Natatakot ka ba minsan sa mga bagay-bagay, tao at sitwasyon sa buhay mo. Madalas tinatanong mo sarili mo, nagdududa ka na kung tama ka pa ba at palaging pinaparamdam na mali ka at tama sila. Minsan ba hindi mo na kilala ang sarili mo kumpara nuon sa ngayon?
Minsan epekto ito ng pagmamanipula ng tao sa buhay natin na hindi natin alam, maaaring magulang, anak, kapatid, kaibigan, katrabaho, kasintahan o asawa.
Minsan ba nangliliit ka sa ginagawa nila o napapasunod ka nila dahil masyado kang mabait, maunawain, mapagbigay at mapagmahal.
Madalas epekto ang takot ng pa "guilty" o pagkokondisyon sa atin ng iba. Tayo ang laging mali at kahit kailan hindi sila umaamin ng kamalian at ibabato sa atin. Hindi sila nagpapatalo palagi silang tama.
Pa "victim" minsan ang ginagawa sa iyo at napapaisip ka na baka nga ikaw ang mali at nagkukulang.
Kapatid, nawa'y patnubayan ka na Diyos Espiritu Santo at maliwanagan ang isip mo, sa pangalan ng Panginoong Hesus, Amen.
Madalas nasa ganto tayong relasyon dahil inaasahan mong magbabago sila hanggang ikaw na ang nababago. Mahirap kung hindi mo maiwasan dahil miyembro ng pamilya o malapit na kaibigan, o "in laws" kailangan mong dumistansiya para sa ikabubuti ng isipan mo.
Kapatid, halina't ipanalangin natin 'yan at angkinin ang pagmamahal at magagawa ng Panginoon sa buhay natin. Huwag tayo magupo o paalipin sa takot, pagkokontrol ng ibang tao o sitwasyon ng buhay kung nasaan ka ngayon.
Mga Bible Scripture | Talata sa Bibliya
Isaias 41:10-16
Mga Awit 27:1
Mga Taga-Galacia 3:26
Juan 1:12-13
Mateo 5:15-16
Mga Kawikaan 2:5-13
Mga Kawikaan 9:10
#mabisangpanalanginsatakot
#panalanginparamakawalasatakot
#mabisangpanalanginparasatakot
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#huwag magpakontrolsatao
#narcissist
#panalanginparasakasamangnarcissist
Credits:
Para sa background videos
www.pexels.com/videos/
Para sa background music
• Relaxing Music for Sle...
Mood Videos - Creative Background Music
28 апр 2021