lupet mo idol sa dami dami kong pinanuod sa youtube itong video mo lang ang nakasagot sa mga tanong ko, simple yet very informative. Thank you for sharing your knowledge!!
nice nacomfirm ko lng un sa b2 block ko lose power na pag mainit di na kaya ng second gear un apat na pasahero ko kumakalangsing ng un block sa paahon tnx
tanong lng pops pag po natakbu na ang motor ko minsan pag tigil ko or trafic na kaya naka tigil or minor bigla na osok at pag nag takbu na ulit nawawala na ang usok minsan lng nmn lalo na kung bagung change oil
depende parin yata sa kulay ng usok boss, may tatlong klase ng kulay ng usok para malaman ang problema ng motor,. kakaiba kasi experience ko sa motor ko umuusok sya ng kulay itim lalo sa umaga kapag bagong paandar ko palang then may kaibigan akong nakapagsabi na baka mali lang daw tono ng motor ko maaring mas maraming gas na hinihigop ang karborador ko kaya hindi lahat nasusunog kaya ang ginawa ko tinignan ko spark plug ko nakita ko sobrang itim ng sunog kaya tinono ko sya at nag sparkplug reading ako, ayun nawala yung usok nya na maitim dun ko nalaman na pag rich pala ang motor mo maguusok pala sya ng kulay itim
Maraming salamat po lods. Very informative po yong tutorial nyo. Tanong ko lang po, yong piston ng motor ko, umaalog na sa cylinder wall nya, tas umousok kulay puti, uk lang po ba piston saka piston rings ang papalitan ko? Xrm po motor ko lods. Salamat po..🙏
Paps yung honda click 150i ko po parang malakas mag bawas ng langis wla nman usok wla din link tinignan ko po yung dulo ng tambutso medyo malagkit dun kya dumadaan yung langis... may nag sabi nman po bka po sa brand ng langis hindi tama.
Normal po magbawas ng langis kaibigan. Ang tanong po e gano karami nababawas na langis sa gano katagal na panhon. Kahit sa stock na makina ng mio o kahit na anong motor ,pag nagkarga ka ng 800ml na langis sa next change oil niyo e impossible na makuha niyo ang 800 ml sa oil pan niyo.Katagalan po kasi kapag ginagamit natin ang ating motor specialy kung long ride ay paniguradong mag babawas ng kaunti ang ating langis dahil sa extreme temperature nag eevaporate po ang langis natin. Pwede din pong valve seal ang rason, piston rings, leak sa mga gasket pero kung wala naman usok e ligtas ka sa mga ito. Yan po kadalasan ng mga rason kung bakit.Try mo gumamit ng much higher viscosity na langis kagaya ng 20w30 pataas dahil mababawasan nito ang evaporation sa high temperature. Sana po makatulong kaibigan.👍👍👍
sir normal lang po ba sa motor ko raider 150 carb...pag bagong bukas po sya sa umaga o di kaya sa hapon (matagal nakapatay) malakas po usok nya na amoy gasolina pero pag mainit na po sya nawawala naman po...may tama na po kaya ang pistong ring ko o valve seal po? sana po masagot salamat po
Salamat sa info sir. tanong q lang po yung binili qng 2nd hand na motor pina tune up q at linis carb, pag start ng makina wla naman usok at kapag pinihit yung throttle wala naman usok kapag tinotodo nya na pag pihit may usok na puti lumalabas normal po ba yun boss? Sbe nya pa rebor q daw 3k
Tanong ko lng boss unang andar sa motor ko wala pang usok mga 30 second uusok cya....pag uminit na ang makina mawala na cya...taz may lumagapak sa loob pag binirit..o di kaya pison pin yun..salamat sa tanong boss..
Sana mapansin po. Bagong palit po ang block ko pero yung dati pa rin ang piston at piston ring. After 2 weeks umuusok sa exhaust pipe pag nirerev. Ano po kayang problema?
Ganyan nangyare sakin sa aerox ko v2, nagsunog na sya ng oil dyan sa block, nagdikit dikit block,piston gasket, gumastos ako 8k , ang sakit sa bulsa. bakit kaya nagka ganun idol 😭 bakit nag ganun ang oil nag kalat ? alaga naman sa change oil kada 1k odo, sana masagot
Pag nag rebore ba at change ng malaki na piston mag change din na tayo ng carb at mga valve? O ano pa dapat e change pag nag change ng bore size na mas malaki at piston boss?
happy new year lodz tabung ko lng..gnyan na kc sakit ng ls 135 ko..ask ko lng pd ba ako mag palit ng block na ns 150..hndi ba nka ipekto sa ibang parts ng motor..tanz lodz god bless
Gud pm sir.bakit po nagkakaroon ng gasgas piston ko sa magkabilang side at ung black po.pinalitan kuna ganon parin na usok parin salamat po.bago lang po ako salamat.
Sir tanong...normal lang ba pag may usok na puti pagstart ng motor sa umaga tsaka pag nabasa ang motor? Konting usok lang na minipis then mawawala din naman agad sya
Sana ma notice paps. Grabe kasi lagutok ng click125 ko. Cvt cleaning nako, palit slide piece, palit bola. Pero ganun padin lagutok. Sabi mekaniko ko piston nadaw e wala naman usok motor ko paps kahit maliit na usok na puti wala naman luma labas. Ano kaya pusibleng dahilan?
Boss , bakit kaya humina hatak ng motor ko? Nag pa refresh lang ako before nag palit ako ng piston ring lang. Tapos yun pa din yung piston na gamit ko stock pero humina ang hatak , wala naman usok boss yung motor ko mahina lang talaga humatak nawala ang power niya , sana masagot boss salamat po godbless
Sir dapat ba kapag pinasok yung piston sa block na walang piston rings e dspat walang kalog o makikitang liwanag sa pagitan ng cylinder wall at piston?
Paps tanong lang po, pag nag change po ba ng piston ring na standard size, standard size parin po ba ang ipapalit o 0.25 na, sana po masagot,, salamat paps sa mga video mo to..👏👏👏👏👏
Good day kaibigan usually kasi pag loss compression piston, piston ring and cylnder ang maaaring may problema pero ipa check mo na muna ang valves mo dahil kuminsan isa rin sa dahilan ng loss compression ay may singaw ang iyong valve, yun lang kaibigan sana naka tulong ako sayo👍👍👍
Boss pasagot, may kunting usok na lumabas pag nasa high rev na ako, normal lang po ba yun? Ano po pwede palitan? Naka pag palit na ako ng valve seal na lessen ang usok po.
idol yung sakin Sniper150 nag palit ako ng Uma back pressure na pipe.. mag malaki kunti sa stock pipe. napansin ko umusok siya kapag binomba.. tiningnan ko ang sparkplug wala namang langis. hidi rin bumubuga ng langis yung duli ng tambutso. brandnew po yung pipe. salamat po..
kaibigan .try mo ibalik yung dati mong pipe ,kung nawala yung usok e maaaring sa bagong pipe mo lang ang dahilan kaya nakka kita ka ng usok, lalo nat wala ka namang nakitang langis sa spark plug mo. Kung sakaling sa pipe lang ang problema e oks lang yan, mawawala rin yan katagalan Yun lang kaibigan maraming salamat😁👍
Binaha po ung motor namin. 4 na beses na po namin pinaayos. Pinapalitan n stator, nilinis na carburador fuel filter, air filter, at tangke. Pinalitan na CDI at pinacheck na wirings pero tumitirik at namamatay sya tapos after 10 mins aandar ulit. Piston na po ba sira nito?
Kung may usok ang motor nyo e maaaring piston ring na nga ang problema...ngunit kung wala naman e maaaring nasa electrical parin ang problema kaibigan...maaaring may problema na ang ignition coil dahil nga eto ay nababad, kapag may problema kasi ang ignition coil e kuminsan ay nawawala ang kuryente para sa spark plug.nangyari na kasi sakin yan dati at talagang namroblema ako .Napakaraming maaaring dahilan at napaka komplekado talaga nyan kaibigan kaya mas maging mapili ka sa mekanikong papagawaan mo.Yun lang kaibigan sana maayus na ang motor mo👍👍👍👍
Gd day sir idol, tanung ko lng tungkol sa motor Kong Honda wave R100, kc hard starting napo cya medyo may usok narin na lumalabas pero ilan minuto kkunti nlng, anu kaya posibling palitan nito, SALAMUCH sa iyong Sagot &gdblss
check nyo spark plug nyo kaibigan ,kung sakaling maitim at basa ng langis maaaring kailangan nyo na palitan oil seal nyo.Maaari kasi na hard starting na yang motor mo dahil oil fouled na yung spark plug mo(Nag susunog ng langis) at maaaring dahil din don kaya nag uusok ang iyong motor.👍👍👍
Naku kaibigan maaaring na damage ang thread ng spark plug hole mo... try mo muna linisan at kung sobrang sikip parin e ikunsulta na sa mapag kakatiwalaang mekaniko....Napaka hirap pag na loose tthread yan kaibigan kaya ingat👍👍👍
Pa notice po idol yo g sakit motmot po umousok chaka kumakain nga nag oil ano po ba palitan jan piston ring lng ba o kay langan eh rebor salamat sa sagot goodbless u po new subcriber po
sir panu nmn pag sa 2 stroke anu mga signs if anu need palitan? skin kasi ok nmn usok sakto lng kasi may 2T at ndi mabaho usok. pero naririnig ko kasi ung kalatik ng ring
Di ako masyadong eksperto sa two stroke kaibigan pero sa ganyang sitwasyon , malalaman natin kung may problema n sa cylinder block kapag nag babawas na ng engine oil ang iyong makina, kaya naman kung may napapansin ka nang kakaiba sa iyong makina e lagi mo nang i monitor ang level ng langis mo👍👍👍
Ask lng paps tungkol sa condition ng motmot ko. So far wala naman usok, Malakas pa rin manakbo pero medyo-medyo tumakaw ng unti sa gas nung nag palaki ako ng elbow (mas lalong lumakas hatak). Then nakita nung isang mekaniko ko nung dri-nay na ung oil may nakita siyang nakahalo sa oil na parang natunaw na silver... Pls notice me paps thank u
Kadalasan nang gagaling ang mga aluminum o metal resedue na nakikita natin sa ating langis mula sa mga pyesa sa loob ng makina na nagsisimula nang ma worn out, kagaya nalang ng piston ,cilynder wall at bearings o di kaya naman ay may dalawang aluminum parts na nag kikis-kisan sa loob ng iyong makina.Sa ganitong sitwasyon mabuting wag nalang munang ipa bukas ang loob ng iyong makina kung wala pa naman itong masamang epekto sa takbo,performance ,durability at tunog ng ating makina.Kung sakaling meron man ay doon mulang maaaring ipabukas ang iyong makina para mai check ang mga pyesa nito sa loob.Sa halip mas pag tuonan natin ang pag papalit ng langis sa tamang oras para maiwasan ang mga pangyayaring ito👍👍👍👍
sir tanong lang po. hnd namn mausok motor ko. pero pag hawak ko sa tambusto maitim na parang langis. tapos laging pundi sparkplug ko. tapos sabe ng mekaniko. palitin na daw block ko. ano pong advice nyobsir
sir pansinin nyo po ko. tagal ko na pong problema sa wave ko yan. laki na po ng gastos ko. bumili na ko replacement carb. nakakailan sparkplug na po ako. at ilan mekaniko na gumagawa. hanggang ngayon ganun pa den po. ano ba talaga problema bakit ganun?😥😥
pasensya ka na at ngayun ko lang masasagot kaibigan...kadalasan sa ganyang sitwasyon may problema na talaga ang block mo kasama ang piston at piston ring...pag ang engine block kasi ang may problema ay hindi ntin napapansin ang usok ng ating motor (hindi kagaya ng sirang valve seal na grabe ang nagagawang usok) kadalasan may usok pero mahina lamang at hindi nappansin ,mapapansin nalamang natin na ag lalangis na ang ating tambutso at bukod don ay nangingitim na may langis ang ating spark plug. Sa ganyang sitwasyon marapat lamang na mai top overhaul ang iyong motor yun lang kaibigan .pasensya na at ngayun ko lang nasagot at maraming salmt👍👍👍👍👍
ask kolang po sir, ok lang poba na piston ring lang ang papalitan kasi mausok na, atsabi ng mechanic sakin kahit daw wag na palitan ang piston nya ok panaman daw kasi stock piston, bale piston ring lang ang pinalitan, ok lang po ba yun sir? salamat
oo namn kaibigan,kahit ako ganun din ginagawa ko....may limitasyon kasi ang piston at kung di pa nman naaabot ito e pwede pa naman sya gamitin.👍👍👍mas nauuna kasi talaga ma worn out ang piston ring kaya kadalasan mas nauuna itong palitan
Wala namn halos dis advantage kaibigan, may mga nag sasabing lalakas daw sa gas, mag iinit daw ng husto ang makina at ninipis daw ang cylinder wall pero sa totoo lang ay halos wala naman masyadong masamang epekto. Kung lalakas man sa gas e di namn halata , di rin naman ganun kalaki ang naidadagdag sa init ng makina at kahit na nilakihan ang bore nya e di rin naman ito ninipis ng husto dahil naka desenyo talaga ang block natin para irebore sahalip e gaganda pa ang hatak ng motor at mas lalakas....yun lang kaibigan😁
Gud day sir. Ask ko po sana kung ano prob ng sniper150 ko. Wala sya usok pag takbong 40 60 lng at idle. Pag manakbo ako ng 100 plus, nag uusok sya ng tuluyan at mdjo mabaho ang amoy. Pero pag after mga 1hour pahinga, andarin ulit ung motor wala na usok. Bakit kaya? Chamba ko lang pinapatakbo ng 100 c sniper ko sir. Mostly kc hatid sundo lng naman tapos city dribe lang lagi kaya takbong 40 60 lang po.
Pero one time din sir sinubukan ko sya patakbuhin ng malakas at mdjo malayo, hnd na siya umuusok pero ung tip ng muffler madali mangitim lc before ako umalis, ni trapuhan ko ung muffler tip para i observe. Madali sya mangitim na parang carbon at mdyo moist ng kontimg konti.
Good day kaibigan...pasensya na at ngayun lang kita masasagot....usally kasi ay mas malakas ang usok kapag sira ang ating valve seal dahil may oil entering sa bawat intake and exhause na pumapasok mula sa ating valve guide, samantalang kapag ang ating piston/ piston ring naman ang may problema ay madalas na walang masyadong usok at sa high RPM lamang nag uusok o kundi naman e nag babawas ng langis kahit wala namang nakikitang usok(maliban lang sa mga naka higa ang engine block)....Last time may inayus kami 400cc single cylinder classic bike ,umaalog na ang kanyang piston ngunit dahil tama ang pag kaka kabit ng piston ring ay di nag uusok ang kanyang motor. Kagaya mo tuwing nasa high RPM lamang sya nag uusok ngunit kapag banayad ang kanyang takbo ay hindi ito nag uusok....Ganun pa man ,mapa oil seal o sa piston ring ang sira e nararapat na palitan mo na ito parehas dahil alin man dito ang sira ay magbubukas ka parin ng iyong ibabaw kaya mas maganda nang palitan lahat ng maaaring palitan lalo na ang mga kinakailangan.😁👍👍👍
Boss problema ko sa motor ko mukang andito yun sagot pag galing sya ng high rpm tska lang sya nag uusok boss pano naman kung wari pag rebore ba need pa mag taas ng carb
Pwede mo parin naman gamitin ang stock carb mo kaibigan ,wala naman itong magiging problema. Pero syempre naka depende na yan sayo kung gusto mo pang mas palakasin ang iyong motor.👍👍👍
Madalas kaya lang po nag iinit ang makina natin pag may tama ang bore ay dahil nag uusok na po ito at nababawasan ng langis ,kaya naman umiinit na ang makina nya. Pero kung tama parin ang dami ng langis nya , kahit nag uusok at may tama na ang bore ay hindi parin mag iinit ng sobra ang ating makina👍👍👍