sana yung verified contract sa pinas nalang.. dito kasi sa saudi di naman lahat ng OFW ay malapit sa polo. dagdag gastos pa yan sa travel at di naman basta basta maka absent sa company kung gusto magpa verify sa polo
Sir maraming salamat sa malinaw na paliwanag mo. About sa change employer at same employer at pra sa ung verify contract. Kc uuwi rin ako sa katapusn at same employer lng din babalikn ko dto. Ung ibang nwwtch kong vlogger ang gulo nila mgpaliwanag eh. Syo npakalinaw at napakadaling maintindihan. Kya mraming salamat sir......
You mean sir nung ngbkasyon ka hindi strict sa erport dto sa Saudi hindi hinahanap Kung nkapagverified kayo sa polo. . Exit re entry visa lng po hinhanap at passport nyo at ticket yin po sir??
Ganun din ang na experience ko. Ang hirap talaga halos isang buwan bago ako nabigayan ako OEC. Lalo hindi mag cooperate yung company mo. May pinaginawa sila sa na akong promissory note kong kailan ko mapa verified yung contract ko
@@mekanikalinhinyerovlogs3789 hindi naman naka red flag, hindi lang sila gumawa ng bagong contract alam naman ng companya ko na pinalitan nila ang sponsoship ko. Parang hindi nila alam pag bagong sponsor kailangan bagohin pati contract ko kasi doon mo makita kong sino ang sponsor at yung passport lalo na ko nag renew ka.
Pano po ung galing Hongkong to Kazakhstan po d ako mkapag verify ng contrata kasi wla po tayong embassy at polo owwa dto po .. yan din po gagawin ko pg uwi ko?
Sir dna Pala kelangan ng verify contract kng same company lng ang babalikan mo, sakin kc sir ilng beses na akng d nagbayad ng oec kc daw same company lng din ako Libre oec ko.
Salamat po sir jan kasi ako nalito kng kilangan ba talaga kumuha ng verify contract sa polo e same company parin naman babalikan ko salamat po atles alam ko na
Wla kay kopya sa imong bag-ong contract Sir? Dapat nangayo kag kopya unya kung naa paka sa pinas maski isend nlang sa imoha ang scan copy aron mapakita nimo sa POEA..
boss amo.. yung aking katrabaho bago pa lang sya first timer.. tapos nag bakasyon lang babalik din same employer pero nung kukuha na sya ng oec sa poea hinahanapan sya ng verified contract...
Hello Ken, based sa experience ko dati nung first time ako nagbakasyon sa Pinas sa same employer hindi po hiningi sa akin ang verified contract sa POLO. siguro may misscommuncation ata na nangyari kasi ang ipapakita mo lang ay yuong OEC mo nung nakaraan at ang iyong kopya ng contract mo na ibinigay sayo ng recruitment agency sa Pilipinas. Dapat nga exempted na sa OEC kasi may dati na siyang OEC. Kaso, baka sa case ng kasamahan mo kaya hinanapan siya eh dahil may problema sa POEA ang employer ninyo. Pero sa opinion ko, kaya naman ipaliwanag ng katrabaho mo ang karapatan niya kasi nga may OEC at kontrata siyang dala-dala bago siya umalis ng Pilipinas at hindi naman siya lumipat ng employer..
Sir pano po kung same employer pero nagpalit ng company at hindi na under ng agency? 3 yrs bago makauwi ng pinas kaya hindi updated na need magpaverify ng contract
Basta provided po na valid po ang inyong rason at meron kayong documents na sapat wala pong problema kasi ang requirements po sa verified contract ay un din po ang titingnan ng POEA sa inyo..
Paano sir kung same employer at 12 years na rin po ako dto sa Saudi pero may amendments ang contract designation ko? Sa contract ko po ngayon ay QC inspector na pero doon sa oec ko ay electrian parin nakalagay. Tanong ko po sir ay kailangan ko parin ba ng verification of contract lalo na po magbabakasyon po ako this coming december 2023?
Hi Rod’zVill since iba na job title mo sa contract dapat magbago rin ang iyong oec job title. Kahit ako, kahit na ung occupation ko sa iqama ay general mechanical technician, sinabihan ako ng poea na sundin ang actual na job title ko as MTCE Planner. Mas maganda kuha ka na lang ng verification sa POLO kung may panahon ka pa kasi december pa naman ang bakasyon mo..
Hi Idol. Tama po kayo jan kaya hindi ko kayo iniincourage bagkos nag papaalala ako na kung kaya ninyo makapag process ng verified contract gawin po ninyo kung ano ang tama para sa inyo. Sabi mo nga hndi lahat ng poea staff or branch mismo ay mababait kaya mapalad lang din ako.
Hello Velma, ang qiwa po ay bagong app kung saan dito nangyayari ang paglipat ng isang employee from current employer to new employer. Bahagi ito ng employee mobility service sa Labor Reform Initiative ng Saudi Arabia. Ang contract sa qiwa ay system generated at ito ay standard contract kasi simula ng ipatupad ito lahat ng change employer ay dito na dadaan..ang GOSI kasi ay sa Social Insurance at hindi ako sure kung ang nakapaloob ba sa gosi contract ay parehas sa ibang contract gaya ng sa qiwa or kahit ung internal contract ninyo sa inyong sponsor na papasa sa format na sinet ng POEA sa employment contract. Nag try akong tingnan kung ano ang contract na meron sa GOSI at wala akong nahanap na contract. Ang nakita ko lang ay certificate lang. Pero kung lahat ng impormasyon sa isang employment contract ay nasa GOSI contract na sinasabi mo ay siguro pwede mo itong gamitin pero hindi ako sure kung talagang acceptable ba ito..Mas mabuti humingi ka nlang ng contract sa employer mo.
Good Day Sir sana masagot nyo question ko bale nilipat po ako ng company ko sa isang group, ang company ko po kasi ay dalawang group pero isang company lang kelangan ko pa kaya mag pa verify ng contract?para po mas maliwanag everytime kukuha po ako ng OEC nakalagay sa contract employer dalawang company example po JAREER BOOKSTORE TRADING/JAREER BOOKSTORE INVESTMENT within the company lang ako nalipat. Sana po masagot nyo
Hi Tech, basta sa lumang contract po ninyo at sa bagong contract ay nakalagay naman ang dalawang pangalan nang company sa tinngin ko ok lang huh yun. Magkaka problema ka lang kapag sa bago mong contract hindi nakalagay ang isa sa pangalan ng iyong company. Since sa umpisa pa lang ay nakalagay na ang dalawang pangalan ng iyong company hindi na po ito kailangan..
Hi Kinghedj, mas mabuti dala mo lahat ng contract mo kasi tutulungan ka din naman ng POEA kung sakali. Pero kung kaya naman na makakuha ka ng Verified Contract sa POLO kumuha ka na para hindi ka magka problema sa Pinas.
sir pls pakitulong naman po mali po yung napindot ko sa are u returning the same employer kasi change employer po ako pero nalagay kopo yes dapat is no anu po yung dapat gawin
Hi sir, same scenario po wala rin po akong verified polo contract. pano po kapag ayaw papasukin sa may entrance palang kasi daw matagal pa ang flight at hindi daw po iaassist sa counter? Gusto po kasi nila mga 2-3 days before the flight mo ikaw daoat pumunta sa POEA. Ang worry ko po is paano po kapag nagka problema tapos kailangang i rebook nanaman ang ticket.
Hi Gwen, hindi po totoo na 2-3days ka dapat pumunta kasi meron pong appointment bago ka pumunta sa araw na iyon. So dapat mag book ka ng appointment mo kahit 2weeks upang hindi ka ma short sa oras ng pag process pero depende rin po siguro yan kung saang branch ka pero sa ngayon po kasi pagkakaalam ko ang mga naka pag book po or appoint sa araw na yun ang priority na aasikasuhin..
Hello Gwen, ang standard po na kontrata dapat english at arabic. Sa kanan po ang arabic at sa kaliwa naman ay english translation. Yan po dapat ang kontrata na meron ka..
@@mekanikalinhinyerovlogs3789 ang contract ko po ay english lang. Pano po kapag work permit? Arabic lang po sya kasi system generated po. Need ko pa po ba ipa translate dito sa pinas before i-present sa POEA?
@@mekanikalinhinyerovlogs3789 nakailang visit na po ako sa POEA Ortigas. Nagpa book po ako ng May 18 just for them to accommodate me. Pero yun po sabi sakin balik daw po ako kasi malayo pa flight ko. Gusto ko po kasi sana magpa evaluate if pwede po bang magpa affidavit nalang po ako kasi wala akong POLO verified contract. Ilang days po na process yung sainyo po nung nagpa affidavit po kayo?
Sir mag bisaya lng ko pariha manta bisaya.pariha tah ug experince sir nakauli pod ko adtong 2019 wala jpon ko verify contract same jpon ang ilang gipangayo s akoa nga requirement.pangutana nko sir krung december puhon gusto ko mouli pero wala jpon ko verify contract pariha bah kaha jpon ilang pangayoon nga requirment.
Hi Mary Love, kung same employer kung ang employment status mo is nasa same employer ka na magbabakasyon, no need na po ito kasi nga hindi ka na change employer. Iba na ang process sa same employer na kukuha ng OEC..
Nag change employer ako noong 2018 bosing tapos umuwi ako noong 2019.pariha tayo ng experience nagbigay din ako ng requirment.tanong ko balak ako umuwi ngayong taon tapos hindi parin ako nakakoha ng verification contract..noong nakakoha nah akong OEC s 2019 naka record naba yon dito s polo owwa s saudi.hindi naba kaylangan komoha ng verification code.salamat
@@marylovegracesaguing1722 mangutana lang ko sa imo, dria raba ka plano sa saudi mag apply og OEC? Kay kung dria ka sa POLO automatic pangayoan ka dria og POLO verified contract kay mao na ila prosseso dria pero ang kalahian since kung dria ka mag process dli na pareha sa process sa OEC w/o POLO verified contract kay mismo sa POLO naman ka mag apply tapos imo nlang ipakita ang imohang contract nga pirmado sa ninyo duha sa employer, daun ID sa imong employer og uban pa. Pero kung sa Pilipinas ka dli na kinahanglan ka og POLO verified contract kay ang imong pag apply sa OEC didto kay same employer man ka maong ang mahitabo ang imo ra ipakita ang imo OEC tong niagi og uban documents nga importante sama sa imong iqama, ERE visa, ticket, imong copy sa contract(aside sa OEC nimo para panigurado) og uban pa.
Helo sir, umuwi Po akong hnd kumuha ng contrata sa polo, pero ung last uwi ko po nakakuha po ako bale pangalawang balik ko na po eto sa amo ko, okay lng po ba na kht wla na ako contrata basta makakuha ako ng exemted na OEC?? Sana po masagot sir, slmat po?
Mapagpalang araw Engineer, bagamat narinig kona ang sagot mula sayo ang mga tanong na kagaya ng itatanong ko, pero gusto ko parin pong magtanong. Bali itong darating na May 22, unang besis kong makakapag bakasyon mula noong 2015, hindi ko na po ba kailangang mag pa verified ng aking contract dito sa POLO ? since hawak ko naman po ang aking unang OEC at ganun parin po ang babalikan kong kumpanya. Maraming salamat po Engineer. 🙏🙏🙏
Hello po kabayan. Basta same employer po wala na po kailangan na POLO verified contract. Importante dalhin mo lang ang lumang OEC mo at kontrata na galing sa agency mo dati nung ikaw ay umalis sa Pilipinas. Tapos para sigurado dala ka nlang din ng COE mo at iba pang documents kung kinakailangan at least ready ka na. Pero sa tingin ko ang OEC mo lang at Kontrata dati, passport, return ticket, ERE visa, Iqama copy ang kailangan..
No need na ang POLO Verified Contract sa mga uuwi/magbabakasyon na same employer pa rin ang inyong kasalukuyang employer. Kung matatandaan ninyo bago kayo umalis after nag PDOS may OEC po kayo na kopya na dala2x ninyo papunta sa ibang bansa. Un lang po ipapakita ninyo at kung may iba pa kayong kontrata na maipakita sa POEA kung mag aapply kayo ng OEC pabalik sa abroad. Pero ito po ay mangyayari lamang sa unang beses. Sa pangalawa hanggang ika limang beses ata kung same employer pa rin kayo pwede na kayo mag apply ng exemption sa POEA.
Sir meron ako verified contract pero 2 years ago na dhil nagpandemic at d ako nakauwi ngaun sabi skin valid pa un pero hindi na ata is there a way na pwd pdin ako maissue ng oec?
Hi Maam Rissa. Tanung ko lng po kung ang verified contract ay may validity or wala? Kasi pag wala pwede mo syang gamitin as valid contract na hawak mo to present it sa POEA as long as ang employer mo sa verified contract mo ay ang iyong current employer. Kahit ako dati nakauwi ako sa Pinas sa loob ng halos 2 years bago makapag baksyon sa covid at wala naman akong problema sa POEA.
Ganito kasi gagawin ng POEA sa application ng OEC. Once nalaman nila na ikaw ay change employer ichechek nila mga documents mo kung ano ang kulang upang ma process ang OEC. Isa sa kinakailangan pag change employer ay verified contract. Doon papasok ang affidavit kasi syempre ang sagot mo sa POEA ay wala kang verified contract na maipakita kaya bibigyan ka ulit ng mga karagdagang requirements upang ikaw ay ma consider na mabigyan ng OEC w/o verified contract. Isa sa pinaka importante doon ay ang affidavit na kailangan mo sagutan at i notarize sa atty. dahil magbibigay ng request letter ang POEA branch sa lugar niyo para ibigigay sa Head Office nila para tanggapin ang hiling mo na mabigyan ka nang OEC kahit wala kang POLO verified contract..
Hello po Sir, Isa po akong RME or Registered Mechanical Engineer po ngayong year lng po ako nakapasa at lumabas Ang result, balak ko po sana mag abroad ano po ba Ang unang Gawin?, need pa po ba may experience? And gusto ko din po Malaman kung ano pa po yung mga dapat gawin pra abroad.
Hi Aljay, mahalaga ang work experience kung gusto mo magtrabaho abroad lalo na aa middle east at africa. Kung sa western countries ka may ibang paraan pwede kang papasok sa west through student visa bale mag aaral ka ulit para mas madali makakuha ng trabaho after ng pag aaral mo. Pero hindi dyan nagtatapos ang journey mo. Bago ka sumabak sa mundo ng realidad, dapat malaman mo kung ano ba talaga ang career na gusto mo as RME. Marami kasing role or career na pwede mong pasukan kaya dapat sa umpisa pa lang alam muna saan ka papasok upang maging maganda ang pagbuo ng work experience mo na magagamit mo in the future..
Hi christine meron naman chance na makabalik ka galing sa bakasyon at makakakuha ka ng oec sa pinas basta importante dala mo ang mahahalagang requirements kagaya ng kontrata mo na may pirma ng amo/employer mo at ikaw. May ERE visa ka, may return ticket, COE at iba pang mga mahahalagang dokumento. Pero hanggat maari ay kumuha ka ng verified contract sa bansa na pinagtatrabahuan mo. Pero kung valid naman ang dahilan ay malaki naman ang possibility na makabalik ka at makakuha ng oec kahit walang verified contract.
thanks sir very informative, ask ko nman un sakin, may old OEC ako at polo verified ung contract ko ,then tinransfer ako ng company nmin sa china 2019..nagkaroon ako ng new contract, new company name, pero isang employer lang , then uuwi ako for vacation pinas, valid parin ba un old oec ko at old contract king ipresent pag uwi ko pinas? salamat
Hi Leonald, since iba na ang name ng employer mo at baka nalipat ka na rin ng location kailangan po ninyo iverify ang new contract ninyo sa POLO kasi hindi naman alam ng POEA na isa lang ang employer ninyo noong una at ngayon. Since nag iba napo ang name ng company at bago ang contract ninyo ibig sabihin po nyan sa mata ng POEA nagbago ka ng employer unless wlang nagbago sa pangalan ng employer mo wala sanang magiging problema..
sir ilang araw mo po ung natapos..kc aq po ung contract q nd q dala sir kc ung papee q nd pa lumabas kc may problema sa doc.kaya umuwe nlng aq sa flyt q kc gusto q try sa pinas qng makakuha aq ng verify without veeify in polo
Sir what if nakabalik ng abroad dahil sa nagpanotario ka kang at hindi mo natupad yung nilagay mong schedule dun sa sinumpaan mong salaysay? Ano pong pwedeng maging problema? Salamat po godbless ❤️
Hi Frederick, wala pong kaso kung hindi nasunod ang schedule ng return flight mo ang importante meron kanang OEC at valid ang ERE Visa mo pabalik ng Saudi..
Good evening po paano po makakuha ng stamp ng chamber of commerce para sa certificate of employment ko po . Hawak ko na po yung COE ko po may stamp na ng company ko po . God bless sana matulungan niyo po ako pa exit naako ng saudi sana matulungan niyo po ako
Hi po. Ang pinaka mabisang paraan ay magpunta po kayo sa opisina ng chamber of commerce kung hindi nyo po mapakiusapan ang inyong HR na ma stamp ang COE sa chamber of commerce.
Hello po..pabakasyon po ako sa May 13..kumpleto na naman po ako ng requirements para sa polo Verification kaso po hindi po ako makakuha ng appointment sa kanila.mabigayan po kaya ako ng oec sa poea?salamat po
Hello Arieth, mabibigyan ka pa rin naman kagaya sa akin basta siguraduhin lang na katanggap tangap ang rason mo at agahan mo mag process ng OEC sa mga walang verified contract sa mga nagbakasyon na nabago ang employer para may oras ka pa kung sakaling may mga problema sa papers.
good po sir,ganun dn po ako sir andito po ako ngayon bakasyon dn kaso hindi pa ko ako nkakuha ng oec balik mangagawa dahil wala po akung verified contract na authentic ng polo, ano po dapat kung gawin sir,kuha nalang dn po akung affidavit sir?
Hello Kabayan. Basta ang gawin mo kumuha ka ng appointment tapos iprint mo un. Nakalagay doon sa papel na un ang lahat ng requirements at kailangan mo iready lahat ng papel na kaya mong ibigay. Sa araw ng schedule mo sa pagpunta sa POEA hihingin sayo lahat ng papel sa pag apply mo ng oec. Ngayon kung nakita nila na kulang ka ng requirements itatanong naman nila sa iyo kung ano ang dapat mong gawin. Basta sabihin mo lang kung ano ang dahilan bakit wala kang verified contract at makiusap ka na sana mabigyan ka parin ng oec at kung ano ang kailangan gawin at doon ka nila bibigyan ng mga dokumento na kailangan mo fill upon kagaya ng affidavit.
Hi JC. Una mo pong gawin is mag online appointment ka para ma print mo ang appointment letter mo. Nasa website yan ng poea eservices ung bago. Then makikita sa printout na appointment mo ang mga requirements at kailangan mo lang dalhin lahat ng dokumento na meron ka papunta sa pinakmalapit na poea office sa inyong lugar..importante hawak mo ang bagong kontrata mo, may COE ka, Exit/re-entry visa, payslip, ticket, valid passport, valid Id mo sa dubai etc..
Sir good day po puwedi po ako naka hingi ng form ng affidavit mo saka po sa poea paki screen shot nalang po para makakuha ako ng dea wala den po ako virefy contract sa polo . Sir Salamat po b safe always
tanong lng ako sir kc nawala po ung contrata ko need pa ba ng new verified contract kc same employer nmn ako babalik bale 15 yrs na po ako sa kompanya namin thanks po sir
Hello Sir Henry. Kapag same employer po ang babalikan galing bakasyon no need na po ng verified contract sa POLO. Ang kailangan lang po para sigurado dapat may kopya ka ng iyong previous OEC. At mas mabuti din po na humingi ka ulit ng kopya ng iyong kontrata. Pero sa tingin ko po Sir ikaw po ay eligible sa OEC exemption. Pero worst case scenario, magdala nlang kayo ng kopya ninyo previous OEC at hingi ka po ng kopya ng kontrata kung nawala mo ito. Tungkol, sa verified contract galing sa POLO no need na po ito basta same employer ka.
Hi Rowena hindi mo ba nasubukan mag apply ng OEC exemption ksi kung nasa kasalukuyang employer ka parin dapat mag apply ka na ng OEC exemption. No need na kumuha dapat yan ang asikasuhin mo sa POEA bakit hindi ka nakakakuha ng oec exemption..
Ganyan din ung case ko sir sana mabigyan din ako ng oec change employee din ako may 11 na flight ko pinabalik nila ako sa may 10 nag panotaryo na din ako ng may 6 tas kinuha nadin nila mga Iba requirements sana mabigyan din nila ako oec main ortigas po ako kumuha
Hi Sir Warren, ang tight naman ng schedule ng release ng OEC mo. Sana makuha mo talaga before sa flight mo. Huwag ka lang mag alala kasi priority ka nila at dapat yan ung pakiusap mo sa POEA upang mabigyan ka ng OEC before sa iyong return flight para iwas rebooking at dagdag gastos.
Oo nga po sir binigyan nila ako stub para Di nadaw ako pipila salamat binigyan m ako idea nag alala talaga kc ako baka hindi ako mabigyan oec makiki usap talaga ako
@@marky3996 hello marky. Basta habang maaga pa mag punta ka na sa poea at mag submit ka ng mga dokumento sa pag apply mo ng OEC. Tapos sasabihan ka kung ano kulang sa papel na pinasa mo ang kailangan para ma process nila ang OEC na hindi short sa oras. Example ng mga documents (signed contract, ERE visa, employment certificate, return ticket, payslip, qiwa contract, iqama copies, passport)
Good morning po.. Aq po sir wala po aq verified contract. July 28 po flight q. Panu po Kaya aq makakuha ng oec katulad po Kaya ng sa inyo gagawin q sir?
Hi Mark. Basta habang maaga pa magpunta kana sa poea para mag apply ng oec. Importante na lahat ng mahahalagang documents kagaya ng employment of contract, COE, etc ay may kopya ka para maibigay mo kaagad at makapag comply ka. Ang una mo munang gawin ay mag set ka ng appointment through online sa Poea at iprint mo ang kopya ng iyong appointment. Dito mo rin makikita ang mga requir na kinakailangan at sa araw ng schedule mo iaassess naman ng staff nila at tatanungin ka kung saan ang iyong verified contract at doon mo sasabihin sa kanila ang buong detalye at makiusap ka na makapag apply ka pa rin ng iyong oec kahit wala kang verified contract. Doon nila ibibigay ang mga kailangan sa pag process ng oec without POLO verified contract.
@@louiesolatorio7229 hi louie ano po ang dahilan nila bakit di ka bigyan ng OEC? Kung dala mo naman lahat ng documents mo na kailangan sa pag process ng verified contract ano ang point nila para di ka bigyan..
@@mekanikalinhinyerovlogs3789 update lang po sir .. nabigyan na po bila ako oec. At first ayaw talaga nila power trip yata yung staff na naka assign saken gusto utusan ko boss ko na pakuhain ng verified contract tsaka ipadala sa pinas. Buti nalang nakausap ng ermat ko yung polo sa osaka tinawagan namin tas nalaman diplomat boss ko my papipirmahan lang pala saken na papers dun sa poea stating na once nakabalik ako osaka tsaka ko iprocess verified contract. Jusko isang araw di ako nakatulog sa stress ko kala ko di ako makakakuha oec.
Hi Techy, ibig ba sabihin ng bago nag iba na position mo, sahod at work location or na renew lang? Kasi pag renew lang pwede hindi na kasi wla namang nagbago sa mga nabanggit ko. Pero kung may nag bago pwede kang kumuha ng verified contract..
@@mekanikalinhinyerovlogs3789 Sir walang nagbago sa sahod, position or work location as in pumirma lang ako bagong contract dahil ang company namin inilipat ang ilang empleyado sa isang sister company verified po ito ng qiwa at gosi dumaan sa tamang proceso na check ko rin ang absher ko same na rin ang nkalagay sa details of my new employeer.at ung join ko sa date sa first company ay parehas din na nakalagay sa absher
Sir tanung kulang Po galing Po ako ng Dubai at andito na ako sa Qatar. Vinihasan po ako ng kapatid at bayaw ko Qatari Ang naka lagay driver para daw madaling makapasuk dito sa bansang Qatar at hindi talaga ako driver at walang license Ang at kalaunan sir may ID naman ako at nakalagay driver doon sa ID sponsor kopo Ang bayaw ko Ang mangyari sir pumunta ako doon sa polo para mag verify contract e hinahanapan ako ng driver license e Wala akong naipakita driver license kaya hindi ako nakapag verify ng contact ko dito sa Qatar e pauwi pa naman sa ako ngayun sa may 23 anung Gawin ko sir para makabalik ako dito sa Qatar pag uuwi Bisaya ako sir taga surigao malapit lang ko sa butuan city salamat sa saguy sir
Hello Anthony. Wala baka magsulti nila sa tinuod nga nahitabo? Kung ako sa imo dapat imo gisultian ang POLO sa tinuod nga nahitabo aron mahatagan ka nila og advise. Kay para nako noh, basin maglisod ghapon ka sa Pinas og kuha og OEC kay labi na gikan naka sa POLO. Angay nimo buhaton is sultian nimo ang POLO sa mga panghitabo daun kung unxay feedback nila dha naka mobuhat og lain option para makakuha kag OEC. Kay basin diay tgaan kag chance sa POLO nga usbon na dapat imong occupation sa contract kung unxa jd ang tinuod nimo dha nga trabaho. Maglisod man gd ta og tubag ana kung wala pa nimo maklaro sa POLO ang nahitabo sa imoha dha sa Qatar..
Good day po sir. May tanong lang po ako about sa license. Halimbawa po nakapasa po kayo ng board exam dito sa Pinas, tapos nakakuha kayo ng license then nag work po kayo dito. Tapos after ng years nag abroad kayo. Ano po mangyayari sa license niyo at kung magtatrabaho po ulit kayo sa Pinas, mag renew lang po ba kayo ng license niyo? Salamat po sir.
Hi ShaLE3D, kailangan mo pa rin na I renew ang license mo while working abroad kung sakaling ma expire man ito. Sa kaso ko, hindi ko na na renew at kung sakali man bumalik ako sa Pinas upang mag trabaho depende din naman sa company mo kung kailangan at valid license na mechanical engineer ang kailangan. Kung need talaga, doon ko nlang aalamin ano dapat gawin upang ma renew ito..or kung may balak na ako bumalik jan sa Pinas doon ko nlang aalamin ano requirements kasi sa ngayon wla pa sa isip ko ang bumalik sa pinas para magtrabaho..
Sir MEKANIKAL INHINYERO VLOG first timer po ako na nagbakasyon pero same employer lang po babalikan ko within 4 years this year lang po ako naka uwi need ko pa po ba ng verified contract by polo or hindi na? I will kindly wait po sa response po ninyo salamat po godbless 🙏
Hello Dodel tama po si kabayan sherwin. Kung gusto mo talaga malaman ang lahat ng documents nasa appointment letter po ninyo makikita ang lahat pero ang pinaka importante ay una 1. employment contract mo na may pirma mo at ng employer. Dapat standard po ang contract na may english at arabic translation. Pwede po ninyo idagdag ang qiwa electronic contract. 2. Certificate of employment (dapat po makikita sa COE mo or kahit sa kontrata ang business name, address at business registration ng employer mo), 3. Ang iyong orignal at photocopy ng valid working visa/work permit or pwede na po ang Iqama ID. 4. Original at photocopy ng valid passport mo. Ang iba po gaya ng ERE Visa, Return ticket at iba pa ay mga supporting documents nalang po.
Hello kabayan. Yan din po ang concern ko pero sa tingin ko kasi since may OEC kana may dalawang possibling mangyari. Una pwede na tayo mag apply ng OEC exemption kaso nga lang may time na hindi tayo makapag apply nito at nireredirect tayo na mag appointment para kumuha ng OEC. Sa pangalawa, kung ganito mangyari sa opinion ko naman hindi na kailangan kasi may kopya ka na mg OEC dati at basta dala mo lahat ng dokumento mo baka ito ay sapat na kasi ipapaliwanag ko ulit sa kanila na hindi ako makakuha mg OEC nga kasi malayo kami sa POLO kung sakali mang mangyari to sa akin. Malalaman natin yan kabayan sa pag uwi ko ulit sa susunod na buwan kung ano ang mangyayari at babalitaan ko kayo..
Hell nhiellsab, pag exit po siguro ang ibig mong sabihin ay aalis ka na sa bansa na pinagtatrabahoan mo at uuwi na ng Pilipinas? If Oo, hindi na po kailangan. Ang OEC ay kinakailangan lang po kung ikaw ay aalis sa ating bansa upang magtrabaho sa abroad. Ito ay parang isang single exit pass natin na ipapakita sa immigration sa airport kung tayo po ay aalis sa Pilipinas kasi ito ay magpapatunay na ikaw ay isang documented na OFW.
Sir anung klaseng affidavit po ba yung papa notarize sir. Now ko lang nalaman na kelangangan pala verified contract sa polo sa new employer kase nung mag apply ako ng oec . Kelangan pa ng appoitment ang problema sir flight ko na june 29 maguumpisa palang ako magprocess.
Hi Ken Joseph, ang affidavit ay binibigay ng POEA kapag wala kang verified contract. Bali ipoprocess ang OEC mo without verified contract at isa sa mga documents na kailangan ay ang iyong affidavit. Importante na documents mo na kailangan ng POEA ay ang iyong employment contract, certificate of employment, copy ng iqama na luma at bago, copy ng passport, ere visa. Basta dapat meron kang mga documents na kailangan para madali mong ma process ang iyong OEC application.
Good day sir. Change employer Po ako, Ang problema ko di tugma Ang iqama at contract q. Nakalagay sa iqama q technician tas contract q civil foreman. Ang tanong ko pwede bang magpa verification of contact kahit magkaiba Ang contrata at sa iqama. Patapos napo contract q at balak mag bakasyon kaso natatakot na baka di ma verify Kasi gawa Ng magkaiba iqama at contact. Salamat po
Hi Sir. Ang change employer mo ba ay through qiwa transfer or hindi? Sa tingin ko Sir hindi na siguro magiging issue yan basta ang working visa mo as technician ay related din sa Civil. Sa akin kasi ang nakalagay na sa qiwa tansfer ko ang profession ko is mechanic tapos ang trabaho ko is plant maintenance planner. Tapos sa internal contract ko naman designation ko is plant maintenance planner. Pero ang kaibahan lang kasi sa akin sa hindi na ako nakapag verify sa POLO kasi malayo ako sa Jeddah at Riyadh kaya nung nag process na ako ng OEC sa awa ng Dios na consider din naman ang aking application sa OEC. Subukan mo lang Sir magpa verify pero sa opinion ko lang hindi na yan masyado tatanungin ng POLO basta ang pagka technician mo ay related sa pagka civil technician mo at talagang legitimate ang paglipat mo sa bagong employer..
hello sir, ask ko lang po sana di po ako nkpag verify sa polo sa dubai dahil biglaan lang po ang uwi ko first timer ko po magbakasyon. gusto ko po sana bumalik same employer lang po. ano po ang mga rquirements?