puso
12:53
Просмотров 3 тыс.
MAGDILANG ANGHEL
9:54
Просмотров 2 тыс.