Ito ang pinaka pinagsisisihan ko yung pumayag ako na tumira kami sama sama kasama ang byanan ko at mga hipag ko (Mr) Halos makisama kami sa kanila at mga abusado sa.lahat ng bagay.Ang pinaka matindi wala kaming privacy at hilig makialam lalo na sa mga desisyon namin mag asawa.Pati sa anak ko halos maitsapwera ako
lahat po ng sinabi is realidad ng pagtira kasama ang mga inlaws.this is an eye opener to maintain the good relationship with inlaws kailangan tlga na hindi magkakasama sa iisang bubong.thank you sir
Tama po yan,,😊😊,,salamat po mr,vic.Garcia,,malaking tulong po yan,,para sa mag asawa,,para hndi po nkadepende sa mga magulang,,dapat talaga my sariling bahay,,para malaya k kong anu gusto mo gawin o plano sa mag asawa,,
Kaya nga design yun na maging toxic para ang mag asawa umalis na sa bahay ng magulang niya. Yun ang purpose bakit naging toxic na ang magulang sa anak niya na may asawa na.
Nararanasan ko po ito, hindi po kami kasal ng asawa ko meron po kami anak, nakatira kami sa bahay ng asawa ko na hinuhulugan nyang bahay na kasalukuyan naman na doon nakatira ang magulang nya mula nung binata pa sya. Bago lang kami nagsasama at seaman po ang asawa ko, kapag nagaaway kami nakikisali ang magulang nya nagagalit ang mama nya kapag nagaaway kami at nakikisali sa away namin, wala kami privacy at nakikialam sila sa mga desisyon namen. Sinabihan ko sya na gusto ko bumukod pero nagsabi ang mama nya na paano ang bahay kung bubukod daw kami at paano daw sila na wala naman daw sila mga trabaho. Ang asawa ko lagi nakikinig sa sinasabi ng mama nya imbis na saken makinig dahil hndi na ako komportable ay binabalewala nya padin yon. Nakikisama ako sa nga magulang nya kahit wala sya at mahirap saken dahil hndi nmen sya kasama ng anak ko at sumusunod nalang ako sa magulang nya. Nahihirapan ako dahil parang hndi pa handa ang asawa ko sa buhay mayasawa,dahil sa lahat ng desisyon nya eh kasama palagi ang magulang nya. Ang pakiramdam ko wala nkakaunawa saken na hayaan ko nalang magtiis kahit hndi ko na magawa ang mga gusto ko kahit makain manlang ang mga gusto ko,kapag may binili saken ang asawa ko laging meron din ang mama nya at kapag kapos na sa budget kami dalawa din nahihirapan.
Kung hinaluan mo ng Biblikal, damihan mo rin ang Biblikal na pamaraan kung paano makisama sa kanila dahil mas mainam nman kung may kasama sila sa kanilang pagtanda lalo na kung wala na silang ibang anak na nasa malapit nila. At pati rin kung paano sila makikisama sa anak na tumira sa kanila.
Napakaganda ng relasyon namin ng mama ko pero nang nagkapandemic nawalan kami ng trabaho ng asawa ko kaya napilitan kaming makitira at dun na nga naglabasan ang sunod sunod na problema😭 nasira ang relasyon naming mag ina dahil sa mga reklamo sakin nito sa gawaing bahay, kwinekwento ako sa iba na wlang ginagawa. Ganun pero dati ok kame
Ify. Ako nga kami bago lang nag away eh. Dahil tamad daw yung asawa ko hindi nila na appreciate yung gingawa ng asawa ko siya na nga nagbabantay at nagluluto ng bananaque sa umaga tapus pagkahapon andun na naman kami sa merkado para mag tinda ng fishball tapus paramg wala lang sa kanila eh kaya napagisipan ko na umalis muna dito sa bahay at mag simula kamu ng asawa ko tama po ba yung ginawa ko please po pa advice😢😭
that true..need din ng privacy ng mag asawa..at ok yung nkabukod para mabudget nyo..para matuto kayo kung pano magtipid...o pano nyo ibubudget yung pera nyo...at nakikilala nyo ang isat isa...
Yan kasi ang pagkakamali ng iba mas inuna nila na mag asawa sa mga panahon na hindi sila handa financially kung sana inuna muna na ihanda ang sariling financial hindi nyo kakaylanganin na tumira uli sa mga magulang kasi hindi dapat babalik uli sa magulang kapag nag asawa na dapat nga at age 18 na namumuhay na ng kanya, or atleast age 21 matuto ng mabuhay ng sayo hindi yung nag asawa babalik uli sa magulang mali yun kasi lalo kang mahihirapan pati na ang mga magulang at pati asawa mahihirapan din. Kaya ang dapat unahin muna sariling finacial bago mag asawa para pag nag asawa ka n already ka na dimo kakaylanganin bumalik sa mga magulang para tumira uli.
Salamat Sir ngayon kulang malaman Ang totuong patakaran samay Asawa dapat Pala talagang ihiwalay Ang anak Kong mag Asawa para wlang problema salamat po
Nalulungkot ako 6 yrs na ako nakikitira sa byenan ko. . . Kalalaking tao ko pa naman. . . Pero Matatand na magulang ng asawa ko. . . Pero un healty pi talaga
Yung father ko matagal nang sumakabilang buhay. Single pa po ako at yung kapatid ko may sarili nang pamilya. Ako at ang kapatid ko na may pamilya na ay nakatira sa aming magulang. Tama po lahat ng sinabi nyo. Yun nga lang yung samin hindi nahihiya mag sigawan at magsira ng gamit dito sa bahay kapag nag aaway. Minsan sa hating gabi pa bigla ka na lang magigising sa pag aaway nila. Kung ako lang may ari taga ng bahay papalayasin ko talaga sila. Pero wala akong magawa dahil sa magulang ko yun. Dapat ata kasama sa seminar yan pag explain bago ikasal. O baka kasama pero hindi sinasabing DAPAT. Kaya ang pagkaka intindi ng kinakasal ay optional yan kahit kaya naman na nilang bumukod talaga.
Yan ang nakakabwiset sakanila dapat pinapalayas yang mga ganyang maliligalig dapat gawan ng batas yan kailangan humiwalay kapag may asawa na kahit leave in pero kung di nyo kayang bumukod wag kayong magsama
Hello po same din po situation natin ang mas makapal pa yung kalive-in ng kapatid ko lahat nanay ko ng babayad ng bills ultimo bigas nakaasa pa ky mama, pagsinisingil ni mama bayad sa kuryente di tlg ng bibigay sila pinaka malakas sunsumo ng kuryente kasi 24/7 ang aircon. Ganun sila kakapalan ng mukha. Anu ba pwede gawin awang awa na ako sa nanay ko wala sya maipon sa pension nya.
Meron din po ako e share sana po masagot po ninyo,may sarili pa kaming bahay na mag asawa nakitira po ang tatay ng asawa ko at kapatid nyang walang asawa,hindi na po ako komportable,ano po ang gagawin ko.
Kaya dapat bago mag pamilya unahin muna na isa ayos ang sailing buhay lalo na sa financial para pag nag 18 ka na or kaya na bumukod na mamuhay na ng sayo para pag nagpamilya ka ganun parin hindi mo kaylanganin tumira sa mga magulang or byenan.
Ang problema ay hindi Alam ng bawat Isa na ang bawat Isa ay may problema, hindi nagaaminan ng kasalanan, hindi nagsasalita ng mahinahon, parating may poot, walang pagmamahal, at ang unang dapat magpakita nito bilang modelo ay Alam MO na,, dahil Kung ano ang pagpapalaki MO sa Anak MO ay tutularan din Yan ng Anak MO, Kung tamang minumura MO at sinisigawan ng mga magulang MO ang isat Isa, eh nagiging Tama iyon lalot hinhangaan ka o tinutularan ka NG mga Anak MO, ay gagawin din Nila iyon sa asawa nila, na sa tuwing nasa Tama sila ay Tama narin ang mag mura at magsisigaw, magdabog, magkampihan, Yan ang domino effect ng ating mga magulang sa kanilang mga anak kayat napakahirap iwasan ang away, Kaya Kung ako magpapatira ng Anak ko at manugang sa magiging bahay ko ay sisiguraduhin Kong mgkakaroon parin sila NG mga sariling desisyon sa Pera Nila, sa anak, etc, dahil naranasan ko ring maging Anak Kaya dapat ay Alam ko Kung ano ikakapayapa ng bawat Isa. Alam Kong hindi lahat ng magulang at anak ay gusto ng magpasaway na lng, Kung NAKIKITANG nakahiga at ngpapahinga ang manugang at Anak eh mas mabuting tanungin baka may nararamdaman ding sakit sa katawan o problema, Kung may iuutos ay huwag uutusan na parang alila lalot kayo ang nagpumilit na tumira sila diyan. Sa mga Anak at manugang Kung hindi na talaga kayo makakaalis dahil naroon na lahat ng ikabubuhay ninyo Kung sakali at napakatagal ninyo pang makaahon ay maaring pagtiisan ninyo ngunit balansehin ninyo ang lahat na hindi kayo magmumukhang kawawa ng sarili mong pamilya. Kailangan ay turuan din ninyo ang bawat Isa ng magandang asal, Kung hindi ninyo Kaya ay kumuha kayo ng assistance sa inyo ng baranggay upang may mamagitan sa mga hindi pinagkakasunduan. God bless You all.
In my case sakin yung bahay hinuhulugan ko sa Pag Ibig monthly, pero sakin nakatira mga magulang ko kasi di stable ang kanilang income. may asawa at anak na ako isa. yung nanay ko may mild stroke. ano po ba ang dapat kung gawin?
Pinakamaganda po tlaga maghanap o magbukod na cla... Kasi madalas nag aaway... Lahat ng kapatid nmin na nkikitira sa bahay inaaway nia gusto nia sulohin ang bahay
Kung kayo ay nakatira sa iyong parents in law, at Hindi pa ninyo kayang bumukod, marunong kayong makisama, Hindi kayo ang pakikisamahan. Maging magalang sa nakatatanda, mahalin, malasakitan, ang iyong biyenan, makikita mo lalo kayong mamahalin Ng iyong asawa.
Sa biyanan ko wlang problema mabait sa akin Kaso yung hipat at bayaw ko ang toxic sa amin mag asawa, Gawaing bahay di nila ngagawa ni mag hugas ng plato , hirap makisama Kya gusto ko din talga bukod may awa ang diyos.
Ngayun laki ng pagsisi ko.. kung bakit d ako nakinig.. lahat ng pakikisama pera namin pinakialaman pati utang nila inayus namin mag.asawa..ngayun pipilitin ko na makabukod.. subrang toxic na nila..
Grv pong hirap. Kmi po nsa isang confound lng kmi. Mgulang at mga kptd. My kanya knyang bhy narin. Kaso mhirap lng dhil sa mgulang nila naiiwan pera. Kong need ng asawa nmin oh kmi need pa mlaman ng nanay f ano blihin. Hirap plgi nkakasagutan nanay nia dhil sa grv higpit sa pera asawaq takot sa mgulang kya kmi tuloy ng asawaq at nanay nia nagkakaglitan xmpre kpag glit nanay nia dhl na glit skin. Mga ktulad konh abot lng rin sa fmlya nila mga plastic kpag khrap ok. Kya knina lng nksagutanq nmn nanay ni asawa cnbiq lht ng mga masasakit na alamq na gling sknla. Cnbiq ok lng nd pansinin ako kisa mkpag plastikan. Sbiq almq rin lht mga cnsabi nia skin dhil kako dto mzmo nakakausap mo sa araw araw dto sa fmly nato hlos nalibak muna maauz kpag khrap. Sbiq ikaw babae alm mo need nming mga babae dpt ikaw npliwanag sa anak mo Almq mga cnsabi mo skin. At cno rin isa pa sa mga nagsabi skin asawaq na anak mo. Sbi ni nanay nia sa asawaq ikaw kc chismuso ikaw sumisira ng fmlya natin.sbi ya kc katutuhanan. Ang katutuhanan ar mskit. Kako pasinxa dhil mskit manalita pero un kc ang totoo.
True hirap kasi sa mga lalaki nakasandal pa din sa puder ng magulang kahit na may sariling pamilya na madalas pang isumbat ung mga ginagastos lalo pag dating sa mismong pamilya namin 🙄🙄
True napakahirap makitira sa byenan lalo na kung may anak. Hindi pwedeng hindi pakikialaman ng byenan kung paano mo disiplinahin ang anak. Doon na mag start ang problema magakaiba ang pagpapalaki ng magulang mo sayo at pagpapalaki ng byenan mo sa asawa mo kaya dun nagkaka problema. Un kinalakihan mo na alam mong tama un ang ituturo at gagawin mo sa anak mo. Na kokontrahin naman ng byenan kaya lalabas kontrabida la sa anak mo😥
may tanung po ako sir vic, related po ang sitwasyun namin mag asawa sa vedio na po ito, ang tanung ko po, Tama po bang palihim na ina alis or Uma alis ang beyinan kasama ang bata ng pa Alam sa magulang ng bata? marami pa po akong katanungan kasi nag si simula pa po kami, at nakatira po kami sa magulang ng kinakasama ko, naway ma bigyan ng kasagotan ang aking mga katanungan.. from cebu city po..
gud am po. nakatira po kami sa magulang ng mister ko pero nakabukod kami imean hiwalay kmi ng tirahan pero liupa lang ang ginamit namin. mapapalayas po ba kami ng mga kapatid ng mister ko??? sana matulungan nyo po ako
Relate na relate po ako sir,, nakatira po kami sa Bahay ng. Asawa Kung lalaki at magulang niya, Ang hirap po kase hanggang ngayon ayaw parin bumukod ng asawa ko kahit anong paliwanag ko sa kanya Hindi sya nakikinig,,, tatlong pamilya kami sa isang, Bahay, Ano po bang pwede ko pang ipaliwanag sa asawa ko po para magpursige sya sa buhay
Sa akin din ang pina ka masakit is mag asawa kami kasal kami pero yung asawa ko sa magulang nya sya umuuwi ano ba dapat kung gawin kasi gusto ng magulang nya na yung anak nya sa kanila uuwi
Kami nagrenta na ng appartment para nga maiwasan ang ganyang di pagkakaunawaan kaso ang ginawa ng magulang ng asawa ko inuwi agad sa kanila kinunsinte ang kanilang anak. Ngayon hiwalay na kami. Dahil sa simpleng away magasàwa
kmi wla ng magulang,, ako n lng wlang asawa,, kya dati d2 nktra mga pamilya ng kptd ko dhl 1 pa, epileptic ako... eh kc ang asawa ng kptd ko nuknukan ng batugan,, kya ako p nagturo magsaing dun.. hnd skn nkikinig kptd ko na pagsavhan nya asawa nya,, ngaun nkbukod n cla,, tas gus2 ulit ako isma ng kptd ko pra my ggwa ulit s dating ako lhat gmgwa.. ngaun bumalik lhat ng cnav ko s kptd ko dhl hipag nmn nya nkktra sknla n ngaun na ubod ng tamad dhl ultimo hugas kaldero hnd marunong.... pnatanda kc ng nanay nla n mga walang alm kya ako comcern s kptd ko dhl xa lahat kmklos s knla at halos bmbuhay dhl xa ang mas mtaas sahod s asawa nya... ayw p rn ako pakinggan n pagsavhan nya kc dpat ang hipag nya,,nung ako sna magssalita s hipag nya, ayw pmyag nla mag-asawa dhl bka dw mglayas ang 24y/0 nyang hipag.... hhaayyy, d ko alm kng ako b ang my mali o kptd ko at pamilya nya... EPILEPTIC PA KC AKO,SOLO S BAHAY
Naranasan ko po ito may roon po akong asawa at anak pero di po kami kasal ang gusto ko po sana eh bumukod dahil may sarili naman akong bahay at gusto kong doon nakatira ang asawa at anak ko pero ang gusto ng byenan ko ehh doon daw titira sa kanila ang asawa at anak ko dahil hindi naman daw kami kasal at ako nalang daw ang tumira sa bahay ko at magtrabaho kung anong gusto ko. Ang problema ko ngayun dahil ayaw payagan ng byenan ko na tumira sa bahay ko ang asawa at anak ko ang gusto ng byenan ko ehh magpadala ako ng sahod ko buwan buwan sa anak ko at asawa ko, wala naman problema sakin kung ganon na buwan buwan or kahit kinsenas kaya ko bigyan ng suporta anak at asawa ko, ang problema ko dahil doon nakatira ang asawa at anak ko sa bahay ng byenan ko ang gusto nila eh mag share din ako nang pambayad sa kuryente pagkain at kung ano ano dahil sa bahay ng byenan ko nakatira magina ko nagiging problema ko tuloy kung paano ko susuportahan ang pambayad sa gastusin sa sarili kong bahay at problema sa gastusin sa bahay ng byenen ko kaya ang gusto ko sana eh ih bukod ko na ang asawa at anak ko para sa amin lng ang gastos at sa bahay namin kaso ayaw ng byenan ko na tumira sa bahay ko ang asawa ko dahil habol nila sakin ay finacial na share
Yung kapatid ko di nkaranas mgtrabaho buong buhay nya nkitira sa bahay ng mgulang ko silang mag asawa n madaming anak hanggang ngayon gang nagkaapo dun na din tumira pati asawa at anak ng asawa nya halos sinakop na nilang buong bahay😅 nga pla ako at yung isang kpatid ko nagpagawa nun tpos nasunog tpos pinagawa ulit nmin ng isng kpatid ko tpos ngayon my sama pa ng loob sa amin iba din eh😂😂😂
Di po OK sir lalo po nalala ang sitwasyon po sir nasa lang po ang tatay ko sakin bayad utang bilss sa kuryente pati pagkain pati po inaasa din ang pagkain ulam para sa kapatid ko po. Naiistress na nga po ako e
Salamat po sir sa mga vedios niyo sir naka kuha ako ng idea po kasi ako Ngayon naka Tira pa ako sa Bahay ng Asawa ko hndi ma iwasan na mag away kami ng Asawa ko at ang bayaw ko naki alam at magulang ng Asawa ko 😭😭
Subok ko na yan naku!hindi kmi nakatipid kmi nagbabayad ng tubig,kuryente,gas at pagkain kasama pa sa pakainin ang kapatid ng asawa kong may trabaho rin...puro utang na kmi
Ang mahirap sa akin sitwasyon may anak na kami na isa.may sarili na kaming bahay hnde na siya kailangan mag trabaho alagaan lang niya anak namin ako na maghahanap buhay..pero asawa ko gusto parin sa tabi ng nanay niya..ayaw nia tahimik na buhay .gusto nia araw araw minumura ng nanay nia.. tapos madami sila sa bahay nilA parang bahay ampunan..nanjan kapatid pinsan .pamangkin nia..hay buhay talaga.kaya ako dito nalang ako sa bahay ko . gusto ko tahimik na buhay .ayaw ko dun sa kanila
hayst any advice po? 17 ako and 'yung kapatid ko may anak at asawa na pero nakatira pa rin kila mama paano nag anak kasi na hindi handa kaya walang ipon pambili ng bahay. 2017 sila nag kaanak tapos hanggang ngayon nandito pa rin sila at wala atang balak umalis. Alam ko wala naman ako karapatan mag reklamo dahil palamunin pa rin naman ako at nag aaral pa pero nakakainis sila dahil ang toxic toxic nila at pag aalaga ng mga anak nila inaasa pa sa mga magulang namin. pag papaligo, pag hatid sa school etc. ako naawa sa mama ko imbis na nakakapag pahinga na sana dahil hindi naman na kami alagain. Tapos ang ibibigay lang nila ay isang libo kada buwan??? anong mabibili niyan eh sa isang araw pa lang halos kulang na sa kanila yun may kuryente pa, pagkain nila araw araw, mga panlaba etc sagot ng magulang ko tapos isang libo lang ibibigay nila? parang hindi naman makatarungan iyon tapos pinggan na pinagkainan nila hindi pa nila mahugasan, kaya pinapauna ko kumain ibang kapatid ko para huhugasan ko ang sa'min at bahala na sila sa mga pinggan nila. Tapos kuya ko pa na breadwinner ang sasagot sa ibang gastusin dahil kulang binibigay nila. Sa totoo lang po gusto ko na umalis ng bahay namin kaso wala pa akong rights at nag aaral pa lang ako, gusto ng parents ko mag focus muna sa school pero gusto ko na umalis ng bahay ayaw ko na makasama yung kuya ko at asawa niya dahil ang toxic nila baka graduate na ako ng college sa susunod nandito pa rin sila aalis na talaga ako sa'min kahit ayaw ko
hindi po kami makapag ipon sa totoo lang dahil imbis na makakatipid kami sa bahay nandiyan pa rin sila. nakakaawa si mama laging nababaliw kakaisip ng uulamin, siya pa ang nahihiya sa kanilang mag asawa. Kahit itlog nga lang ulam namin okay na sa'min eh kaso nandyan silang mag asawa na maarte sa ulam kaya di kami makatipid. Kaya naman nila bumili ng ulam nila eh, bumibili lang sila kapag di sila nasasarapan sa ulam sobrang aarte.
Tunghayan din po - Dapat Ba O Hindi Dapat Na Kapisan Sa Bahay Ng Manugang Ang Biyenan? - ru-vid.com/video/%D0%B2%D0%B8%D0%B4%D0%B5%D0%BE-TUuz8ktUbiU.html
Kaya pala sabi ng Bible na "you should cleave from your father's house" ibig sabihin umalis tayo sa bahay ng parents natin. Kaso sa panahon ngayon ang hirap parang di tayo makakagawa ng ating bahay