Hi sir i done to your channel sending my support po sipag mo naman sir at masikap sa buhay hanga ako sainyo saludo ako sa mga ofw.kayo ang mga tunay na hero.godbless po sainyo ingat kayo .❤❤
Hi Tuntun just seen your channel and count me as one of your subscriber. Watching here actually listening to you. You will get used to it here in UK. Ganyan talaga pag bago pa. Mag tiyaga lang muna. Sa pilipinas mura lang sahod nang nurses. Pero dito sa UK pag mag sikap ka , gaganda din ang buhay.
Idol more power syo. I used to work din dyan s clinic s central london s Weymouth Street Hospital. Same route tyo dyan s baker street. Kso nsa pinas n ako hoping n maka balik s UK. Kudos syo kabayan.
Idol salamat! Ohh magkapitbahay lang pala clinic natin, Weymouth din ako nadaan parati. Sa my Harley St naman ako. Hopefully makabalik kadin soon dito 😊
Nakita ko vlogg mo while watching you tube in TV then i saw Barnet council sa bin mo, nung nag lakad ka sabi ko parang familiar yung nilakad mo ayun pala malapit ka lang sa amin, taga Colindale ako dun sa may McDonald.
Ngyon ko lang nakita comment mo dito bro, hehe. Oo sa way din ako ng McDonalds sa kabilang dulo nga lang. Di pa ako nagddrive, kakapasa lng din kc ng mrs ko ng license, para lang di sabay2 gastos. Sya kasi mas kailangan niya sa work kasi community nurse sya so nag ha house to house visits sila. Ako naman sa Central nagwwork so diko man dn magagamit tlg kung ako mauna mgka license
Hello po, unfortunately po wala po akong idea kung anong mga companies po ang shortstaffed ng mga carers. Join po kayo sa fb group na uk tier 2 visa and comment po kayo dun regarding this at for sure madami po tyong kabayan doon na makakatulong sainyo.
Kuya musta po uli ask po uli.. pag derick hire po ba ano po need na aasikasohin.... thank you po sa sagot... waiting po ng new vlog nyo ingat po kayo lagi..
Depende po sa profession na aaplayan niyo eh. Google nio po UK job shortage list then select niyo po yung sa website na gov . Uk check nio po doon yung mga work na iniisponsonsoran po para makapunta dito sa UK then I believe my mga requirements po doon.
Sir gud day po mga magkano tax at rent pano po sistema dyan sir sa New Zealand is 150 per week ang tax then 150 naman sa rent ng bahay o kwarto lang diyan po ba maganda ba ang government sir salamat ingat kayo dyan lagi sir…..god bless po
Income tax po ba tinatanong nio? Meron po akong video ng breakdown ng costs like rent ng bahay, bills ng utilities. Andyan po sa videos ko pacheck nalang po para mkita nio yung full costs 😊. With regards sa government, kasama napo sa binabayaran na tax yung schooling ng mga bata below 18 y/o at medical care under government.
@@akosiTuntun to be honest sir. I haven't gone back to UK ever since my dad passed. Kaya po I'm currently finding out if may available na work jan na ma accomodate po sana ako. No need na saakin nang sponsorship.
Kung citizen nadin naman po kayo dito madali nalang po kayo makahanap ng work dito. Apply2 lang po kayo sa mga websites like indeed, LinkedIn etc. Dina po kasi uso yung walkins ngayon eh, pasa lang po ng CV online then tatawagan po kayo para sa interview. Mas ok po kung my UK number kayo kasi kung wala mas less chance po kayo na ientertain ng employers.
Based sa mga nakakakwentuhan ko na engineer sa pinas na pumunta dito medyo challenging daw makahanap ng same line of work dito. I'm not sure if that's 100%. Pero marami namang work dito bro na kahit wala kang experience sa field na iyon eh tinatanggap parin nila. So asayo nalang talaga kung ok lang sayo mag change ng field. Pwede mo naman gawin is apply lng ng apply kahit ano work then pag my work kana, hanap kapadin ng gsto mo tlgng work atleast my pumapasok na income. Pero that's just me, iba iba naman tyo ng diskarte, yung iba tlgang inaantay nila ung gsto nilang work kahit mabakante ng ilang months.
Para po makapag apply as driver dito boss kailangan andito kana. Kung gusto nio po makapasok ng UK para magwork, kailangan nio po humanap ng sponsor para visahan kayo ng sa gayon eh makapag work ka dito legally. My list lang po ng work ang vinivisahan or iniisponsoran po dito, search nio lang po sa google skilled worker visa shortage occupations. Lalabas po dun yung mga iniisponsoran nila.
@@Konek2Ken Bus driver need nila ang alam ko sa ireland dun mas madali mk pag apply, need expirience lng tlga, You need to research what are the requirements.
Hello po sir any advice or suggestion po na maka kuha ng working visa po. Yong wife ko po ay HRM graduate may 4 yrs experience sa food service po or willing to work as waitress,receptionist and house keeping po. Sana matulungan nyo po kame..
Kung galing po ng pinas or ibang bansa, para po makapag work dito ng legal, kailangan po merong mag sponsor sainyo ng work visa. Punta po kayo sa google and search nio lang po UK shortage occupation list then piliin nio po yung galing sa gov . Uk then ayun po ang mga trabaho na iniisponsoran para makapunta rito.
Boss, google niyo po "shortage list gov . Uk" para malaman niyo yung mga kailangan nilang staff. As far as I know, yun ang mga pwede nilang bigyan ng certificate of sponsorship. Other than that, student visa ang pathway niyo para makapasok dito at makapag work legally while studying.
Kung tourist visa po, punta kayo sa gov . Uk website para mkita nio po mga requirements. Kung employment visa naman po, need nio po ng magssponsor na employer dito. Para po sa lists ng jobs na iniisponsoran nila, google nio lang po uk job shortage list, then kung andun ang trabaho na qualified ka, punta din po kayo sa gov . Uk para makita din ang requirements
Pag po walang sinisingil sainio. Usually po kung inisponsoran kayo ng company, sila po gagastos, like for example yung sponsorship visa ninyo, plane ticket, 1-3 months accomodation depending on the company (iba iba po kase per company). Sa case po namin nun, ang ginastos lang ng mrs ko is yung English test nia tsaka yung exam para maging nurse. The rest po, sinagot na ng company. Reimbursement nga lang. Pero wala kami binayaran na placement2 fees
Mas mahal bayad dito if ikaw May salary negosyo..gaya ng if you are PLUMBERS or skilled builder dito…Naku yon sahod nila ….daig mo p Dr s hingi sayo ng charges per hour..
Totoo po yan. Mahal po kasi mag pa kumpuni ng kung ano ano dito, yung coach po namin sa basketball ganyan ang trabaho. Hawak niya pa po ang oras niya, builder po sya ng kung anoano like namimintura ng walls, nagpapalitada, etc., Ang lakas po niya kumita kahit my edad na
Thank you po sir..meron pa po akong isang tanong,tungkol nmn po sa dependent visa,is it true po ba na hindi na makukuha nang mga health care diyan sa uk ang mga dependent nila?
May changes pong magaganap by April 2024 regarding diyan. Visit po kayo lagi sa gov . Uk kung sino mga tatamaan. Iba iba pa po kasi mga lumalabas na balita ngayon my ngssbi lahat ng healthcare my ngssbi care workers lang. Better po kung mismo sa gov . Uk site manggaling para official. Kaya ang payo po ng nakararami, kunin na dependents as early as now bago mag April 2024.
@@reylauresta3836 gona be poor ka dyan?di mo ba alam na ang laki laki ng kinikita ng mga nurses abroad o yong mga healthcare workers, baka ikapp ang very poor dyan hahahah
Madami po lakaran dito, especially kung nagcocomute ka kasi my mga designated na bus stops lang so need mopa maglakad from bus stop papunta talaga dun sa paroroonan mo. Pero ok naman maglakad dito kasi malamig, exercise nadin 😁
@@akosiTuntun ah okie po ty sa info. My sponsor kasi po ako jan. Hina hire po nila ako. Kya nanood po ako ng mga video about UK. Licky nkita ko po tong video nio
Yung kay mrs nun lods less than a month lang andyan na. Depende siguro sa company kung gaano sila kadesperate sa pagkuha ng staff. Nung time kasi na iyon kailangan na kailangan ng nurses eh kaya siguro mabilis.
Pwede kang mag follow up bro sa kausap mong tao, nung kay mrs nun very responsive naman sila, within the day my response agad sila pag may query. Hopefully lumabas na agad COS mo 😊
Yes po, madami pong hiring ng caregiver dito kasi madaming matanda dito. Di naman po kasi uso dito yung aalagaan sila ng mga anak nila gang sa pagtanda. Kaya usually po mag isa lang sila sa bahay nila okaya naman pinapasok po sila sa mga care home.
@@babybratkate1426 try niyo po inquire sa BMB International Recruitment search nio po sa FB. Di po ako affilated jan, may nag recommend lang din po nian dun sa isang fb group na sinalihan ko.
madali bang makapag ipon ng 1 million pesos sa London? my plan is to build a rental space and buildings sa Pinas in the future. Invest more sa lands and properties tsaka gold. Any thoughts? Curious lang for my game plan :)
good morning from London, suggestion: 'buy a big hammer' hit your head 'masakit' for a day, a week, or a year, but what your are planning 'SURE' will have negative impact, head ache for number of years maybe,, maybe yes for life. but the decision is your decision. God Bless and Hope God Luck, Manolo
Madali kung single ka, di ka magastos sa luho, kung marunong kang mgtipid, at kung wala kang sinusustentuhan sa pinas at pnaka importante, kung ngttrabaho ka sa UK. Mabilis na cguro ang 1 yr 6 months para maipon mo 1 million pesos pero todo ipon yan at walang luho.
hello sir mahirap po ba mag lipat lipat ng company dto sa Uk, what if may work nko tapos may mas maganda opportunity, gusto ko lumipat, sa saudi kasi d ganun kadali, salamat po sa response
Ano po ba ang visa ninyo? Under sponsorship visa po ba? If yes, kailangan nio po makahanap ng company ng magssponsor sainio bago kayo makalipat. Kung under dependent visa naman po, madali lang lumipat wala ka ng iintndihin na magssponsor sainio.
Hello po good evening, pwede po mag tanong? Si bf po kasi magleleave for vocation ng 2 months. So mandatory or required po ba na bayaran ko ang document leave nia para maaprobahan at makauwi? UK London po sya sa hospital din po ngwowork. Sana po may makapansin sa tanong ko😢🙏 thank you po
Hello, ano pong document leave ang minimean niyo? Yung OEC po ba? Kung main applicant po si BF nio, kailangan niya po ng OEC pabalik ng UK. Kung dependent po sya and naka under sya sa visa niyo, optional po ang OEC, kung my maipresent po sya ng OEC my babayaran nalang syang minimal travel tax but if not, need niya mag bayad ng full travel tax.
@@akosiTuntun hello sir salamat po sa pagsagot. I mean sir ung document po para makapag leave po sya. Magvivisit po kasi sya dito sa Philippines sir. Doon po sa email ang sabi po Doon need daw po na bayaran ung fee, so may fee pala bago aprubahan or I process ung leave po pala nia which is hindi ako aware Doon. Doctor surgeon po sya sa isang hospital po Dyan sir. So pa help po ako kung ganun po ba talaga or baka nascam na po. And one more sir naka freeze daw po ung bank account nia dahil doon. Kaya kailangan daw po bayaran ASAP.
@@akosiTuntun at hindi pa po sya citizen Doon. Maybe 2 to 3 years pa daw po bago sya making citizen.. Sir ask ko nga po, sabi din po nia hindi daw po uso ang cash jan.🤦♀️totoo po ba?
@@Loveyou-bj2gfhindi ko po alam sa policy nila ma'am. Pero ako po 2x nako umuwi this year wala po akong binayaran kamukha ng sinasabi ninyo. Hindi po uso ang cash dito puro po contactless or google pay or apple pay.
Meron lods pero hindi pa ako nakapunta sa isang farm dito kasi kadalasan ng mga bahay dito my apple trees sa bahay, like yung una nming tinirhan my apple tree sila so libre lang mansanas hehe
Nurse po pero wala po akong experience kasi nung time na naggraduate ako yun yung time na oversupply ng nurses at kahit magvolunteer ka to work for free para lang magka experience eh walang tumatanggap dahil sobrang dami ng nurses that time
Sayang ka brod kung Wala kang makuha lipat ka ng ibang territory or Siguro kailangan mo ng extra training program. Ako dumating ako ng US sinasabi sa akin ng Iba noon pasok ka muna sa Walmart para Pero pinilit ko na ma practice profession ko nakatulong sa akin ang additional training programs kaya 25 yrs na ako sa profession ko na tinapos ko sa Pinas. Payo ko brod stick to your profession. Maraming paraan dagdagan mo lang ng sakripisyo
@@nestorpanganiban3224 may full time work naman ako ngyon brod as a patient administrator. Bago lang din kami sa UK, 1 yr 6 months palang din, same lang din ang sahod ko ng level 1 nurse dito. Sa london kasi ang nakuha na work ng mrs ko, sya ang may working visa at kami naman ng mga bata ay under dependent visa. Di ko afford tumigil mag work at mag undergo ng training dahil tablado na isang sahod namin para lang sa bills, rent, food etc. Everything happens for a reason naman, wala din kami siguro dito kung hindi nangyare lahat ng nakaraan. Anyway salamat sa payo brod 😊
@@nestorpanganiban3224feeling mo madali…yan dito…sorry to say that..atleast s bro…May trabaho sya…dahil kung training pag-uusapan dito…mahal yon bayad…lalot n kung sapat lang s pamilya at bills tapos padala s pinas..ok lang sana kung single k…at padala mo s pinas 20k a months…but if mag upgrade k dito…mahal ang bayad…
@jhojomendoza7762 basta po walang hinihingi sainio na placement fee or something na kailangan bayaran legit po yan. Karamihan po dito na nag ssponsorship visa is ang company po ang gagastos para makapunta kayo dito.
Punta po kayo sa website ng UK. Gov . Uk po, then search niyo lang po VISA sa search box then andun na po instructions on how to apply including the requirements and fees.
Search niyo po sa google "work shortage list uk . gov" makikita niyo po dyan yung mga trabaho na naiisponsoran para makapag work dito. Kung wala po dyan, pwede po kayo mag student visa then mag work po part time.
Pwede po. Ako po under dependent visa sabay po kami ng mrs ko pumunta dito. Medyo mahirap lang po kasi humanap ng bahay dito kaya yung iba ang ginagawa nila is nauuna na yung main applicant kasi usually provided ng employer nila yung accomodation for 3 months, then hanap2 na ng bahay nun si main applicant para sa dependents. PS: hindi po pwede tumira dun yung dependent if ever isasabay niyo.
@@rugakeandrehanz9549 bali as soon as natanggap na ng mrs ko yung certificate of sponsorship niya, nag notice napo sya sa employer niya sa Dubai, then nag render ng 1 month tapos after more than a week but less than 2 weeks lng siguro umalis nakami
@@akosiTuntun ilan buwan po sya ng hintay po ng certificate galing sa employer nya po? Saka ilan buwan po bago makuha ang family.. thank you so much po... ingat po kayo lagi
Akala kc ng pinoy if mag abroad dito ganon ganon lang..tinatabo yon sahod…if malaki sahod mo..tagain k s tax,bills,mortgages lalot n tumaas yon bayad…etc etc…isa p if May anak k…iba…oo free medication dito but yon kaltas s sahod mo monthly malaki …hirap din dito mkpag set ng appointment…s Dr…hoping maibalik s dati....Pilipinas maghintay k…ok lang basta nasa hospital k n...ako ilan beses ako dinala emergency ng inatake ako asthma…halos d n ako mahingi hirap n hirap ako yon inhaler ko d n tumatalab…pumunta kmi emergency 4 am…nakita ko yon Dr 11 am…dahil dami test until final check up...mabuti dala ko p inhaler ko…ok lang...atleadt umuwi k ok
Tama po, kaya dapat po nililimitahan din ang pag overtime kasi babawiin lang po sa tax eh okaya naman po yung iba kong kilala ang ginagawa after mag work sa full time work nila, mgttrabaho pa sila ng cash on hand job para hindi matax. Kulang na kulang po kasi mga tauhan sa medical field eh, shortage po kasi sa nurses, health care assistant and doctor kaya ang tagal po ng tugon sa medical facility. Mababa din po kasi sahod ng medical staff dito kaya di mo masisi bakit my shortage.
You mean yung nagssponsor ba para makapunta kayo dito? If yes, google mo lang shortage occupation list UK then piliin mo lang yung galing gov . Uk na site para makita mo kung anong applicable sayo.
Asa pinas po ba kayo? Kung wala po kasi sa shortage list yung profession niyo hindi po kayo makakapagwork basta basta rito, kailangan po makahanap po muna kayo ng sponsor na magbibigay ng working visa sainyo. Kung andito napo kayo at under dependent visa kayo, kahit ano pong work pwede ninyong aplayan.