Eto mga tips na natutunan ko sa mga sarili kong pagkakamali nung nagaaral ako magdrive sa Manila. 1. WHEN MOVING, DRIVING STRAIGHT IS THE SAFEST- Ibig sabihin sa pagmamaneho, basta ang pinakaligtas mong pwesto ay pag nasa linya ka at diretso ka lang. Kapag lumiliko tayo, kapag nagpapalit linya, o kahit pag papara tayo sa tabi, dun tayo mas nagiging vulnerable sa aksidente, sagi/bangaan, at kung anong pagkakamali na pwede mong ikahuli. Kaya extra careful dapat kung liliko, hihinto, o lilipat ng linya. 2. ANG HULIHAN AY KADALASANG NANGYAYARI SA ISANG INTERSECTION- Kung baga sa pedestrian, ang gusto mo mangyari kapag nasa harap ka ng isang intersection ay agad na makatawid ng wala sabit. Nasa intersection kadalasan din mga nanghuhuli. Kaya tulad ng isang pedestrian na tumatawid ng kalsada, ang isang nagmamaneho na tumatawid intersection ay dapat triple ang pagkalisto lalo kung malapit na -Tignan mo kung nasan ang traffic light -Tignan mo kung anong mga sign nandun. Baka mamaya hindi mo pala pwede likuan kasi one way -Inspect mo paligid kung may traffic enforcer, minsan kasi nakatago mga yan -Malayo layo ka pa sa intersection, pumuwesto na agad sa tamang lane. Kung papaliko ka kunwari sa kaliwa, pinaka-kaliwang lane na kunin mo. Yan ay para di ka din makaabala ng nasa likod mo na hindi naman kakaliwa. -Kung diretso ka lang at 4 yun lane, lane number 3 ka lagi. Sa 4-lane na kalsada kasi, ang 2 left most lanes ay pwedeng papaliko -Kung ilang metro na lang layo mo sa intersection huwag ka na magpapalit ng linya. Lalo kung Solid White line ito. Dyan ka na lang -Kung naligaw ka sa lane na papaliko, sumunod ka na lang sa agos ng trapiko -Tignan yun road markings pag malapit na intersection. Para alam mo kung pwede ka ba lumiko o hindi - Kapag malawak yun intersection na nililikuan, tumingin sa dalwang side and rear view mirror, kasi minsan may gagong aagawan ka linya habang lumiliko. - Huwag ka gagawa sarili mong linya pag nasa gitna ng intersection. Kung kun nasa lane 1 ka bago tumawid, lane 1 ka din dapat pag nakatawid na - Eto madalas makadale. Ang traffic light na wala countdown pag papaliko kaliwa. Ang technique ko dyan, steady lang ang speed mo. Pero pay attention ka sa traffic light. Kahit technically legal sya, huwag ka papaabot ng yellow sa gitna ng intersection hangang maari. Kung sakali di mo na kaya pumara, ang gawin mo imbes lumiko diretso ka na lang. Hanapin mo pinakamalapit U-turn sa kaliwa. 3. LEARNING IS HALF THE BATTLE- Sa totoo lang, hindi naman sapat time na iniuukol ng kahit na anong driving school para matutunan mo lahat. Some talaga matutunan mo by doing it. Pero syempre ayaw mo ng abala tuwing mahuhuli ka. Isa pang nagpapahirap talaga ay hindi unified ang ating traffic rules sa Mega Manila. Iba iba din ang pagkastrikto. So aralin mong mabuti mga kalsada na dadaanan mo. Kung pwede igooogle map mo muna. O kaya noon ka mga Video tulad nito para matuto ka ng husto. 4. When all else fails, magmenor lagi. Lalo pag malapit na sa intersection at lilikuan. Magbibigay ito pagkakataon para makita mo kung may traffic enforcer, at mga karatula na kung me bawal gawin Happy motoring and drive safe mga brader.
well said sir, kakahuli lang sakin sa Binondo area kanina. Bago pa lang ako nag ddrive sa Maynila, nakalinya ako sa kanan, nung nakita ko yung barikada nilang orange napakaliwa ako, dun na ko dinale. Maraming salamat sa tips sir.
@@jemwilsuarez2205 No problem brader. Im glad nakatulong. OO strikto ang Manila Area at masyado malupit parusa nila. Ang mamahal na nga ng multa, kumpiskado pa minsan lisensya mo kahit napakaminor lang naman violation mo. Kung may barikada na orange, usually kasi ilang metro bago nyan solid white line na. Kaya ka malamang nasita. Kaya ingat at listo lang palagi
Bro. maraming salamat sa mga napaka linaw mong pag tuturo. salahat ng video, na ginagawamo. hindi ako nagkamali ng i subscribe kita, at laging i like. God Bless. gabayan kasana ni Lord, sa araw araw mong ginagawa, at sanay, tuloy tuloy ang yong pag tuturo. salamat uli, ingat lagi Bro 😊👏
Ako everyday laging dumaadann sa manila from pajo calocacn to Robinsons manila .hatid sundo k young asawa ko . 5 years na ako driver ng motor... ang payo ko lang din...sa simple ng rules sumunod lang tayo para iwas abala. Sofar no record pa ako from 2016-2021... waiting sa 10 years validity. .. #maging responsibleng driver
Handa nman sumunod sa batas,, Ayusin sana mga signage kawawa mga bihira pumasok jan,, mga enforcer doon nka abang sa alam nila malilito ang driver para maka huli,, ang lalaki ng lubak sesemplang ka kpag hindi ka nag change lane
sana din sumunod din sila sa tamang panghuhuli kc basta na lng nila hinihingi lisenya na walang dahilan minsan d nila alam kng anong ilalagay nilang violation nanghuhula na lng d mo rin alam kung dumaan din cila sa seminar .
Sir dito sa kahabaan ng R10 North harbor sobrang dami ng trap. Yong area na sobrang traffic walang enforcer para ayusin yong traffic. Pero sa bawat stop light nandon sila sa unahan at naghihintay na magkakamali. So iba yong magkamali at mag violate intentionally. Sorry to say, the intention is clearly to compromise at hindi issuehan ng ticket. Maraming nabibiktima lalo na dyan sa Pier 4 kung papunta ka Manila. Hindi traffic management ang nangyayari kundi maghanap ng butas para makakotong. Lord kunin mo na sila pls perwisyo sila sa lansangan.
Pinagdasal ko din na kunin sila at may mangyaring masama sa kanila kasi grabi sila. Pinagdadasal ko din kay satanas na kunin lahat nang enforcer at duon na sila lahat sa imperno.
6:44 wala ngang signages sa unahan, kaya siguradong mpapasok mo kapag bago ka sa lugar. siguradong huli kahit sila naman ang may pagkukulang o sinadya talaga puro mga kurap.
Kawawa mga buhira lng pumunta jan,, kasi wala sa tamang lugar mga signage,, tapos nka abang mga enfoncer,, yung alam nilang magkakamali athindi mababasa ng driver ang signage,,, mga kalsada wala naman sa ayus laging under construction wala nnan Gumagawa,,, bako bako ang lalaki ng lubak paano ka hindi mag chechange lane,,, ayusin muna ninyo kalsada saka ninyo lagyan ng camera
Share lang ho Sir! Going down jones bridge towards binondo, there's a traffic light, BUT, partially covered by a smaller arch ( "arco" , " fil-chi friendship arch"), and...... Traffic enforcers are always on d corner ready to pounce on motorists who r not familiar with this trafficlight or streets in binondo. Thank u btw for your useful videos!
Very helpful. I agree mahigpit sila sobra sa lane changing. Lalo kung malapit ka na sa intersection. At mahal ang multa sa kanila. Hirap pa nyan, kumpiskado pa lisensya mo at 1 week minimum bago mo ito pwede matubos. Yan ay kung di ka bibigyan ng 2 hour na seminar.
Amg mahirap po kasi sa ating driver hinahanap natin ang pupuntahan natin..kasi kulang sila signboards..kong saang lugar ka na ba at saan ka papatungo..may signboard minsan sa malayo mahirap basahin mabasa mo na lang pag medyo malapit ka na at dun din talaga nilagay kong saan ka na malapit sa pupuntahan mo halimbawa pakanan pala yong pupuntahan mo eh nasa gitna ka pa..ending hndi ka na pwede mag swerve..kasi malapit na..ang dapat ila gawin malayo pa lang maglagay na sila g signboards para alam na ng driver kong anong linya sya dapat na luminya..parang sinadya na nila yan para madami sila huli
yan ang problema jan sa manila.. gusto mong safe na nasa gilid ka lng magugulat ka nlng may arrow sa ibaba na bawal dumiretso.di kna mkakaliko ksi bka maaksidente. halagang libo sa simpleng pinturang arrow.. unfair..
Tama,, papansin lng yan ,,, Kung maayus ang kalsada at mga signage ok lng na mahuli ka kc kasalan mo yun,, pero mga kasing lake ng timba na lubak paano ka hindi mag chechange lane
Sana masagot nyo mga tanong ko: Nahuli ako ng isang Manila traffic enforcer. Bumabagtas ako sa Quirino Ave. Papuntang Roxas Boulevard pero pagdating ko sa entersection ng Adriatico nasilip ako ng enforcer at nahuli nga ako. Ang pangyayari kasi ay nasa left lane ako approximately less than 10 meters mula sa entersection at ang left lane na iyan ay going to to turn left at nasa loob na ako ng solid white lane. Di ko na isip at napansin malapit na pala ako ng entersection ng Adriatico kasi nasa unahan ko ay close van at sa kagustuhang tuloy ang abante ko nag change lane ako kahit na sokid white lane. Sabi ng enforcer nasa wrong lane daw ako at nasabi pa nya na bawal lumiko sa solid white lane. Gusto nya akong tiketan pero sa marami naming diskusyunan naawa sa akin at pinatawad ako doon sa nangyari. Noong naguusap pa kami hiningi ko sa kanya ang mission order nya ipinakita nya sa akin pero ang tiket nya ay OVR di ba dapat TOP kung sila nga ba ay diputized ng LTO? 2000 sana yong violation ko at doon sana sa manila city hall ko kukunin kung nagkataong natiketan nya ako. Yon nga lang di ko alam kung anong violation ang igahawad nya sa akin. Salamat sa mga sasagot
Problema sa pinas napakatagal na hangan ngyon walang unified standard ang road signs at traffic light. Ito sa lugar na ito ganito, tpos sa lugar na ito iba. Mga batas sa traffic hindi pare parehas kaya naperwisyo mga tao at wlang nagawa lto at gobyerno dito
after ng under pass dyan po ako n'atatakot kasi .Pag naka green...naka ilang tumuloy kasi biglang mag red ..Isang Beses na huli ako dyan.... buti nalang mabait yung enforcer ..nagpa meryenda nalang ako. sunday kaya walang tao masyado..hindi na ako natikitan...
And not to mention malupit talaga sila kahit sa mga minor traffic violations. Mahina dyan ang 2000 na multa, 1 week confiscation ng lisensya, na may kasama pang 2 hour na seminar.
Very disappointing MTPB. Walang patawad. Kung non Manila residents wag naman ganyanin. First time offenders pwede unawain at pagsabihan. Kasi instead na ma encourage ang foreign at local tourists na spend money sa Maynila at marami bumili at gumastos duon para income for the city lalong maiinis mga tao bumisita. Sa totoo Lang, mas ok pa sa ibang lugar bumisita.
LTO iba ang traffic rules, MMDA iba din ang traffic rules, HPG iba din ang traffic ruleS, EVERY CITY IN METRO MANILA may kanya kanyang traffic rules din. Langya🤔🤔
paano kung di mo kabisado yang lugar di namn natin.alam kung saan banda nklagay ang mga marka na yan okey lang sa u kac taga jan ka e kaming mga probisyano dapat mga sign nila makikita agad hindi e nasa gitna na halos yung sign
Hirap lang kasi iba iba ang rules...meron naman ako na panuod na kung kelan naka red signal saka dapat umabante sa U turn slot...actual video po iyon, kung sa iba huli naman yon. Hirap talaga! Tsk tsk..
at the first place hindi naman kelangan netong tips videos how to drive kung talagang matino at nasa tamang disiplina kayo its just so happens na ang mga batas ika nga eh mali mali na sa manila eh ginagawa pa nilang tama BULLSHIT LAW!