@@marvinbandiola6362 may point naman kasi siya. Palagi kasing nanghihingi ng budget ang lto para daw sa upgrade ng system nila pero pag nag ka problema wala silang solution.
Haist, need mo talagang ipublic ang reklamo mo bago kanila asikasuhin. Sad truth talaga. Sana po mabago po ang systema sa LTO. No to corruption and fixer.
Di siya marunong mag motor, wala siyang motor. Pero mag re-renew ng license. Renew meaning may license kana noon na nag expire, questionable din tong taong to
Pinaka mahirap sa isang tao mawalan ng dignidad lalu na sa isang ahensya lalung lumalala mawawlan na ng tiwala ang taung bayan sa mga ganyang pangyayari
bulok kasi systema ng LTO natin ngayun mag follow up ka offline..!!! bwesit nayan kung my pera ka at bigyan mo ng tip ayun online agad at napakabilis pa nila mag process 😂 sino nakaranas nyan diba totoo naman 👇
Offline sa lahat para mapilitan ka mag punta s LTO mismo at mag pa fixer para may kita daw sila sa loob hehehe ganyan din kalakalan sa DFA laging walang slot pero sa fixer may available lagi hahaha
kaya ng. . di ko maintindihan yung matanda kung bakit hinahanapan pa ng lumang lisensya. . eh sa pagrerenew pa lng kailangan isurrender ang lumang lisensya sa lto. . kaya palpak ang sinasabi ng matanda
With or without media dapat aksyunan agad para di na maabala pa lalo yung taong may concern. Hindi yung pababalikin pa sa ibang araw, kasi hindi lahat ng tao may luxury na magleave or umabsent sa tarabaho or everyday business nila. Good public service makes good impressions.
Maraming ganyan. Nangyari na din sakin Yan. Way back 2013. May record ako sa Lugar na never ko pa napuntahan. Diskarte ng LTO Yan na mga corrupt. Shame on them!
@@edwardnonatohizon5797 daming money making scheme dyan. Ang replacement plate ng kotse ko, sabi ng pinsan ko nasa opis na daw nila (taga lto itong pinsan ko). Nang puntahan ko para kunin, sabi ng incharge sa plates, wala pa ŕaw at nasa regional opis pa raw kailangan daw ng pamasahe at pangkain ang kukuha kasi malayo ang ro. Kahit alam ko na andyan na, binigyan ko na para iwas abala. Binalikan ko after an hour, andyan na. Sabi ko ang bilis, chopper ba ang sinakyan? 56kms yon!
Pekeng lisensya ang pinaka posibleng dahilan nung nangyari. So ang may kasalanan dyan ay yung nag apprehend kasi di nya nadistinguish yung peke sa orig.
Ayan ang problem sa system ng mga ahensya at sa mga nagpapatupad.... Kawawa lng talaga taong bayan... Dapat sa pagkakamali nila may maparusahan para nman sa ganun maging aral sa kanila na ayusin nila trabaho nila...
True. Meaning bulok yung sistema or bulok yung authentication system ng driver's license kung pwed lng naman pla ipeke ng iba or pwed lng pla na ibang license pinakita sa enforcer dba? Dami pang bulok na sistema sa government agencies natin haist
Meron mga naka-tap/connect na unnecessary computers sa loob ng mga LTO offices na maaring ginagamit nila for fraud registrations, renewals, penalties and other transactions na maaring gamit ng mga kawatan or sindicates sa loob ng LTO. Itong mga unnecessary computers na mga yan eh maaring nagko-cause talaga ng network traffic/congestions sa mga computer servers ng LTO dahil sa mga under the table or fraudulent transactions nila. Maaring gamit nila yan para i-replicate, control or edit yung total number or transactions, accountings at total earnings ng LTO versus Audit Report nila. Maraming mahuhuli diyan na kumikita ng milyon-milyon dahil sa "DATA LEAK or SYSTEM BREACH" sa LTO network/data. Dapat yan aksyonan ni Pres. BBM at VP Sara Duterte at ng Senate at Congress.
It also happened to us last year. Nakaka pag taka dahil continues naman yung pag re-renew namin ng papers nong sasakyan na walang problema until last year na nagka record kami ng hindi pag gamit ng sit belt tapos ang year is 2012 pa. Bat last year lang lumabas ang record samantalang spontaneous naman kami mag renew at walay ganong aberya? Tugil-tigilan niyo na yan LTO, I dont think so na nag kataon or nagkamali lang kayo. Kung subrang damı naming nag rereklamo sa comment section pa lang paano nalang yung di pa nakakapag sabi... di rin naman kayo yayaman jan. Pwedi naman pong magka mali pero yung mala araw2x na pagkakamali, mukhang sakit na po yan sa BULSA. Nakakahiya naman po, diba? May sweldo naman kayo, may pundo, labis2x na nga ang mga pinapabayad niyo minsan eh, tapos may ganito pang kalokohan. Matakot kayo sa consequences ng bulok na systema ninyo, nakakahiya sa part na isa kayo sa agency na pinagkakatiwalaan ng mga Filipino.
That's the reason we cannot move to improve our systems kasi mismo sa loob ng mga ahensiya ng gobyerno di na eliliminate ang mga scammers at corruption...
… uso po yan sa mga sindikato ng lisensya. They copy the legit license and sell it for a price. Usually, victims nito is yung mahilig mag buy/sell sa online and they send their LTO license as proof and those who posts the photocopy of their license online.
Alam na nila yan, sobrang abala sa biktima pag nagcomplain p, kaya karamihan ng biktima ng NCAP pambili na lang ng pagkain ng pamilya ibibigay pa sa knila.
Maganda siguro kung repasuhin at reviewhin ang mga patakaran at kalakaran ng NCAP. Parang hindi pa ga'no effective sa MM ang non contact apprehension. Sana kung may violation man ang motorista, agad agad ay ma inform ang motorists na may violation(s) sya. Para pag tanggap mismo ng message of violation, meron na dapat makausap o matawagan ang motorists para magbigay ng kanyang panig. Para bang sa banko o on-line accounts, na maa update ka kaagad kapag may nag login sa account mo o nag withdraw sa bank acct mo. tulad din ng laglag bala sa airport, may desk/authority kang malalapitan para maipagtanggol mo ang sarili mo. Kaya sa non contact apprehension, dapat ma inform agad agad ang motorists ng kanyang violation(s) at meron din dapat malalapitang personnel/LTO o govt agent na accessible sa maraming lugar sa MM.
@@clicker125 Kung ang pag clear ng violation ay hassles, mas hassle ang wala kaalam alam na may violation ka na pala. Kung kelan ka magrerenew ng license mo, tsaka papasok ang violations mo. At para mapabilis ang renewal mo, babayaran mo lang agad para maprocess agad renewal mo. Naging hassle ba ang mga bank accts notices and warnings sa acct owners? Palagay ko hindi. At mabilis pa nilang manotify ang banko. Kung puro hassles ang makikita dito at wala naman magandang maidudulot at ma expedite masolve ang problema, dapat pala tanggalin na ang NCAP!
@@clicker125 Ang non contact apprehension ay isang systema. At kung gagamit tau ng systema dapat mag adjust din ang tao. Kung ang tao ay di susunod sa patakaran ng systema, balewala ang systema. Tulad ng pedestrian crossing (pedxing), ay isang systema sa pagtawid ng mga tao sa kalsada. Maraming motorista, traffic enforcers, pulis, govt officials at mga tumatawid na hindi alam ang rules ng pedxing. Dahil hindi alam ang rules, hindi tuloy alam papano gamitin ang pedxing.
@@dannysantis2622 wala naman problema sa makabago..maganda nga yan! ang tanong handa ba ang mga kondisyon ng kalsada natin? samahan mo pa ng LGU na ipipilit nila agad yun batas nila na wala munang pag aaral konsultasyon! see LTO nga pinahihinto muna ang implementasyon nyang NCA dahil alam nila na hindi pa ganun ka handa ang mga motorista at kalsada.marami talagang pasaway ngayon na driver rider.
Nangyari sa akin yan, kaya nila gawan ng paraan sa LTO. maghapon ako sa LTO QC. halos dun ako ng spent ng birthday ko dahil maling tag ng violation ng ibang tao. Violation ko is nakabangga ng private car gamit ang Pangasinan Provincial truck. Una taga Mandaluyong ako, 2nd di ako nagmamaneho ng truck, 3rd pag aari pa ng munisipyo ng Pangasinan dala ko na never akong napadpad sa munisipyo ng Pangasinan. mabilis lang sa kanila yan. sadyang need mo lang magmaka-awa sa kanila. ako kasi nangulit na Birthday ko tlg that time at alam nila na maghapon akong nag antay na halos pag sarahan na nila ako ng office nila.
WE STILL HAVE A LOOONG WAY TO GO IN THIS COMPUTERIZATION. Yan din po problema ng friend ko ngayon sa SSS application for retirement pension. Ang gulo po ng sistema. Accdg to the SSS BRANCH this is caused by the new system they started to implement last JULY. Sana wag munang fully implement kung hindi pa ayos na ayos.
yan nga problema ginawa ng negosyo , sana maayos naman po perwisyo samin yang ganyan maliliit na mamamayan sana kahit magkaron man lang ng pwede kang magcontest dahil d naman porkit nakita sa cctv na nagviolate need na pagbayarin may mga instances kaai na may emergency
Nangyari po sa akin ito hanggang ngayon diko pa naayos. Magrenew sana ako ng DL last 2019 sa pinas kaso may record daw po ako sa MMDA with violation NO TAXI DRIVER UNIFORM kailangan ko daw pumunta ng main office ng MMDA taga Mindanao po ako. Ang date po ng Violation is Oct. 24, 2017 pero nasa SAUDI Arabia po ako from 2015, from that time Oct 2018 po ako umuwi ng pinas, Dear LTO paki explain po kung paano ako nagkaroon ng violation habang ako nasa labas ng bansa? Hanggang ngayon hindi ko pa naayos dahil napakaiksi naman ng bakasyon ko tuwing umuuwi ako ng pinas. Kakaiba po kayo LTO ang MMDA
Brother Arnel..try to make a notarized letter of authorization with your signature authorizing a relative of yours to represent you sa MMDA or kung sa anong government agency para ma-correct yan. Magsubmit ka din ng copy ng stamped page or pages ng passport mo to prove na wala ka nga at the time of incident. Mag send ka ng valid gov. ID mo (notarized din). Gumawa ka rin ng letter (notarized) explaining the situation para hindi mag-explain everytime yung representative mo. Maayos yan brod pag pinalakad mo.
Baka Naman may gumagamit ng sasakyan mo tapos nahuli sa CCTV Meron Kasi sa ibang Lungsod Dito sa Pinas wala na naka bantay na traffic inforcer dahil CCTV na pinalit para iwas kutong . sinasabi pa nga Oras na umilaw Yung CCTV Sayo asahan mo may record ka na
Hindi talaga trusted ang LTO sa ganyang process paano nagkaviolation ng NON taxi uniform kung hindi ikaw ang nagdadrive ng nasbing taxi dahil nasa abroad ka?? Nanghuhula na yata sila ng lalagyan nila ng violation at kahit nagkaviolation yung taxi dahil iba ang nagdadrive hindi yung DL mo ang dapat na may violation!??
Same thing happened with me. Nagka-violation ako ng illegal parking using tricycle pero never ako nagdrive ng tricycle in Valenzuela. Never ako nagmotor. Haha
Dami kalokohan talaga sa LTO. Nung kumuha ako ng lisensya pag pasok mo pa lang aalukin ka na. Tas kung di ka maalam sa sistema magugulangan ka ng mga hinayupak. May isang nag tanung dun sa fixer para sa Student permit, 3k para makuha agad yung SP. Wherein in fact saglit lang ang SP makuha depende sa branch na ppntahan mo at wala pang 500 yung gastos mo kasama na medical.
tapos nakalagay sa Offices nila "Bawal ang fixer" pero nasa labas lang ng office nila yung mga fixer. Sinong tangang maniniwala na walang involved na taga loob kung mismong sa tapat nila nag lipana? Haha
Yan tapos may balak pang magpa implemment ng non contact sa paghuhuli. Tapos palpal pa itong mga nasa LTO lagi nlng may rason kapag may kaplpakan na ipapaayos, kong ano2 nlang ang rason. Dapat tanggalin itong mga klasing empleyado sa goberno.
Sang ayon ako lahat yan dapat ikunsulta yan lahat sa mga nagdrive anong laban namin hindi mapakinggan ang side naming mga mahihirap na driver na arawan at ang laki ng pinalty nasa mininum lang ako pag nahuli ka sa no contact policy 2k pataas.anong mangyari sa family mo NGA NGA.
Di ba dapat na ng mga ganitong kaso ay hinaharap para panagutin ang mga palpak ang trabaho? Hindi na kailangan ng tao ang puro pangamgatuwiran. Alam na ng mga Pinoy na magaling tayo jan lalot nasa harap ng camera. Mahirap ba sa gobyerno na siyasatin ang tunay na nagkamali at sibakin kung kailangan para matakot at matuto ang iba? Masyadong ginagawang kawawa at api ang mga common people. Pambihira.
Only in the philippines. Kapit tuko sa pwesto mga government officials and employees. No sincerity and honesty sa kanila, hindi ko naman sila nilalahat pero karamihan ganun ang gawain especially dito sa Metro Manila. "Kailan pa kaya mababago ang Bulok na sistema sa lahat ng ahensya ng gobyerno dito sa pilipinas".
Dapat may penalty din ung empleyado ng LTO sa ganyan para patas lang ba? Di Po ba? Kasi pag mga motorista may Mali may pataw na parusa at singil Dapat Sila din 😁2😁
Ayan na, marami na mga ganyan. Wala na kase silang Kita noong 10 years na expirations ng mga License na para sa akin Kalokohan. Dapat ang renewal 3 years kase mga Kamote at may Violations hindi na ma monitor. Marami magsasabi na OK ang 5 or 10 years dahil pabor sa kanila kaso mga abusado dadami at Aksidente lalala.
Naniniwala ako sa kanya. Experience namin na punipilit nila na involved sa accident ang truck namin pero may proof kmi na hindi bumiyahe ng 6 months ang truck dahil wala puwede magdrive. Ayun pinabayan kmi ng piyansa kahit wala sila evidence
ganyan na ganyan din sakin. magrerenew sana ako ng liscence para magpa add ng restriction for 4 wheels dahil mag aaral palang ako ng driving school kaso may warning sa lto na may violation daw ako na swerving at kung ano ano pa. nahuli daw ako sa sctex subic na ang gamit ko daw is truck. eh pang motor lang nakalagay sa restriction ko nun. ang pinagkaiba lang namin ng nasa video ay hindi ako nabalita :D
Modos Naman nila Yan para pgbayarin ung mg nagrerenew kahit Walang violation. Pahirapan Mona nila mga motorista hangat mapilitan nalang magbayad para maka renew.
Pede Yung nakuha Yung lisence number nya ginamit SA ticket..kahit motor may GANYAN issue...alisin nyo emission test SA motor..lahat Ng motor 4stroke na
Bakit anjan pa sa kanya yung expired driver's license? Diba dapat yung current driver's license lang ang naiiwan? Diba kapag nagrenew ka, isama mo yun ibigay sa lto yung expired driver's?
Dapat kasi gawing centralized system ng LTO, tapos dapat may way e validate ung license via scanning device na connected sa centralized system. Para d na de papel, modern na ngayon iwan na iwan na tayo.
Bkit di matrace eh kasama nman ilagay sa violation ticket yung details ng license at plaka ng motor. itrace nila kng knino nakapangalan ung motor n gamit.
Pwedeng resulta Yan sa pagkuha ng lisensya ng mga Hindi otorisado Lalo n ung mga subdivision n kaylangan lisensya bago k pumasok sa subdivision nila...meron naman nyan irereport ung plaka mo tapos malalaman mo nalang may violation kn para paraan para kumita..Kaya nga dapat tangalin na din ung non contact apprehension...
Nangyari na Yan sa mama ko. May violation sa registration ng 1 motor na nakapangalan daw sa kanya. Take note sa naga camsur Yung violation pero Taga Cagayan valley kami. At walang motor na nakapangalan sa kanya dun. Pinadalhan kami ng sulat na kailangan na magbayad.
Aaksiyunan lang dahil dinulog na sa news team. Imagine ang hassle kong ilang beses ka mag followup at hindi din sila nauubusan ng excuse para matulungan ka sa concern mo. Haiiist 🇵🇭😞😔
Nahuli din ako while driving without using my seatbelt pero pag-check ko sa LTO ang violation ko naging “Not Wearing a Helmet”, na mas mahal ang babayarang penalty fee sa 1st offense.
Nangyari na sakin yan. Nung kumuha ako ng NP licensya hindi ako makakakuha dahil may violations daw ako sa LTO. Nung tingnan ko yung plate number sa system nila at yung sa motor magkaiba. Pero hindi parin ako makakuha dahil bayaran ko muna tung violations ko. Wla akong magagawa e bayaran ko nlng kaysa hindi ako makakakuha. 15k yung binayaran ko. At nun nka bayad n yung resibo walang perma na head. Dito yan sa iloilo