Тёмный

Grace Church Santa Maria (October 6 , 2024) // "Ang Anak ng Tao ay Panginoong ng Sabbath" 

Grace Church Santa Maria (Bulacan PH)
Подписаться 270
Просмотров 106
50% 1

Series: Ang Ebanghelyo ni Mateo: Cradle, Cross & Crown (xxx)
Preacher: Ptr. Rembert Reyes
Text: Mateo 12:1-21:
"1 Nang panahong iyon ay dumaan si Jesus sa bukirin ng mga trigo nang araw ng Sabbath. Nagutom ang kanyang mga alagad at nagsimula silang pumitas ng mga uhay at kumain.
2 Ngunit nang makita ito ng mga Fariseo, sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi ipinahihintulot na gawin sa Sabbath.”
3 Subalit sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang nagutom siya at ang mga kasamahan niya;
4 kung paanong pumasok siya sa bahay ng Diyos, at kumain siya ng tinapay na handog, na hindi ipinahihintulot na kainin niya o ng mga kasamahan niya, kundi ng mga pari lamang?
5 O hindi ba ninyo nabasa sa kautusan, kung paanong sa mga araw ng Sabbath ay winalang-galang ng mga pari sa templo ang Sabbath, at hindi sila nagkasala?
6 Ngunit sinasabi ko sa inyo, isang higit na dakila kaysa templo ang narito.
7 Ngunit kung nalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, ‘Habag ang ibig ko, at hindi handog,’ hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala.
8 Sapagkat ang Anak ng Tao ay panginoon ng Sabbath.”
9 Umalis si Jesus[a] doon at pumasok sa kanilang sinagoga.
10 At doon ay may isang taong tuyo ang isang kamay. Siya ay tinanong nila, “Matuwid bang magpagaling sa araw ng Sabbath?” upang siya'y maparatangan nila.
11 Sinabi niya sa kanila, “Sino kaya sa inyo, na kung mayroon siyang isang tupa, at nahulog ito sa isang hukay sa araw ng Sabbath, ay hindi ba niya ito aabutin, at hahanguin?
12 Gaano pa ngang higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath.”
13 Pagkatapos ay sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” At iniunat nga niya, at naibalik ito sa dati, magaling na gaya ng isa.
14 Ngunit umalis ang mga Fariseo at nagpulong laban sa kanya kung papaano siya pupuksain.
15 Nang malaman ito ni Jesus ay umalis siya roon. Sinundan siya ng marami at pinagaling niya silang lahat,
16 at ipinag-utos niya sa kanila, na siya'y huwag nilang ipamamalita.
17 Ito ay upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias, na sinasabi:
18 “Narito ang lingkod ko na aking hinirang,
ang minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa.
Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu,
at ipahahayag niya ang katarungan sa mga Hentil.
19 Hindi siya makikipagtalo, o sisigaw,
o maririnig ng sinuman ang kanyang tinig sa mga lansangan.
20 Hindi niya babaliin ang tambong nasugatan,
o papatayin ang nagbabagang mitsa,
hanggang ang katarungan ay dalhin niya sa tagumpay;
21 at aasa ang mga Hentil sa kanyang pangalan.””
gracechurchsantamaria
#santamariabulacan #stamariabulacan

Опубликовано:

 

23 окт 2024

Поделиться:

Ссылка:

Скачать:

Готовим ссылку...

Добавить в:

Мой плейлист
Посмотреть позже
Комментарии    
Далее
TAMANG TAMANG PANAHON
34:53
Просмотров 4,5 тыс.
AKLAT NI LUKAS
3:26:35
Просмотров 1,2 млн