hi sir baka pwede po vaccination program po ang ipresent nyo po kasi gudto ko matuto ng vaccine program bago ako magsimula ng manukan pang sabong po thanks po sir
Pwedeng pwede ho. Sa mga kinukundisyon ko na manok nagdedecloged ako after ng deworm at delouse paki check sa video post ko Day 1 kasama sa programa ang declogging. May mga manok na kahit walang senyales na may sipon pero may mga instance na may mga dry na sipon sa kanilang NASAL passage ba kapag ipinasok na sa conditioning stage at saka magmamanifest ang sipon due to stress ng training. Kung sa kabila ng nag declogged ka tapos walang sipon mas mainam meaning malusog at malinis ang nasal passage ng manok but still don't forget to give antibiotic for 3 days para sigurado dahil kahit paano sa paglagay ng betadine at pagkalkal natin sa kanilang ngalangala possible na may nasugat sa loob. Goodluck
Pasensya na ho at di ho ako nagbebenta hayaan ho ninyo kapag lumuwag na ang schedule ko baka magsalang ako ng mga battle crossed at mga materials para maipa raffle naman sa mga loyal subscriber.
Kapag ganyang kaso ho kailangan ng operahan. Pwedeng gumamit ng blade or surgical blade. Hiwaan ng bahagya ang nasabing bukol dahan dahan lang ang paghiwa natural lang na dumugo kaya dapat naka ready ang pampunas sa dugo. Kqpag sobrang madugo press lang ng pampunas ang part na madugo para umampat then kapag lumabas or nakita mo na ang laman sa ilalim ng nasabing bukol maghanda ng pantanggal dito surgical scissor or plier para madukot ang nasabing foreign object na namuo sa ibabang bahagi ng pisngi. Siguruhin na maalis lahat ang nasabing laman ng bukol after linisin lagyan ng betadine ang nasabing sugat at huwag ng tahiin dahil kusa ito magsasara. Painumin din ng antibiotic ang manok 5 to 7 days goodluck ho.
Same procedure ho boss need ho na mag declogged. Usual problem ng manok kaya nagkakahalak dahil may nakabara sa kanilang nasal passage kung malinis ho kasi ang nostril ng manok hanggang nasal passage walang dahilan para magka halak. Be sure na ang waterer ng manok ay hindi nabibilad kung may halak na mas mainam na mag declogged tapos magbigay ng antibiotic for 7 days. Trisulak sa umaga 30 minutes before meal time at doxylak sa hapon 30 minutes before meal time. Huwag muna babaran ng tubig. Goodluck