Ang periodic maintenance guidelines sa owner's manual ay ang MINIMUM required interval para pumasok sa manufacturer's warranty. Hindi ito ibig sabihin na ito ang optimal na interval para tumagal ang sasakyan niyo; ito lamang ay para maging maayos ang sasakyan niyo WITHIN warranty period. Kung gusto niyo mas tumagal pa lalo ang sasakyan niyo, nasa inyong pagkukusa kung gusto niyong iklian ang service interval ng sasakyan niyo
Nabili ko motor ko way back 2015, daily use siya noon from Baguio to La Union and change oil ko is every 2500-3000 kms. Come 2020 So far walang problema at till now nagagamit ko pa rin pero bahay to palengke na lang. Siguro knowing the capacity of your Motorcycle plays a big factor din pagdating sa magiging life span ng motor.
Discretion pa rin mg mayari ng motor kung kelan xa dapat mag change oil, pera nya ang gagastusin nya at diskarte na lang talaga ang mangingibabaw. Kung every 1k-1.5k km change oil, fine! Kung every 2k-3k km wala ding problema! Kung every month or every year, go! Nasa sayo yan brader. Basta ang mahalaga marunong ka mag check ng oil dipstick once & awhile or bago sumabak sa long ride. Pag sobrang itim na or wala na sa level ang oil sa dipstick, abay kelangan mo na siguro mag change oil regardless ng mileage or buwan na itinagal ng langis mo.
Nasa manual yung users guide, basahin para malaman. Yung ginagawa ng iba na FI cleaning at “engine refresh” wala sa manual. Sundin lang basic maintenance as per manual ng motor, kaya si mio mxi 125 ko 2013 model, malapit na mag 10 years goods parin, walang fi cleaning, walang engine refresh, every to 3,800 km change oil ng yamalube.
adv 150 ko nag 2yrs march 8 with 37k odo, 2.5k-3k change oil, average speed 40-60kph lng, service araw2x almost 90km back n forth,, gamit ko castrol semi synthetic scooter oil...so far goods naman...need ko na magpa tune up at throtlle body cleaning (first time) kc medyo mataas na tinakbo..
Para sakin depende po ata sa oil at depende rin ata sa driving habit. Kahit sabihin mong fully synthetic tapos daily use yong gamit mo sa motor. At nakalagay rin sa ibang oil kung ilang kilometers bago mag change oil
Manual check talaga ang the best. secondary na yung months and odo. Unhealthy din naman sa environment na change oil ka palagi e hindi pa naman need. (oil waste and oil supply)
Sakin nagbebase aq sa feel.. Pagbili ko sa isang brand ng langis 1k plang magaspang na ang makina so palit. Pili aq ng ibang brand 2k makinis pa aydi dun na tayu😂. Spoiler alert MOTUL ung oil na makinis pa umandar khit mataas na mileage😉😉.. Maganda tlga
Pinaka problema po tlga maraming Tao na mas magaling pa sa User Manual 😅 Ps. Base on my own Experience Di maganda mga Langis ni Yamaha at mas mabilis xang umitim compared sa ibang brand ng langis
weekly visual check ng oil level at quality, then decide when to change oil. for maximum interval, follow user manual guide. meron ako beat carb 2010 1st 1000km changed oil, after that every year na..for 13yrs so far so good ang engine..btw odo rdg now is 45k: 4x air filter replaced; 1x flyball, belt, clutch lining replaced...yon lang
Kahit every 2500km kung araw araw ginagamit or 5000kms kung every weekends lang ang gamit basta fully synthetic oil at hindi mbabawasan ang oil ng makina mo. Kya dapat naka monitor ka sa oil level ng motor mo.
Ginagawa ko sa mc ko after bumakbak sa ride (uphill,downhill solid engine brake) 900 or 1k baba langis agad, which is manual tranny ako ung pinudpod ng clutch lining nakikita ko doon sa lalagyan ng filter prang manipis na buhangin. Pero kung city drive lang naman minsan abot ng 1300 or 1400 bago change oil. 2010 shogun pro FL125 never pa na overhaul(refresh) stock lahat(pati clutch lining hndi pa napalitan) Shell ax7 to motul user. Share lang po 😊
Syempre, may Marketing strategy minsan iniisip din ng mga companya na pagkatapos ng warranty sirain na para makabili uli ng piyesa or makabili ng bagong unit
Ako sinusunod ko ang naka set ma alarm flashing sa dashboard ng nmax ko v2.1,every 4k sya nag biblinking..saka ako nagtechange oil.2 yrs na sya mahigit ngayon.
Every 3k-4k na po ako sa Smash, nabasa ko kc sa manual... e-manual nasa Google.. Dati every 1k to 1500km, depende din yan sa oil kung fully synthetic, semi synthetic, at yung isa. Alagaan lang ng change oil, yun lang masabi ko. Kc kung pasobrahan sa limit ng nakasaad kung kelan dapat magchange oil, di rin maganda. Every 3k km pwd na nga, wag na lang gawing exact 4k km.
Para sa akin wag natin sundin lahat ng nakasulat sa owner' manual, gawin lang natin basehan mga nakasulat dun..ang sundin natin ay yung kung ano ang nangyayari sa actual na paggamit natin ng motor..matuto lang dapat tayo magcheck ng langis ng motor natin kung ok pa ba para mapahaba buhay ng mga makina natin..
Every 5k kilometers ako nagpapalit ng oil. Di rin naman ako bumabyahe ng malayo kasi pang deliver lang tong motor ko, short distance lang ang byahe. 2-5kms lang. 40kph ang takbo.
every 1500 ako, skydrive, delo gold langis, 75km daily home to work. average speed 80 pataas....pag nabyahe naman sa bicol palit agad hehehe...mas ok na yun, preventive is better than cure
Dapat masipag ka talaga sa lahat ng bagay, Masipag ka mag check ng oil level, masipag ka makiramdam sa motor mo, masipag ka mag change oil kaya wlang motor na masisira. Sa madaling sabi Well Maintained ang motor mo.
1,500 km ang interval ko sa tmx 155 pangpasada batakan din kc takbo para hwag malagpasan sa pila ng byahe 2005 model ang motar so far ayus o tahimik parin makina, pertua oil ang gamit ko.
@@tongchidiymotofix2716 everday kc lods hindi baba sa 80 km ang tinatakbo sa isang araw na pasada batakan pa patakbo nun kaya minsan nasa 14 to 15 days lng change oil na dahil narereach na un 1,500 km.. marami.narin ako natry na langis sa tmx 155 ko ang pasok sa gusto ko performance na oil is kawasaki green at pertua. kapag ito ang oil na gamit ko kahit sobra haba ng byahe at trapik hindi stress ang clutch ng tmx 55 ko pero sa iba oil bahagya kalng matrapic stress na ang clutch ng tmx 155 so far kahinaan naman talaga ng tmx 155 un trapic pero kung ang gamit mo oil is pertua or kawasaki green hindi stress ang clutch ng tmx 155 yan ang experience sa dami ng langis na gamit ko lods.
ah basta sa akin, inaabot pa nga minsan ng 4k mileage bago mag chens owel, wa naman problema.. everyday use ako.. 50kms kda araw byahe.. honda gold gmit ko sa rs150 ko.. so far wala naman problema 139k odo na motor ko
Every 2000km ako nag change oil at every 3months if di makaabot ng 2000km normal driving lang naman minsan birit minsan chill ride lang at hindi naman araw2 nagagamit motor ko Motul na oil gamit ko at raider 150 carb type yung motor ko 1year at 2moths na goods din naman wala ako naging problema.
Gudpm. Sir my tanong po aq. Mio gear po motor ko.. sabi po sa casa ay dapat mka 500klmtr takbo o bsta 1mo. Na pa change oil na dw po.. bago po motor ko maganda po aq hatak wlang problima po nuong 1mo. Na xa pina change oil kna po sa casa..ung tagbo nya po 365 plng po.. nang umuwi po aq galing casa palyado na po ung motor ko lagi nlng po namatayan!😢😢 Anu po kea dahilan salmat po
Honda Click every 6000 kms ang maximum change oil interval, ginagawa ko half-way every 3099 kms ako nagpapalit ng langis. Ang gamit ko naman na langis ay Repsol Matic Sintetico MB 10W-30 (new name Repsol Smarter 10W-30).
@@Bongkeetu ok yung performance sa 3K change interval pang 10 ko na itong gamit wala naman problema sa mc ko di rin nagbabawas. Basta ang gawa ko consistent na 3K odoreading palit na. Actually kayang kaya niya yung 5K pero sa safe ako 3K.
Mararamdaman nyo naman yan kung nagbabago na andar ng motor ninyo. Medyo weird pakinggan pero kung on touch ka sa motor mo malalaman mo agad may iba na, tulad ko 1000-1500k takbo ng oil malalaman mo na nag bago na performance.
Sa honda click and beat fi ko umaabot ng 5000 to 6000 kms bago nag iiba takbo kunti so change oil ko agad to avoid problems . Petron 4t fully synthetic scooter oil gamit ko lagi kc pag Honda fully synthetic scooter oil, 1500 kms need to change oil agad, dina smooth
Every 900km ako nagpapalit or less or every 700 km+ na long ride. Mio sporty 2017 motmot ko pino parin tunog makina at walang major issue ever since na nabili ko to. Mura lang langis kaya wag mag tipid
Cguro po ang maganda gawin, ay mgkaroon po kau ng change oil CHALENGE vlog, kasi pti po ako nahihiwagaan s topic n yan.. idol bka po pwede nyo itry gawin ang 4000km change oil chalenge. Para once and for all magkaroon ng actual n vlog s topic na yan.. kasi halos lahat nang vlog at review na makikita sa youtube sa pilipinas ay 1000-1500 km ang recommended oil change.. t.y.
Every 4k km change oil 3 balikan cam sur to Metro manila 450km. Walang problem sa makina. Kalokohan lang yung mga nagdadahilan na masmura ang langis kaysa sa makina kaya dapat mag change oil every 1k km
Sken sa honda beat q may time ngbabawas may time hndi kasi nga dpende sa driving condition khit anu pa langis gamit mo.ngbabawas sya commonly pgka niraratrat q or pgka longride.pgka service lng bahay to work mbgal lng nmn patakbo q.fully syntetic gamit q langis 3k palit n aq langis mga 3weeks-1month lng 3k na odo gamit n gamit kasi. Tyaka yung langis nilalagay q sobra ng kunti 700 mL lng dpt pero 750 nilalagay q sinusobrahan q at lage aq nka monitor kada change oil sinusukat q pitsel na may mL indicator if ngbabawas sya ng mdmi or ndi.tyaka tip q sa inyu pgka panay na ang bawas or mdmi na nababawas langis motor nyu kada change oil nyu may tama na mkina or yung oil seal ng mkina or bka tamad kau change oil kya natuyuan na😂
Share ko lang experience ko mga lods, gusto ko sanang sagarin ang 4k oil change interval ng tmx ko kaso 2500km palang matigas na ang pag pasok ng kambyo kaya every 2000km nalang ako mag chechange oil.
Hindi aabot ang Honda XRM 110 ko ng 23 years of service, gamit ang rule of thumb ko na every 1000-1500kms change oil. Hindi po ako walwal magdrive. Hindi ako sumusonod sa manual. Ano ba yung 200-300Php na engine oil kung magpapahaba sa buhay ng motorsiklo mo? Maliban lang kung mayaman na mayaman na kada linggo bili ka ng bili ng motorsiklo hala sige walwal to the max hanggang sasabog ang makina ng motor mo okay lang yan kasi mayaman na mayaman ka. Pero kadalasan sa amin na meets our needs lang eh talagang alagaan mo talaga ang motorsiklo mo.
Noong mga taong 60’s 70s at 80s. Nasa manual din ng motor na kailangang magpalit ng engine oil pag 5000 kms na. At masasabi ko na ang mga motor noon ay inaabot ng 25 to 35 years. Pang tricycle pa yun. Ang dami kasing mekaniko ngayon na kailangang kumita para sa pamilya kaya nauso yung paagahan ng change oil.
4k to 5k km ako nagche change oil More bili more benta, sa lolo more than 50 years na ginagawa niya sa motor na 4-5k km din mag palit, akin 5 years na mahigit tumatakbo pa rin ng parang bago
Sinusunod ko nmn yng 4k odo pro gingwa ko ay every week ay tinicheck ko ung oil level ng click ko at kpg bumaba n ang oil sa normal level ny ay dinadagdagan ko. 4 years ko ng gingwa ito pro wla nmn akong naging problma.
Ako every 7000km na after ng 30000km. Motul fully synthetic oil. Puro long ride at ratrat riding style. Minsan 50 lang. Basta lahat ng gear dinadaanan ko.
Sa akin 4k odo change oil na.. takbong 50 to 70 lang naman at every week check oil hindi pa fully synthetic oil ko.. base on user manual lang ako ... Para lang yan sa mga kamote ang 1k to 1.5k odo kasi lagi naman nag totop speed mga yan.. kaya recommended sa kanila yan, unless kung pang daily or ginagamit mong kabuhayan pwede mo 1k to 1.5k odo. For normal use 4k talaga dpende sa user manual nyo mapa Automatic, Semi automatic at manual transmission, common sense nalang sa makina.. kahit kami nga sa barko may sinusunod na PMS sa motor pa kaya
medyo harsh conditions nten dito sa pinas mainit at matraffic i rather spend more money sa pagbili ng langis kaysa magchange all ... for me every 1k to 1.5k KM is the safest to change your oil regardless kung mineral o synthetic oil ang gamit niyo... honda click ko honda mineral oil lang gamit ko every 1.5k ako ngpapalit ng langis same din sa sniper ko remember synthetic oil adds more protection it doesn't add more life in your oil
4000km dipende parin yun sa gamit ng motor. Kung hindi ka namn hard user goods yan sa 4000km bago mag change oil. Kung hard user kanamn its dipende sa kundisyon ng motor at kung paano ka gunamit . Ikaw ay haklit walwal ay .. hehe . Mag change oil kana at pakiramdamn mo kung may gaspang na tunog pag nagpapatakbo na. Dipende prin sa user. Dipende sa klase ng. Oil.
sa sasakyan nga namin abot 10,000km bago magpalit ng langis fully synthetic. sa motor ko beat fi gnun din 5000k to 7000km sa fully synthetic. msyado lang kyong papaniwLa sa mga vlogger dyn o mekaniko paLit ng langis 1000km syempre para makabenta. pera pera eh, mura nga langis niyo kasi nsa 200 o 300 plus nga lang nman isang paLit. sabiHin nyo yang magpapalit agad kayo ng maagap kung may sasakyan na kyong 4wheels. haha. tingnan ko lang kung magpalit agad kyo every 1000km o 3000km sa laki ng gastos sa maintenance. haha. sa environment kyo nkakasira. gawin niyo kada labas nyo ng bahay pagUwi niyo change oil na agad. haha.
Ako sa Honda click 125 ko every 1,500 km.. change oil na.. pang hatid.sundo lang naman mc ko. Hehe kaysa.change all. Mura lang naman langis nasa 200php-250php ginagamit q
ok lang po ba 3k ako mag palit ako ng langis sa nmax ko. Yamalube gamit ko. Gina gamit ko sya pang joyride araw araw sa loob ng 7 hours. Bali na kaka 100kl meter ako bawat araw.
para sa mga hindi makagets paano nakakapasok ung sinasabi ni idol na dumi or alikabok as simple as sa butas ng dipstick every change oil dahil imposibleng mapigilan mo pumasok ung fine dirt at dust 😅
Ako dina ako bumabase sa Km. Basta alam kong mahaba byahe ko change oil nako nyan lalo pag puro ahon. Pero kung di naman masyado nagamit ginagawa kong 1month palit na langis basta alagaan lang sa langis pati pag gamit ng motor tatagal yan. Pero kung bago nga lagi ang langis kung barubal naman mag patakbo useless din un 😅
Wala iyan sa kumpare ko mula pagkuha sa kasa ng motor hindi na nagpapanchange oil dagdag langis lang. after more than 1 yr at ilang buwan pa di na nagana motor.
Basta ako every 1000 or 1500 kasi araw araw gamit ng motor at kung saan saan ako nakakarating ikot ko buong NCR, dahil nadala na din ako dahil natuyuan na din ako ng dati ng M3 Every 2months kasi ako nagchange oil😅
Totoo iyan planned obsolence tawag diyan at maraming kailangan pang imaintain para daw sa "environment". Pinag-aralan din nila kung kailan dapat maeexpire iyan. Kaya nga bagong makina puro plastic intake at valve cover. Pati narin yung oil pan plastic na rin. Tsaka mga questionable na placement. Tulad ng bagong 1.9 diesel ng Isuzu nakaharap sa transmission yung timing chain, ginaya sa euro cars. Mas simple pa rin sa motor kaya hindi masyado halata.