Koro: Purihin at ipagdangal si Hesus na Poong Mahal na sa atin ay humirang upang tanan ay paglingkuran sa hanay ng kaparian 1. Iniibig niya tayo at pinalaya sa'ting mga sala ginawa niya tayong 'sang liping naglilingkod sa Diyos Ama bilang mga saserdote. (Koro) 2. Anak ng Tao'y dumating paglilingkod ang siyang layunin hindi para mang-alipin kundi upang maihain ang kanyang buhay sa atin. (Koro) 3. Sinabi ni Hesukristo 'Di ninyo pinili ako kundi hinirang ko kayo upang kayo ay humayo magsipamungang totoo' (Koro) 4. Wika ni Pedro kay Hesus 'Kayo ang Kristo, Anak ng Diyos' Si Hesus nama'y sumagot 'Ikaw ay Pedro, batong subok saligan ng Bayan ng Diyos' (Koro)