Hi po, medyo mataas na po ang cost of living namin dito sa countryside. Mas mahal pa lalo sa malalaking city like London. May video po ako ng cost of living namin dito a year ago para may reference kayo. Mas tumaas na nga lang sya this year.
I came across your channel po 😊. Don’t give up hope. Enrol ka po kahit basic accounting courses as a start then look for accounts assistant work like I did 17 yrs ago for experience and make your way up. I am a management accountant na po for 5 yrs na. Qualified by experience as my boss said hehe😅. Not CPA and currently studying AAT level 4 for CPD. Share ko lang hehe. Anyway, any work is important kaya fighting! 😊
Nasa plan ko nga po yan mam to study AAT. Nakakatuwa malaman na posible pala talaga to pursue a career in accounting dito lalo sa kagaya kong di CPA. Salamat po sa comment nyo mam nakakainspire po kayo. 👌👏
Totoo mahirap dati ako nagwowork sa bank sa Pilipinas pero dito hindi basta basta makapasok. I have to study courses took functional skills maths and later english yun ang need nila dito para makakuha ka ng office job. Hindi madali kahit me skill ka mas kailangan nila yung papel.
@@pinoyinderby hi sir, salamat sa reply, in my case po may tesda certificate po ako at may coe sa hospital at nursing home, so malaki po chance na maka apply ako dyan sir tama po ba?
Hi po, wala kaming specific na number of resident per carer sa allocation. Pero kung iraratio ko ang nakaduty na staff to resident mga 1:5 sa day at 1:9 sa night approximately.
@@pinoyinderby ay, malayo pala. Apply na lang po kayo sa insurance. Mga job na risk, pricing or credit associate or analyst. Nagtry din ako mag apply dito sa indeed kahit nandito ako sa Philippines baka swertehin. 😂😂😂
Hi sir, first time ko po sa vlog nyo. Gusto ko sana mag apply as care assistant..nursing grad po ako pero not yet registered. Gusto ko sana magwork sa Uk ano po mga agency ang pwde applyan dto sa philippines. Thank you sir. God Bless
Hello po sir. I'm currently working here in KSA as staff nurse, pero gusto kong maging hca sa UK may idea po kayo kung saang agency pwede mag pasa ng cv? Thanks a lot po
Hi sir wala po akong alam na agency for HCA. Ang alam ko lang po may mga nurses from middle east na nakapunta dito sa UK na ang agency nila ay nakabase sa pinas.
hi po sir tanong ko lang po ..careworker din po ako dito sa japan ..nag bubuhat din po bah kayo nang mga patients nyo from wheel chair to bed and vise versa.salamat po sa sagot
Hi, isa sa mga requirement dito pag naghanap ka ng work e yung "right to work code" sa UK. Di ka makakakuha non pag tourist visa ka. At kung maghahanap ka naman ng work from outside UK need mo ng company na kayang magsponsor sayo.
Hala sir same pala tayo ng past work experiences 😊 ngayon same rin po mag shift ng industry.tito ko naman nurse and ayun naturuan narin ako ng basic knowledge.
Sana po may makausap if pwede ba makapagwork mga pumasa sa pinas ng nursing board licensure exam pero wala experience at nagtratrabaho diyan health related works. Mga steps inacomplish nila at how much nagastos nila .
Before sir alam ko required ang passer pero now parang hindi na. Basta makahanap lang po kayo dyan sa pinas ng legit agency sila na po magaassist sa inyo sa buong process.
Hi sir, in demand po health care jobs dito sa UK kaya medyo mabilis lang makapasok pag nandito na kahit walang previous experience. From UAE wala ko idea how to do it. Normally kasi sa pinas dumadaan talaga silang agency or yung iba naman direct hire.
Hindi po ba naging mahirap ang interview especially walang experience po? Planning to work in UK po by December hopefully maging smooth ang transaction lahat para magrant ang dependent visa.
Kinaya naman po. Need lang po maging familiar sa mga interview questions ng HCA. Marami po dito sa youtube. Goodluck po sa application maggrant po yan. 🙏
Hi po..dami ko pong search about care home ung video nyo lang ko po naintindihan sobrang natural... may interview po ako first time din po ako sa work na to😢
Hi po, salamat sa maganda comment mam. Sabihin nyo lang po agad na first time nyo sa care para aware yung magiinterview. Try nyo rin po magsearch dito sa youtube ng mga HCA common questions para maging familiar po kayo. Not 100% sure na itatanong yon pero mas okay na po na familiar kayo sa mga posibleng tanong. Goodluck po kayang kaya yan 👌
Hi po, under dependent visa po ako. Nandito na po ako sa UK nung nagapply ako. Si misis po na nurse ang nagapply papunta dito. Kaya wala po ako idea pano process ng health care assistance if sa pinas manggagaling.
Hi sir, marami po kayo pwede masearch sa youtube na mga interview questions sample. Nung nagapply po ako wala naman masyadong itinanong dahil sinabi ko agad na wala akong experience sa caring. Yung mga naalala ko lang na tinanong ay kung paano mo ihandle yung mga challenging behavior ng mga patient at kung paano ka magtime management.
Hi po, wala kaming specific na number of resident per carer sa allocation. Pero kung iraratio ko ang nakaduty na staff to resident mga 1:5 sa day at 1:9 sa night approximately.
Saan po agency niyo kuya? Kase uk and ph citizen ako dito ako manila naka stay ngayon meron akong uk and ph passport baka pwede ko mabisita agency niyo po? Salamt po kung mapansin idol❤️ God bless
Pwede nyo po itry magcheck online ng mga legit na agency o company dito sa UK. As long as mabibigyan po nila kayo ng work permit or sponsorship pwede po kayo makalipat dito sa UK.
Lalaki po ako 😅 Not familiar po sa certificate na yan wala naman po kasi hiningi sa akin. Dito na po kasi ako pagdating sa UK nagapply. If galing ka po sa pinas baka need yan.
Hello po sir nag aral po ako ng care giver sa spain at next month po papunta narin po ako dyn sa uk ..okey lng po ba mag apply ng care assistant kahit wala pa akong experience?thank you po in advance..
Currently andito po ako sa stoke-on-trent, nghahanap pa po kasi c mrs ng bahay po namin sir, kakastart nya lng po mag work sa RDH po thanks po sa pag reply Sir sana magkita po tayo dyan sa derby ingat po lagi!
May mga videos po sa youtube sir about health care assistant interview questions malaking tulong yon kahit pano para magkaidea sa mga tanong. If wala ka pa experience sa care sabihin mo na agad para aware sila. Normally how to deal with challenging behavior at skills na pwede mo maicontribute sa care home ang example ng mga basic questions. Goodluck po.
@@Dragaddict If galing pinas limited idea ko dyan sir kasi dito na ko nagapply ng work ko as carer. Kahit wala kong experience as carer nakuha naman. Pero pag galing pinas tingin ko need ng experience depende na sa agency mo siguro.
@@kamotes1980 hindi po kailangan fluent talaga as long po na naeexpress nyo sarili nyo at nakakaintindi po kayo ng basic english oks na po yon. Need din po kasi talaga ang english communication lalo na at direct communication tayo sa resident/patient.
Hi po super helpful and ganda ng mga vlogs mo po. Ask lang po sana masagot. May tita (kapatid ng mama ko) kasi ako nandyan sa Bristol,UK. Tapos bali if pupunta ako jan sa kanya ako titira ganun. Ahm ano po ma aadvise mo po na gawin ko? Anong visa ba need ko? Dapat ba mag apply na ako in advance habang nasa pinas pa po ako bago pumunta jan? Or kahit pag dating ko nlng jan okay na at possible paring makahanap ng job jan? Or ano po ? Naguguluhan kasi ako and wala akong mapagtanungan Pasensya medyo mahaba pero sana masagot po Thank You God Bless
Hi po, ano po ba natapos nyo sa pinas sir? kung nursing at ibang medical related po madami po kayo mahahanap na agency dyan sa pinas na pwedeng makahanap ng employer mo dito at makapagbigay sayo ng skilled worker visa. Yun po kasi ang in demand dito. If ibang course naman po baka po mahirapan. Hindi po pwede sa dependent visa naman ang pamangkin dapat po asawa at anak lang. Pag tourist visa naman po, di po allowed maghanap ng work dito. Hindi ko po sure if may iba pang visa na applicable sa inyo so far po yan lang ang alam ko.
As a carer here sa UK, ang stressful na isyu ehh pag me dimensia ang inaasikaso nyo, mahirap asikasuhin, sa lahat ng bagay.. At sa bawat meal, mirienda at inom sa 1 hours at least 4 ang dadalin mo sa CR, madalas naaksidente at kailangan bihisan ulit. Ang mga residente sa care home karamihan alagain na at kailangan ng tulong most of of the day.
Good day Boss. My wife is a nurse and we're planning to move to the UK next year. Plan ko din sana maging care assistant. How many day in a week or month ang duty? May daycare/childcare ba jan sakali may toddler na anak?
Hi sir, currently naka 33 hrs contract ako sa carehome ko ngayon. Pwede akong magexceed pero hindi pwedeng bumaba sa hrs na yan. Kung imemeet ko lang yung minimum 33hrs ko mga 3x a week yan. Merong 15hrs free childcare dito. If you want to exceed magbabayad ka lang for extra hrs. Meron ding 30 hrs but subject to eligibility.