naalala ko tuloy mga siklista noong bata ko.Marlboro tour 90's . renato dolosa carlo guieb placido valdez victor espiritu arnel quirimit etc... salute&respect to the Filipino cyclist legend.. mabuhay kyo mga sir.👋👋👋 Cycling is life🇵🇭🚴❤️👍
Magandang aŕaw mga idol,naalala ko pa noon sa radio lang ako nakikinig sa karera nyo dito sa davao,thru DZRH sa pamamagitan ni Earl "the pearl"Sapilino.paborito kung seklista si Manuel Buenaventura.
Nice interview po. You're one of my favorite cyclists during my teenage years. Nangarap din po akong maging siklista pero hindi niloob ng nasa itaas. Salamat po sa naibahagi niyong mga karanasan bilang isang malakas at matalinong siklista.
Buhay siklista. Kontra kami Sayo noon idol Kasi maka Carlo guieb kami. Ang Ganda Ng interview mo salamat sa mga payo mo sa mga bagong siklista.. Ang Ganda Ng Marlboro tour stories. Sana Meron ka pang stories sa Marlboro tour.. talagang champion ka.
Si carlo guieb ang idol ko non pero aminado ako na napakalakas mo kaya hanga ako sau kau nina placido valdez rolito mandi ng Gerona tarlac, sana interviewhin din ninyo si carlo guieb
Ang naalala ko dito kay Renato na aking kababayan , ay ang lap from Sorsogon to Naga, Pag start pa lang kumambyo agad sa high gear sa zigzag ng Sorsogon Legaspi. Iniwanan nya lahat ng alikabok, mga 30mins yata. Im not sure padi Renato.
Naalaala ko pa ang pagkapanalo ng lap ni Dolosa sa amin sa Leyte, ng kalbong si Rolando Pagnanawon, mga laps na paakyat kagaya ng sa Baguio ni Carlo Guieb, ng maraming napanalunang laps ni Gerry Igos at yung pagligo sa ilog kasama ang mga bike nina Placido Valdez, katatapos lang ata ng lap at ayon sumisid na sa ilog, di yata sila napapasma habang nag-iikot pa ang kanilang dugo, ewan.
Nong time sa Tacloban andon ako sa FL ng tumawid si Renato . . . Sabi ng commentator gaano kalayo ang agwat sabi niya aywan ko medyo malayo din daw. . .
Naalala ko yong ancle ko si herminio Dispolon nag eliminate sa mariboro tour sa naga nakapasok naman siya sa top ang pagkakaalam ko nakasama nya pa si idol dolosa
Oo si Ferdimar Etrata. Anak ni Samson Etrata. Taga Binalonan, Pangasinan. 2014, nakapunta ako ng Kodiak, Alaska at nag work sa isang kanarya. Habang nag tratrabaho may isang katrabaho akong taga Binalonan at naikwento ko yong isang siklesta na pangalan ay Ferdimar Etrata na bigla na lang nawala. Natawa sya at sinabi na sya yon. Naroon na pala pamilya nya mula 1995 yata.😊
hindi isang Milyon napanalunan kundi daewoo at 450k sabi ni Igos ibenta daw ung daewoo na car at balatohan sila. Depensa ni Dolosa hindi sya tinulungan ng mga team mate. the nxt 1996 hindi pa nagsisimula ang tour may lamat na agad ang Southern Luzon Team nawala sa kontensyon at kanya kanya na silang diskarte