Ako po'y bente anyos ngunit mahilig akong makinig sa mga ganitong uri ng musika 'di tulad ng mga ka-edad ko kaya tawag nila sa akin ay isang lumang tao. Ngunit, ako'y hindi nahihiya sapagkat ipinagmamalaki ko ang ating kultura at kasaysayan. Ang nakakalungkot pakinggan, wala nang masyadong kabataan tulad ko na tumatangkilik o nagbibigay halaga sa ating kultura at kasaysayan at dahan-dahan na itong nawawala. Mabuhay po kayo, Ginoong Aguilar! Pagpalain nawa kayo ng Maykapal.
nakakatuwa sa puso na ang tulay ng Musika ay pinagtagpo ang iyong henerasyon at ang henerasyon ni Mang Felipe.. kagiliw-giliw na musika bakas sa mukha niya ang labis na pag-ibig sa sining ng pag-awit .. salamat muli,maestro