Thank me later. 1. Skimcoat muna bago i-waterproof 2. Kaskasin ng trowel/paleta ung wall para matanggal yung maliliit na bato / Pwede rin lihan ng #36 o #.60 grit sandpaper 4. Magtimpla ng skimcoat 5. Haluin ng 2-5 mins pagtapos ay hayaan ng 15 mins at muling haluin. Magtimpla lang ng kayang ubusin sa loob ng 1 oras. Gumamit ng improvised na panghalo para walang buobuo 6. Basain muna ng malinis na tubig ang pader gamit ang roller 6. pahiran ng skimcoat para kuminis at matakpan na rin ung crack. Pahiran ng vertical at horizontal para pumantay 7. Hayaan magcure ng 2 araw 8. Pagtapos 2 days, lihahin ng no. 150 Hippo Brand Abrasive paper ang naskimcoat, tapos alisin ang alikabok 9. Liquid-tile penetrating sealer 5-530 clear (ito ay acrylic solvent based na para sa semento kaya ito ay matibay sa ulan at ito ang magprotekta sa semento para di magmoist ang wall sa kabila) pwede na ito gamitin direkto. Gamitin lang ito sa bare cement o wala pang pintura na semento. pahiran na natin gamit ng baby roller, wag gumamit ng common roller para sa wall dahil kaya nitong palambutin ang plastic, baka masira agad roller. Patuyuin ng 2 oras tapos second coat para sigurado 10. Gumamit ng Acrytex Primer B-1705, tulad ito ng liquid tile acrylic solvent din ang acrytex primer kaya matibay ito sa tubig, Lagyan ng acrytex reducer tapos pagulungan ng 1 mano ang pader 11. Patuyuin ng overnight 12. Nippon Paint Elastex, elastomeric waterproofing - ito ay waterbased at maraming pagpipiliang kulang kaya magandang pang finish ito. pwede rin ang arytex topcoat kung gusto mo ng mas matibay 13. pasaliha muna bago pagulungan ng nippon paint14,. Finished
sir pagrough po ang wall hindi po pde ipahid yan penetrating sealer diretso kailangan po ba ay makinis ang semento or nakaskimcoat bago po ba pahiran nyan
Thanks po for sharing this video , nagleleak din po yung wall namin sa likod pag matagal at malakas ang ulan , ganito pala ang dapat gawin , no i know , watching from Istanbul Turkey
Sir maraming salamat sa pag share mo ng iyong skills at kaalaman. Malaking tulong ang mga ito. I really appreciate also yung time na inilalaan mo sa pag edit ng videos para madali naming masundan at maunawaan mga tamang proseso. Mabuhay ka at naway umunlad pa lalo channel mo. 👍
Good day idol slmat na share mo. ito ang karamihan proglima sa mga bahay maraming klase ang waterproofing ito maganda para wall medyo lang makonsumo pero matibay sa wall thank.
@@LeojayBaguinan pareho lang ba ang acrytex cast at acrytex primer?.If not ano ang gamit ng bawat isa at when at where ito ginagamit.?Thank you so much
Sir pano po kung walang way para gawin yan sa other side kasi halos magkadikit walls namin ng kapitbahay? Yung wall namin sa kwarto painted na ngunit may seapage pgkamalakas at matagal ang ulan. Meron ka po ba paraan to solve the problem. Thanks sa response
Same question po. Kunware po ay skimcoat lang muna and in the future pa nagbabalak magpapintura dahil kulang sa budget po :) and aling skimcoat brand po ang recommended ninyo na hindi magpupulbo.. salamat po sir
Yung outside rough wall ay may pinta tapos skim coat (skim.coat can be applied directly sa painted wall after after lihain ng kaunti at basain ng tubig)After ng skim coat application ng 2 applications at patuyuin on each application ng skim coat pwede na Isunod yung penetrating sealer then acrylic primer?Tama po ba?Ano po ba ma's matibay na pang finale platada (final na pagkinis)skim coat o pure cement?Thank you po scheduled this summer sa dirty kitchen namin.
Boss may tanong po ako paano po kung ang bahay mu sa likod ei, sarado na ndi muna mapapalitadahan at mawawater proof pero yung loob ng bahay po naka skimcoat na anu po pwde gawin salamat po sa inyong sagot. Godbless sana matulungan nyo po ako
Ang galing mo po sir. Hi Sir, pwede po bang patungan ng liquid penetrating sealer ang meron ng boysen plexibond na firewall namin ? or pwede bang lagyan ba namin ng skimcoat yung existing plexibond ng firewall namin ? Ano po ba ang magandang gawin kungmay plexibond na yung firewall namin. Thanks a lot po. Ingat.
Sir, ask ko lang po, kakatapos lang nung wall namin, pero rough finish lang po sya. Tanong ko lang po kung ano po magandang pang waterproofing? Saan po ba kami mas makakamura pero sigurado naman pong di na magmomoist? Maraming salamat po!
Kailangan mong iprimer muna dahil kung direkta finish yan ay lalabas parin yung semento at parang may mapa mapa itsura...mangyayari ay magdadagdag ka rin ng coating
Pwede po bang hindi na I skim coat kasi sa labas ng 3rd floor at kailangang na hagdan lang gamitin para maabot yung papahiran ng water proofing. Rough lang po finished. At ano po ang magandang ipahid na water proofing agent na pwedeng gamitan ng roller.
good day sir pwedi ko ba yan eh haplas sa tiles ng roofdeck ko kasi mg nag leak pa sa slab ko sa loob ng bahay kong baga ganyan gawin ko sa tiles na kinabit ko
boss pa seek po advice ano mganda gawin kasi kakatapos ko lng magpagawa ng bahay pininturahan amd nilagyan lng nga skimcoat ang wall after 1-2 weeks na notice ko meron mga hairline cracks sa interior walls ko po
Boss pwd po b yang penetrating sealer s finish n wall para mtibay po s moist at crack.. Kso ang ggmtin q pong masilya ay mansonary putty po eh hndi skim coat pwd po b un slamat po
hi sir, regarding sa tanong mo, ako na muna sasagot. Since ang sealer ay waterproofing, pwede naman na, ang skim coat lang naman is used for smoothening of surface.
Sir @@gabrielcaballero4867, dito sa amin may bahay na rough finished lang siya pero ang may ari may ipinahid na pang water proofing na naging gray ang kulay ng kanilang wall. Ano kaya ang ipinahid?
yung makintab na pinahid sa wall na matibay sa ulan pwede po bang gamitin sya sa hardiflex cement coated ?? para sa house na half cement half hardiflex po ??
Parehas lng naman na nauna ang penetrating sealer bago iacrytex primer...ang pagkakaiba lng ay rough yan kaya pinakinis ko muna ng skimcoat bago penetrating yung sa isa naman ay finish na ng sementong puro kaya penetrating na kaagad bago iprimer
@@LeojayBaguinan sir ask ko uli pwede po ba paki mention lang according sa order ng pag gamit. From plastering with Sahara ...Application of Skimcoat..Thoraseal or Plexibond mixed with cement..Then penetrating sealer ano po sunod ?Yung sa wall po kasi ng dirty kitchen namin sa may flooring banda (sugpungan ng wall at flooring ay natagas)Ano po ang dapat gawin. Xencia na pokasi puro babae kami at yung ibang mang gagawa nanloloko lalo na if babae kausap .Siya din gumawa ng dirty kitchen namin.Sabi niya platadahan niya daw uli de buhos cement /sand pero di na maghuhukay level lang ng flooring di sinabi na need some wayerproofing.Dami ko ng nagastos before .Thoraseal was applied at sa bricks yung primer ata ( forgot the name parang emulsion na pinapahid sa bricks.) ganoon pa din Just subscribed.Thank you .Pasensiya na po sa dami kong tanong.Marami kasing manloloko ngayon.Para tawagin ng tawagin sila .
Sir, yung interior paint na glossy ng loob bahay ko ay gusto kong gawing matte. Ano ang gagawin ko para dumikit ang bagong pintura na matte sa glossy wall paint ng loob ng bahay ko. Salamat.
Boss may tanong lng po ako sayo..pgkataps mo sa skimcoat poydi ang gamitin ko sy acrytex primer na lmg at ang topcoat ko ay semigloss para makatipid kaunti boss...salmat sa sagot sana mapnsin..
Sir new subcriber. Girl po ako pero sobrang hilig ko manood ng ganito kasi gusto ko mag DIY . Sir pwede po ganito for bathroom? Ayoko po kasi ng tiles sa pader.
Sir baka pede nyo rin gawin yan sa pader namin. Sa tagal ng ulan tumagos yung tubig sa loob. Napinturahan naman sa labas pero di na water proof eh. Oh baka may ma recommend kayo dito sa QC.
Tanong ko lng po anu pwdeng sulusyon kc ng momoist kc ung pader sa loob . Di na kc mapalitadahan ung likod kc dikit na sa pader ng kapitbhay ..anu pede gamitin po sa loob para di po mag moist.?.salamat po
Kahit ano po ipahid nyo sa loob ay wala ring mangyayari dapat ay yung sa labas ang gawan nyo ng paraan..pwede kayo maglagay ng flushing na yero sa pagitan ng pader nyo..siguradong ganyan din problema ng kapitbahay nyo..kaya pwede kayong gumawa ng paraan.
Thank you sir sa pagshare. Ask ko lng po, anu po ba pwdeng ihalo sa semento na ipaplaster para makadagdag po sa pagwaterproof ng dingding? Salamat po uli! New subscriber nyo po ako.
@@LeojayBaguinan thank u so much po sa idea. Magpapawater proofing po kasi kami now. Tama po bang after plastering, mag skimcoat...then, plexibond, finally po yung liquid tile? Salamat po sir. Big help po sa amin yung vlogs ninyo.
@@LeojayBaguinan ask ko lang po ano po ratio ng Sahara at cement sa plastering?Pwede din ba ang plastering with Sahara then thoraseal then skimcoat then pinta na ?Thank you.
Boss magandaw araw po sa inyo. Nag moist po yung loob nung kwarto ko at kumakatas. Naka finish po yung labas. Tanung kulang po kung maunang pahiran ng liguid tile bago mag skim coating sa labas?
@@LeojayBaguinan thank u so much po sir. Napaka laking tulong po nang video na ginawa nyo pag palain po kayo ni lord more video papo para po madaming kayong matulungan.
sir follow up question lang po.. sir ung ACRYTEX.GLOSS.TOPCOAT. po ba sir ay pwede po ba patungan ng LIQUID.TILE-5-530-CLEAR ?? oh mauuna ang liquid.tile bago ang acrytex gloss.. slmat po sa mgging tugon po sir bago nyo po ako manunuod ng inyong video po sir ktunayan 4 na video na po ang npapanuod ko na po..
@@LeojayBaguinan no prob po. Salamat. Last na. Anu po ba Ang pwede pros and cons if Ang gagawin Kong pang water proof sa fire wall ko is GI sheet na naka screw sa rough na palitada nya? And balak Di po Namin pinturahan ung Gi sheet. Salamat po.
Sa likod ng wall nanggagaling ang tubig kaya yun ang dapat mong iwaterproofing..ang skimcoat naman ay pwede kahit may pintura na kung ito rough at hindi makinis
Ask lang po. Box type po yung bahay namin. Finished po yung wall s labas pero may mga crack na din kaya pay naulan, nagpenetrate yung tubig s loob. Ano po ba mas effective pangwaterproof, plexibond or penetrating sealer? And need pa po ba magskimcoat bago lagyan ng sealer Kung un gagamitin or pwede direkta na. Salamat po