Тёмный

SINASAMBA KITA 

Diocese of Kalookan
Подписаться 28 тыс.
Просмотров 5 тыс.
50% 1

SINASAMBA KITA
Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay,
Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17
(Pista ng Mahal na Ina ng Grasya)
Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari-ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience assistant sa Vatican na huwag kaming luluhod sa Santo Papa. Hindi niya kasi ito ikinatutuwa.
Kanina, ito ang bumalik sa isip ko matapos na marinig ko ang reaksyon ni San Pedro nang lumuhod si Cornelio sa harapan niya. Ganito raw ang sinabi niya, “Tumindig kayo. Ako’y tao ring tulad ninyo.” Bakit ganoon ang reaksyon ni San Pedro? Dahil sa tradisyon ng mga Hudyo-walang ibang sapat sambahin ang tao kundi ang Diyos. Totoo ba iyon? Oo naman. Hindi lang iyon sa Hudyo, sa Kristiyano rin. Diyos lang talaga ang dapat sambahin .
Kaya siguro ganoon din ang sinasabi ng isang kantang Tagalog na komposisyon nina George Canseco at Rey Valera na pinasikat ni Sharon Cuneta at ang pamagat ay SINASAMBA KITA. Ganito ang lyrics ng kanta:
Sinasamba kita
Higit sa iyong akalang iniibig lang kita
Paggalang ko sa iyo'y higit sa buhay kong taglay
Wala na yatang papantay, ang buhay ma'y ibibigay ko pa
Sinasamba kita
Sinasamba kita
Kung kasalanan man sa Diyos ang sambahin kita
Marahil ay mauunawaan Niya ang tulad ko
Na labis nagmahal sa 'yo, masisisi Niya ba ako sinta
Sinasamba kita
Balik tayo sa Santo Papa. Sa kabila ng instructions na ibinigay ng audience assistant, ang dami pa ring pasaway na hindi sumunod. Noong nakakatayo pa ang Papa at matatag pa ang mga tuhod niya, hinahatak niya patayo ang mga lumuluhod sa kanya. Ngayon, dahil naka-wheelchair na siya, hindi na niya magawa iyon. Kaya hinahayaan na lang niya, pero kitang-kita mo sa mukha na nahihiya siya, o hindi niya ikinatutuwa.
Talagang may katigasan ang ulo nating mga tao, di ba? Bakit? Siguro dahil talagang ibig lang nating ipahayag ang pagsamba natin sa Diyos na hindi naman natin nakikita. Sa ating second reading, maiintindihan natin kung bakit napapaluhod tayo kung minsan sa mga taong taong mahal natin. Sabi ni San Juan, “Mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pagibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay Pag-ibig.” Saan natin natatagpuan ang Diyos na ibig nating sambahin? Sa karanasan ng tunay, wagas at lubos na pag-ibig. Sinasabi rin ito ni San Pablo: Sa tatlong dakilang kaloob daw ng Espiritu Santo-Faith Hope and Love, ang pinaka-dakila ay LOVE, Pag-ibig. Ito lang ang puwedeng magpabago, magpaganda at magpabanal sa ating pagkatao.
Ito rin lang ang pinakamalinaw na tanda ng pagsasaatin ng Diyos. Ang pagiging maka-Diyos ng tao ay hindi naman nakikita sa pagiging madasalin, mapagsimba, o relihiyoso. Ang mga walang Diyos sa mundo ay hindi naman ang mga walang relihiyon kundi ang walang pag-ibig, ang mga hindi marunong magmahal sa kapwa, ang hindi marunong magmalasakit, magparaya, maglaan ng buhay. Ito rin ang sinasabi ni Hesus, ayon kay San Juan sa ating ebanghelyo. Ang tunay na tumutupad sa utos ng Ama ay ang nananatili sa pag-ibig ng anak. Karugtong ito ng binasa natin noong nakaraang LInggo: ang puno ng ubas at ang sanga. Matutuyo daw at hindi magbubunga ang ang alinmang sanga kapag nahiwalay ito mula sa puno. Bakit? Hindi dadaloy ang grasya na sa puno lamang pwedeng magmula.
Sa Araw na ito, ipinagdiriwang din ng ating Parokya at Dambana ang Pista ng ating Mahal na Ina sa title na Our Lady of Grace, Mahal na Ina ng Biyaya. Saan galing ang title na ito? Sa sinabi ng anghel kay Maria nang balitaan siya na lulukuban siya ng Espiritu Santo: “Napupuno ka ng Grasya, ang Panginoon ay sumasaiyo.” Tayo rin ay napupuno ng grasya, kapag ang Panginoon ay sumasaatin. Ang Grasyang tinanggap at dinala ni Maria sa sinapupunan ay walang iba kundi ang Anak ng Diyos na sugo ng Ama upang maging Tagapaghatid ng Grasya ng Espiritu Santo sa buhay ng lahat ng kanyang mga alagad at kaibigan.
Ito rin ang pinaghahandaan natin sa magkasunod na dalawang Linggo na magiging conclusion ng Pagkabuhay: ang pag-akyat ni Kristo sa Langit at ang Pagbaba ng Espiritu Santo sa mga alagad, upang tayo’y isilang na muli bilang mga anak ng Diyos na pinagmumulan ng lahat ng grasya, upang lahat tayo’y maging daluyan din ng biyaya para sa buong daigdig.
Minsan, may lumapit sa akin. May luha pa sa mga mata niya. Sabi niya, nakita ko po si Jesus sa inyo habang nangangaral kayo, at noong itaas ninyo ang ostia. Saka siya lumuhod sa akin. Siyempre, tulad ni Pope Francis, pareho din ang reaksyon ko; pinatayo ko siya. “Nay, sa kanya ka lang lumuhod at sumamba.” Iyon ang tamang reaksyon ng tao kapag sumasaatin ang Diyos-ang panliliit, ang pagpapakumbaba. Dahil alam natin kung sino tayo-na tao rin tayo, makasalanan, ngunit dinadapuan din ng biyaya, hindi dahil mahal natin siya kundi dahil siya ang unang nagmahal sa atin. .....

Опубликовано:

 

3 май 2024

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии : 23   
@erlybalaguer7933
@erlybalaguer7933 14 дней назад
Amen tnx sa misa at homilly bishop Ambo
@lrey3849
@lrey3849 5 дней назад
Amen,isa kpong mlking hlimbawa ng kbbaang loob at pagibig ng Diyos. Tnx be to God for us you po n all our priests sa pagpplgnap ng Mabuting Balita ng Panginoon. Faith,hope n love nd d greatest of them all is love! Love ng Panginoon n naway maibahagi ntin sting kapwa,Amen!
@mariachristinagonzales5828
@mariachristinagonzales5828 17 дней назад
Amen.🙏
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 18 дней назад
🔭🪂💐🌹🛐🦋 HOLY GOD, holy immortal One, HOLY MIGHTY ONE,. I. TRUST. IN. YOU!!!
@soledadabila7607
@soledadabila7607 17 дней назад
Salamat po.
@leticiabalitaan5924
@leticiabalitaan5924 18 дней назад
Beautiful homily about Love… God is love.lord Jesus , teach me how to deepen my Faith. In you.. Yes , when I saw you Bishop David , I saw your holiness. as if I saw a living Saint .thank you ho , thank you .amen
@user-zr5ld3kg6q
@user-zr5ld3kg6q 17 дней назад
❤ Salamat po Bishop ❤
@kathaguilar7218
@kathaguilar7218 17 дней назад
Amen 🙏. Thank u so much po Bishop, for d beautiful homily. So humbling... nakaka guilty. Sorry po, Lord!
@leonilacalma2183
@leonilacalma2183 16 дней назад
Thank you so much po Bishop for your profound, loving and inspiring words. God bless you po 🙏🙏🙏🙏
@evelynruiz1860
@evelynruiz1860 17 дней назад
I always see Christ sa lahat ng pari, in the Mass or in any occasion
@florpascual2694
@florpascual2694 18 дней назад
Amen Lord,sinasamba kita, salamat po at you chose me to learn and know you more and more through a catholic charismatic comm,salamat po,walang hanggang pasasalamat po.I am thirsty,hungry and needy for you, may I love truly my neighbors and you Lord by your grace and mercy Amen. Salamat po Bp.Ambo sa pagninilay, Ingat po lagi!🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
@florpascual2694
@florpascual2694 18 дней назад
Amen and Amen!Jesus in my tabernacle!🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏
@randyvidal1057
@randyvidal1057 18 дней назад
O merciful God, fill our hearts, we pray, with the graces of your Holy Spirit; with love, joy, peace, patience, gentleness, goodness, faithfulness, humility and self-control. Teach us to love those who hate us; to pray for those who despitefully use us; that we may be the children of your love, our Father, who makes the sun to rise on the evil and the good, and sends rain on the just and on the unjust. In adversity grant us grace to be patient; in prosperity keep us humble; may we guard the door of our lips; may we lightly esteem the pleasures of this world, and thirst after heavenly things; through Jesus Christ our Lord.Amen.
@donnalinaimperial8616
@donnalinaimperial8616 13 дней назад
QA aaa
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 18 дней назад
⛩️🎪🌹💃☦️🌸🦋🌎🎉🍞🌍 Our Lady of Grace UNTIER OF KNOTS never was it known that anyone who fled to your protection was ever left unaided our petitions pls esp for my children and my wife 🌴🛐🇻🇦🛒🎺🪂🔭🍁
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 13 дней назад
🌿🇻🇦🍞🌾🎊For JosefRatzinger JaimeSin RayAgramon ErnieJoaquin EugenioPacelli AchilleRatti GiacomoDellaChiesa AgustinBea JohnWright StephenKim JulioRosales BrunoTorpigliani GioachinoPecci AgustinBea AgostinoCasaroli JeanVillot RufinoSantos GabrielReyes MichaelO'Doherty AmadoPaulino JesusSanDiego FelixPerez and all in purgatory🌏💃👩‍❤️‍👩🌴🔥⛩️🛐
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 18 дней назад
🌎🌊✝️🎺🌇🌈🍁💃🎊🍁 Our Lady of Perpetual Help UNTIER OF KNOTS never was it known that anyone who fled to your protection was ever left unaided our petitions pls esp for my wife my son John-Leo and his siblings.💃🎪🔭🌍🌴🪂☦️🎉
@driggsbaylon4655
@driggsbaylon4655 13 дней назад
🌿🇻🇦🍞🌾🎊For JosefRatzinger JaimeSin RayAgramon ErnieJoaquin EugenioPacelli AchilleRatti GiacomoDellaChiesa AgustinBea JohnWright StephenKim JulioRosales BrunoTorpigliani GioachinoPecci AgustinBea AgostinoCasaroli JeanVillot RufinoSantos GabrielReyes MichaelO'Doherty AmadoPaulino JesusSanDiego FelixPerez and all in purgatory🌏💃👩‍❤️‍👩🌴🔥⛩️🛐
Далее
DAING NG SANGNILIKHA
21:23
Просмотров 5 тыс.
My WORST Birthday Ever..
01:00
Просмотров 22 млн
Whyyy? 😭 #shorts by Leisi_family
00:15
Просмотров 795 тыс.
WALL OR FALL 🙈
00:10
Просмотров 10 млн
PABAON SA PAGLISAN
15:21
Просмотров 3,6 тыс.
ASENSO TAYO
26:01
Просмотров 4,5 тыс.
EL SHADDAI WALK OF FAITH 2024
23:25
Просмотров 11 тыс.
MAHIRAP MAGING PARI - Homily by Fr. Dave Concepcion
22:08
Bp ambo retreat 2024
1:27:59
Просмотров 11 тыс.
MEN OF LIGHT -  EPISODE 13   SEASON 81 - "IN HIS NAME"
50:48
Ang Paru-paro tula ni bishop ambo
3:40
Просмотров 591