Ang pamamaraang ito ay epektibo upang mapadalo ang mga ka barangay natin sa mga patawag ng Barangay para sa isang proseso ng amicable settlement. #barangay #lupon #conciliation #mediation #KatarungangPambarangay
Dapat ganyan ng mga LUPON at Kapitan.. Napakaganda ng Programa nyo Sir ..Sana tularan ka ng maraming Ka Barangay jan dapat maging matalino at may puso mglingkod sa mamamayan..God bless po more power🙏🙏❤
Hays salamat po xa Dios at meron ganitong video dito.... At meron akung natutunan sa batas Pambaranggay... Isa narin itong malaking tulong sa mga taong walang alam sa batas Pambaranggay.... Katulad ko❤❤❤
Salamat po sa video nyo iba po kasi ang naranasan ko ng minsang ako ay pinatawag..i feel so unfair kaya minsan nakakadala lalo na kung magkaka mag anak pakiramdam mo pinagkaisahan ka piling mo.masamang tao ka na kaya yung iba ayaw dumalo kasi di maganda ang sistemang ipinapatupad ng ibang barangay.
Hello mam arlene, isa po sa layunin ng channel na ito ay para ma educate ang ilang mga barangay officials pagdating sa katarungang pambarangay. Pag po kasi walang alam sa batas, kawawa po ang mga taong dumudulog sa barangay. Salamat po sa inyong panonood ng video ko.
Relate Ako sa naranasan mo dahil Hindi Rin maganda Ang pagpapalakad Ang Lupon Dito sa Amin masyadong maluwag kaya Hindi nirerespeto Ng mga taga barangay.
@@katarungangpambarangaychanneldapat po pag ganyan may pinagaralan tlga ang mga kinukuha sa brgy..kasi mostly mga taga brgy walang alam sa batas at ang nanalo pa ay ung mga maling gawain at ang inaaway ng taga brgy.ay ung naperwisyo
Naranasan din namin yan yong taong pina brgy namin isang lupon kaso hindi dumalo ng tatlong bisis tapos sabi ng kapitan yong lupon niya na siya mg ayus nito nkaka lungkot ay tinanggihan ng ibang lupon kasi kaibigan daw niya yon at pinag tawanan lang kmi kya ng pasya kmi na pumili ng ibang lupon nna hindi niya kaibigan
Meron po kami naka 3 patawag ng baranggay at hindi sumipot ang na complaint namin kaya diretso na po ng police,3patawag ulit ang await at kapag hindi ulit sumipot eh arrest na po ang next po
Tanong ko lang kung ung dati kaso ba na naresolved na almost 5 years ago e pwed ba ulitin once na ngalit uli ung taong ngfile noon. Walang relevance ung galit ngaun doon sa previous na kaso inihain noon.
Sir ako ho ay ngmula sa ibang Bargy tapos ang meron complain sa akin dun sa brgy na kung Bias ang mga Lupon di ba dapqt dito ako reklamo sa sarili kong Brgy?
@@katarungangpambarangaychannel salamat Sir maliwanag po pero nakakalingkot ho ang BRGY Dagatan Lipa City di nila tinuruan ng tama ang complainant pinag iiisahan ho ako ng mga Lupon nagpost pa po sa fb ang complanant ng pinagtatawan lang ako ng mga taga Brgybat sayang dw ho di niya navieohan ang pgtawa sa akin ng mga Lupon
Pinabaranggay si tita kinuhaan ng bidyu yung paninira ni tita ng gamit sa pribadong lugar.iyun ang ginamit nila na ibedensya. Pasok po ba sya sa anti-wiretapping law. Ksi kinuhaan si tita ng bidyu ng walang pahintulot.
Gud Am. Po ako po ay isang brgy kagawad piro dto sa aming brgy ay hindi lupon ang humaharap sa usaping sa brgy bagkos ang mga kagawad okaya ay ang peace and order ang inoubliga na humarap sa kaso
Parang hindi nasagot yong tanong...Anong gagawin nga sa tao or respondent kong ayaw dumalo sa hearing ng lupong tagapamayapa na kht nasabihan mo na sya or naexplain mo na sa kanya ang purpose kong bakit sya pinapatawag ng lupon...
magandang umaga po 5 na namin pinatawag hondi dumalo ang nang bogbug sa aking anak,hihingi sana ako ng cfa ayaw mag bigay ang barangay dahil ,mayroon isa minor malaman ko mga anak pala ito nang nag trabahosa barangay , ngayon walla na nakulong sa ipag babawal ng gamot /salamat po sana masagot mo. taga cagayan de oro ako
paano naman po kung ang punong barangay ang ayaw ipatawag ang mga inirereklamo? yung punong barangay dito sa amin, ayaw ipatawag yung mga trespassers sa lupa ko. involve kasi si kap sa illegal na sanglaan ng lupa.
Good eve po sir papaano po qng ang compaalinant po ai unang hearing plang sa barangay ai di dumating ung respondent lang po ung dumating..tpos po nktnggp nman po ulit ng sulat n pinattwag nnman po ung respondent sa barangay ..ganito po ba tlga un
Ang tanong po, talaga po bang nai-enforce yang batas na yan na kapag di dumalo ang inirereklamo hanggang 3 hearing ay nagpa-file sa Municipal Trial Court ang Lupon para ma-cite for indirect contempt o hanggang paalala lang yan?
Ang katarungang pambarangay law should be enforced. Majority lang ng mga barangays sa Pilipinas eh hindi ito ipinatutupad, marahil hindi nila alam gawin, kaya ang karamihan sa mga video sa channel na ito ay paalala lang... tama po kayo, paalala lang ito.
@@katarungangpambarangaychannel Kaya po pala maraming inirereklamo na walang respeto sa judicial process dahil alam nilang hanggang paalala lang yan at di sila makukulong. Kung di alam ng barangay gawin, bakit di bigyan ng seminar ng DILG kung paano gawin? Ganyan nangyari sa reklamo ko sa barangay, halos walang magawa kapitan kapag ayaw pumunta ng inirereklamo ko at pinapatayan pa sila ng phone at ang nakalulungkot barangay tanod pa ang isa sa mga inirereklamo ko pero deadma lang summon ng katarungang Pambarangay.
@@katarungangpambarangaychannel Sir, tanong lang po, ang tamang proseso po ba ng pagbibigay ng summon dapat nakasulat at dapat na pirmahan ng complainant at respondent ang kopyang ibibigay ng barangay? Pwede po bang tawagan lang barangay ang respondent at sabihin na may patawag at reklamo sya sa barangay? Mali po ba ito kasi pangalawa na itong patawag ng barangay at ang ginagawa ng barangay ay tinatawagan lang ang respondent sa cellphone kaya seguro may rason na di pumunta ang respondent dahil wala naman syang natatanggap at pinipirmahan na copy ng summon. Thank you in advance, sir.
Kung ganyan po ang practice sa barangay nyo, magkaka problema talaga, hindi nila ginagamit ang KP Forms.. ru-vid.com/video/%D0%B2%D0%B8%D0%B4%D0%B5%D0%BE-7ul8WzH07Z4.html, yan po ang mga KP forms na dapat ginagamit.
May Tanong Po Ako sir DBA pag Hindi dumalo sa patawag sa barangay may Kaso un na indirect contempt in court so sino Po magsampa nyan Ang complainant ba o Ang office Ng Lupon? Sana masagot nyo Po sir. God bless
Good question po sir Ryan. Ang Lupon Tagapamayapa po ay Persons in Authority kapag gumaganap ng tungkulin sa barangay, dahil sila po ang nagpapadala ng patawag, kapag hindi tumalima sa kanilang utos, ang Tanggapan po ng Lupon Tagapamayapa ang binalewala.... kaya po sila ang dapat mag file ng inderect contempt of court sa MTC.
Ganun Po ba sir bakit Sabi Ng Lupon samin eh Wala daw Po Silang magagawa kung ayaw dumalo Ng respondent sa patawag Kasi daw rights nla un. Ano Po Ang dapat kung gawin kung ayaw mag file ang Lupon Dito samin? Thanks in advance
Tama naman po na hindi dapat pilitin ang respondent na dumalo sa patawag ng barangay. Pero, may maaari din gawin ang Lupon, bilang persons in authority sa respondent, at yun po ang nilalaman ng video na ito.
Paano po sir yung Nag reklamo is late na nakapunta sa last hearing sa brgy pero pina punta nya ag mrs nya sa brgy para sabihin sa brgy na late mka punta ang asawa at hnd mkkpunta sa oras nang pag haharap .dapat puba bibigyan nang CFA kung sino Yung nirereklamo .at hnd Bibigyan nang CFA Kung cno ang nag reklamo dhil dw Hnd nka attend sa oras nang pag haharap ..sana po mapancin
Magandang araw po sa inyo Sir. Sana masagot po ninyo ang gusto kung ipaabot tungkol sa isang reklamo ko sa baranggay. May inireklamo po ako sa amin na kapit bahay ko regarding physical injury and grave threat at na hearing na kami nang tatlong beses hanggang sa na lupon at nka kuha po ako nang Certificate to File Action at na isampa ko na po sa municipal rtc ang kaso physical injury at grave threat. Tapos po nag kontrA demanda rin po ang aking inireklamo sa baranggay sa same issue na nasugatan ko rin siya dahil nasapak ko rin siya nang baso sa ulo pag katapos niya ako unang sinuntok sa mukha hanggang nawalan ako nang malay. Nag issue nang summon ang baranggay tungkol dito ngunit hindi ko pinirmahan dahil ang issue na iyon ay tapos na kami nag kaharap at na isampa ko na. May basihan parin po ba ang kanyang reklamo tungkol dito dahil sa tapos na kami nag kaharap? Tama po ba na mag issue ang baranggay nang summon laban sa akin na kung tutuusin ako ang biktima at na isampa ko na ang kaso sa korte? Mahaharap po ba ako to indirect contemp dahil hindi akoa humarap sa summon nang baranggay? Salamat sa pag sagot. God bless and more power!
Ilang beses na excuse ang both parties sa lupon hearing kung ito ay may valid reason ? Ang Hindi pagdalo ba ay kasali sa loob ng tatlong hearing lamang?
magandang umaga po . mayroon akong itanong . ang anak isang bakla pinag tulungan binugbog na apat na babae pinatawag ko sa barangay 60 days na hindi dumalo sa sa barangay, anak ko nga bakla minor, ang nag bogbog sa kanya apat sila mayroon isa minor , ang sabi ng barangay hindi daw sila magbigay kay mayroon minor ,salamat po
Yung ibang lupon Dino malaman kung kulang sa training or may pinapanigan agad..tinalo pa korte tinakot pa ako..ayaw naman sumala sa lugar na pinangyarihan para itanong nila kung totoo ba yung reklamo sakin..syempre yung taong inggit gagawa ng fabricated story.at walang maipakitang ibedensya..naniniwala agad ang lupon..pinalala pa kaso ko..
Sir buntis p ako 7months pngatlo Kong and p t s kinakasama k nereklamo k p sya tungkol s sostento problems p bigay hndi may trabaho p nmn sya pangatlo k pong patawag s kanya hndi p ako nkapunta ksi may esceudule din p ako s doktor k pwede p b ipatawg ulit s ibang araw
Sir.pag usaping ari-arian Sa lupon kami po nagreklamo,una dumalo pangalawa dumalo pangtatlo hindi d padin po ba kami makakuha ng certificate of file action?
Yong nag reklamo sa akin ay syA po ang hindj humarap sa akin.ako ang ni reklamo nila ako ang po ang pabalik balik sa barangay para na solusyunan ang problema.di ba dapat ang nag reklamo ay syang gagawa ng paraan para ma resolba ang ang problema.?ano po ang kaso dapat sa nagreklamo ang ayaw humarap sa inireklamo?
tanong ko lang po ang kapitan po ba ay pwedeng i assign niya ang kayang kapatid bilang admin ng barangay at pwede po bang itong admin ay mag mediate sa mga problema na hawak ng mga lupon esp. tungkol sa problema sa mga lupa.
Wala po ako nakikitang problema sa pag appoint ng kapitan sa kanyang kapatid nilang brgy. Admin, provided naaayon sa batas ang paraan ng pagtatalaga. HINDI PO PWEDE MAG MEDIATE ANG BRGY. ADMIN under ng katatungang pambarangay.... WALA PO KAPANGYARIHAN NA BINIGAY ANG BATAS PARA MAG MEDIATE ANG KAGAYA NYA... Salamat po sa sir.
paano yan sir nka dalawa serve ng summon hindi pumunta ung irenireklamo, ang problema 1month n tagal i serve ng brgy ang pangatlong summon..saan ako pwedeng magreklamo.
Paano ito Sir, nag-decide nalang ang Lupon na i-dismised ang habla dahil 7 times na patawag sa Respondent na dumalo sa patawag ng Lupon at dumalo naman ito., Pero ang complainant kahit isang beses hindi dumalo. Ano ba dapat gain ng lupon sa complainant sa nya paggalang sa lupon?
@@katarungangpambarangaychannel Anong ibig sabihin ng Certificate to bar action? At pwede ba maghingi ng danyos ang respondent sa pag-abala o paggambala sa kanya ng complainant? Kasi parang pinahiya lang sya o d ginalang sa kanyang hakbang na paghala?
Sir tanong kolang po, 3 hearing po at di humarap yung nirereklamo ko, need po ba talaga ng 45 days bago makuha namin ang endorsement letter para sa CFA? Maraming salamat po
Hello po. Discretion po ng Punong Barangay kung ano ang gagawin nila in case di humarap ang respondent, may proseso po na gagawin sila pag hindi dumadalo.
Hi sir.. May karapatan ba ang lupon na ipatawag ang nirereklamo pag ayaw ng nirereklamo pumunta 3since days one refuce to sign na xa sa lahat ng patawag.. Ano po pde gawin if ayaw nia pumunta since may pag babanta ang nirereklamo? Ano pde naman maging karapatan para sa siguridad ng nga rereklamo.
Sa simula po ay tanggapan ng Punong Barangay ang nagpapatawag, sya po ay Lupon Tagapangulo, lupon po talaga ang nagpapatawag. Kung sadyang ayaw dumalo sa mga patawag para sa isang amicable settlement, may mga hakbangin kayong maaaring gawin. Maari nyo po na panoorin yung isang video sa channel na ito patungkol sa hindi pagdalo sa patawag ng barangay. Salamat po
pwede po bang ibang tao ang dumalo sa hearing ng barangay, may inereklamo po kasi ako, pero masyado akong bz, pwede po ba ibang tao ang mag represent sa akin? sayang din po kasi kung mapapawalang bisa lang, sana po masagot,
Mgndng umaga po! Tanong lng po? Khit on going n po b ung kaso nmin ng akusado s metro politan court. Kailngan ko prin po bng umattend s ptawag po ng brgy? Nag pblotter po rin ang akusado sir! S kgustohn nya po mbigyn din ng CFA. Ako po pong complainant nya po, April 5 2022 nagpblotter, after po nong ilng beses nnmin pg hhrap s brgy, nbigyn n po me ng CFA. At sinampa ko n po s piscal, at ung akusado po nag pblotter nong may 22 2022. Nmn po. Ei sir ung slita po ng ate ko, d po un pra s knila. S kabit po un ng bayan ko, Bale ung ank lng po nya, ang nag apply s mama nya n makati kinakamot, ei s iba kumamot.. At my ebedensya dw po cla s cp n voice recorder. Kya sgot po nong ate ko. Ei d tuloy nyo. Kya ko nmn hrapin yn. Hindi pra s inyo ung slita n yn. At alm ko nag rerecord ka, at naaksyonan po un ng brgy. Nitong Aug lng po. Kc nireklamo po nong akusado ang brgy s dilg s manila city hall. At sbi dw po ng dilg, krapatan din dw po nila un. Kya nong Aug po, nagpaanyaya n po. At mga ibang araw summon n po. Kda 2weeks, summon n po. At last n po s Aug 25. Close po yng akusado at chairman sir/ma'am!.
Usually, inaabot po ng 45 days dahil kailangang dumaan sa proseso ng mediation at conciliation at walang kasunduan na naabot, bago mag issue ang barangay ng CFA.
Good day po! Ask ko lang kung tama po ba ung napapanood ko about indirect contempt, kasi mag file po ako ng case. Totoo po ba kapag po nakasuhan ng indirect contempt ung kakasuhan ko ay mawawalan sya ng karapatan mag counter claim or mg kontra demanda?
@@katarungangpambarangaychannel so dapat po ba bago po ako mag file ng case against her ay ung Lupon po muna ang mag file ng indirect contempt sa MTC po?
Ayaw po kasi mag kaso ng brgy. Pano po un? Pwde po ba ako magpapadala sknya ng certificate to bar counterclaim? Pno at san po ako makakakuha po non? Lalapit npo kc ako sa PAO pra ako nalang dn po sna ang mag file ng indirect contempt.
Hndi po ako inallowed ng Pulis dto samin mag file. Wala naman dw po akong katungkulan sa Brgy. Hirap tlga dto sa pinas pag wala maxadong knowledge sa mga gntong bagay. Bnbalewala nila reklamo ng tao. 😞
tanong ko lang po anu pwede gawin ko hindi nag attend yung nirereklamo ko sa summon at ngayon po unang patawag napo sa lupon ayaw pren po umatend at tanggapin ang patawag sa brgy anu po pwede gawin ko tatapusin ko pa ba ang dlwa pang patawag ng lupon o pwede napo ako magrequest ng cfa
Bago po kayo humakbang ng kung ano ang susunod na gagawin, dapat barangay muna ang kikilos, dapat po alam ng barangay ang procedures. Maaari nyo po itanong sa barangay kung ano ang plano nila dahil nasa jurisdiction pa po nila ang issue. Balikan nyo po ako pag nakapunta na kayo sa barangay at nakapag tanong. Salamat po
panu po.kung sila magkakaso sa complainant ay magaan lang pero yong nag counter grabe ang kinaso sakin di po ba unfair yon? pwede po ba magcounter maski di patapos yong kaso?
Hello mam, alam nyo po ang layunin ng katarungang pambarangay ay mapagkasundo ang mga hindi nagkakaunawaang myembro ng komunidad, sana po ay naiintindihan ito ng barangay at maipaliwanag sa inyo ng inyong kalaban. Hindi po korte ang isang barangay, mas magandang tawagin na "mediation center" ang tanggapan ng lupon tagapamayapa. Kung patuloy po na maglalaban kayo sa barangay, hindi nyo po maaabot ang pagkakasunduan, mauuwi kayo sa korte na maabala at may magastos na proseso upang tapusin ang issue nyo.... again, sana ipinapaliwanag din sa inyo ng barangay nyo ang mga ganitong bagay. Baka lang po dala lang din ng galit ang nagtutulak sa inyo para magkasuhan sa barangay, subukan nyo po na maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon na meron kayong paghaharap, baka sakaling makatulong po na matapos ang inyong issue/s
@@katarungangpambarangaychannel naintindihan ko Po yon Ako yong complainant tahimik nga lang Po Ako at puro respondent na Lang Ang nagsasalita ngunit puro panghuhusga nmn Ang ginagawa at irrelevant sa reklamo sa kanya Ang mga sinasabi sakin ok lang Po ba na di sya sinsaway?
alam ba ng kapitan mo ang provision ng katarungang pambarangay?????????maraming nagkapitan ang lumaki at tumanda lng sa baryo kaya medyo ang orientation nila ay hindi angkop sa dapat na requirements na maging kapitan..yan ang problema nationwide.
Good day sir, tanung ko lang Po Kung ilang araw bago ko Po makuha ung certificate of file action after po NG 3rd hearing sa barangay Nung June 29, nag request na Rin Po ako same day NG hearing Kasi di namn Po umaattend ung respondent. Thank you po God bless.
Good morning sir sana mapansin..ask lang po SI ma'am ay testigo sa complainant sa first hiring nakapunta Siya, second hiring hndi na sya nakapunta(malayo din Bahay Niya sa iBang barangay) kasi pinaalis Siya Ng tao (parang involve siya sa kaso ng chismis)at itong tao sir sa chat sya nagsabi na Kunin mo lahat ng gamit mo Dito ..tapos nag post sya sa social media na (Akala ko santa santita Yung pala demonyeta? Magkatugma Yung petsa at Yung Oras magkalapit lang sa chat Niya sir .pero sir Yung testigo Ng complainant hndi sinabi sa first hiring na kasali Siya doon..paano po Yun? Yung issue sir dahil sa chismis . Ung testigo Ng complainant Sir chinismis din Ng sinummon Ng complainant..
Hello mam, good morning po. Ang facebook account ko po ay Jeffrey Mercado Borbon. Maaari po tayo mag usap dun sa messenger, tawagan nyo po ako para mabigyan kayo ng legal advise. Salamat po.