#tutorial,#diy,#fishing
Sa makabagong pamamaraan ng pangangawil ay mas marami ang naaakit na subukan ito at kalaunan ay nagiging paboritong libangan.
Dahil ang ANGLING sa panahon natin ngayon ay hindi lamang basta pangangawil ng isda, bagkus ay isa itong maituturing na laro o napapabilang sa uri ng palakasan (sports/game fishing).
Ngunit dahil sa paggamit natin ng mga makabagong kagamitan (rod and reel), mga bagong pamamaraan, at iba't-ibang uri ng linya ay nagdudulot ito ng kalituhan sa marami nating mga kaibigan, at isa na rito ang paggamit natin ng tinatawag na LEADER LINE.
Kaya sa video pong ito ay ibinabahagi ang kaunting mga kaalaman at impormasyon tungkol sa mga detalye na may kinalaman sa paggamit natin ng leader line.
Hangad po ng channel na ito na makatulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kaalaman at impormasyon lalo na sa mga baguhan pa lamang sa libangan na ito.
Pls LIKE, and SUBSCRIBE po!👍♥️
for more videos to watch
THANK YOU SO MUCH!! GOD BLESS 🙏🙏🙏
18 сен 2024