TAGUYOD NATIN AY ANG DIYOS !
Ang hangarin na magtamo ng pinakamagandang resulta at ang mas pagbutihan pa ang paggawa, ay likas ng nag-uudyok sa mga tao upang umunlad. Ngunit karaniwang ito’y dahil sa pagmamataas - pagmamataas na nagiging dahilan upang tapakan natin ang iba matamo lamang ang tagumpay. Hindi gayon ang itinuro sa atin ni Hesus.
Sa Ebanghelyo, hinahamon ni Hesus ang kanyang mga disipulo na maging lingkod ng lahat. Iyon ang pinakapraktikal at mabisang paraan ng pagsugpo sa pinsalang bunga ng “mga magkalabang pagnanasa sa ating kalooban.”
Sa Eukaristiyang ito, idalangin natin sa Panginoon ang biyayang makapaglingkod dahil sa pagmamahal at nang may pagmamahal. Tanging ang Diyos ang ating taguyod, sa kabila ng matindi at ibaibang uri ng tagtuyot!
Read weekly gospel reflections at our website at sanlorenzoruiz...
Visit our facebook page at: / sanlorenzoruizparish
For FREE Activity Sheets and Learning Tools for Catholic Kids, please visit: www.katolago.com/
Thank you for supporting San Lorenzo Ruiz Parish. For your love offerings and donations, please visit: sanlorenzoruiz...
30 сен 2024