dapat nag brand new nalang sya, malaking pera din naman ilalabas nya, tapos 21 model narin, brand new nalang sana, sureball pa papeles, kawawa talaga sya doc
Gud pm Doc Cris,pacheck niya kamo sa Lto yung conduction sticker,may number yun,maveverify doon ang may ari.baka sakali lang naman yung sa akin..natutuwa ako dahil marami din ako natutunan sayo.God bless sayo Doc Cris.
Doc chris meron po kami nabili 2nd hand na toyota corolla last year. tas ngayon year pina rehistro namin sa lto po nung irerehestro na eh may magka palit sa chassis no. pero ni register pa din ni lto di na inayos pano kaya yun
Mas okay talaga mag sama ng bihasa sa pagbili ng sasakyan at mekaniko. Bayaran mo nalang sa abala magkano lang. Insurance sa ilalabas mong malaking pera.. Hindi talaga mawawala yang mga taong mapagsamantala na halang ang bituka. Nasisikmura kainin yung perang hindi nila pinaghirapan.
Sir malaking tulong po ito sa mga baguhan na bibili ng sasakyan. Bagong subscriber lng po niyo ako. Sir may tanong lng po ako kung ung Honda City model 2013 ay timing belt timing chain or timing gear po ba? THanks in advance.
Sir,, gandang umaga po..tanong LNG po AQ..Crosswind po ssakyan ung hilander,,KC po kapag ngrrelease AQ ng kambyo,,nabuyog..pero kpg inapakan ko ulit clutch,,nawawala NPO un buyog.. ano po kaya deprencya nya..slamat po
Doc, sana masagot nyo po agad tong question ko, bibili kasi kami pero lost CR din, may affidavit of loss tapos Meron nang bagong CR pero kulay blue na daw sya Hindi na dilaw. Okay ba Yung ganto? tapos kaka renew lang din Ng registration. Wala Naman LTO alarm.
It's sad pero marami din ako nakitang mga impulse buyer na hindi nagpaplano at nagreresearch muna. Tapos tsaka lang magtatanong online kung bakit ganito ganon yung nabili niya 🥲
Boss nakabili po ako sasakyan 2nd owner nabilan ko, open deed of sale. Hindi ko po first time bumili ng used na sasakyan, chineck ko muna sa LTO bago ko binili clear yung papel hindi carnap. Kaya binili ko sasakyan at inayos ko saka binenta ko, ngayon po nakabili sakin after 2weeks bumalik samin may kasama na pulis. Papa transfer daw po niya sana ownership pero pag dating daw niya HPG dun nalaman fake yung C.R inimpound po sasakyan saka kinuha lahat yung papel. Pero hindi daw po carnap yung sasakyan sabi ng HPG, fake lang daw yung C.R. Ang tanong ko po pano ko malalaman kung yung binilan ko ang nameke ng c.r o yung first owner. Maraming salamat po.
Nacheck ko din sa 2600 no apprehension no alarm. Saka kinompara ko c.r sa mga c.r. ng sasakyan ko nabili ko mismo sa casa pareho pareho c.r kaya tiwala ako binili ko sasakyan.
Sa bahay din niya kami nagbayaran. Lisensya binigay niya i.d. Yung nakabili sakin bago din nya binili pinacheck niya muna papel sa LTO kaya binili din niya sakin. Nalaman lang na peke c.r. Nung papatransfer na niya sa pangalan niya. Small time buy and sell din po ako boss. Kaya hindi ko first time bumili ng second hand. Ano kaya boss maganda ko gawin.
@@allanbamba7818 nagfile kami boss ng estafa sa nabilan namin, magastos. Kumuha kami abogado dahil pag sa pao matagal, 2months na namin nafile wala pa din nangyayari. Yung nakabili naman samin boss, sinoli namin pera niya. Next time boss pag bibili tayo pacheck sa hpg papel certificate of registration sa HPG para boss makasiguro kayo. 300 pesos boss bayad.
Yes. LTO needs a compulsory third party liability (CPTL) car insurance. Nasa 2k-3k lang yun. Kung namamahalan ka sa insurance, bat kapq bibili nang sasakyan.
insurance ang pinaka mahalaga sa lahat, mas importante pa yan kesa sa porma ng sasakyan mo(accessories) mag invest ka sa insurance sir, mas mahal gagastosin mo pag naka bangga ka.