Naalala ko nun, mahal na araw yun ,march, lahat kami nasa Dagat naliligo, nag iyakan kami.. nagbilisan kami umuwi para manuod ng TV... Grabe 1 week ata yun na puro kay rico yan ang tribute sa mga palabas ng abs cbn..
Nakakamis si Kuya Rico. 22 years passed it seems that only like yesterday. Mahal na araw 2002 March 29 parehas this year 2024 March 29 that is good Friday. Kaya parang bumabalik lahat nang alaala sa pagpanaw ni Kuya Rico. Dami nagmamahal at nakakamis sa kanya and I am one of them.❤
tanda ko nun araw na namatay c rico yan. pag tingin ko sa tv. binabalita wala na siya. nagkulong ako sa kwarto at cabinet. bata pa ako nun. iyak na ako ng iyak. kasi sobrang idol ko siya. lahat ng movie niya pinapanood ko..
11yrs old ako when i heard the news that Rico was gone..super iyak aq😢 then 1 day i visit his grave.. i miss u so much Mr. dimple RICARDO CARLOS YAN😢😢😢
Same..9years old ako noon nakita ko kasi pinsan ko na ate twag ko saknya..dhil sya ang nakasybaybay kay rico nasa 12yeaes old sya noon unh pinsan ko nagulat ako pag uwi nya sabahay grabi ang iyak nya dahil mgkaptbhay kami non sabi ko..te bakit ja umiiyak sabi nya namatay na unb idol ko si rico yan...Pati ako nadamay umiyak..dahil pinakita nya saakin ang mga videos..nya..kaya ngayun nong pinanood ko .ang entrview kay claudin subrang naiyak ako
Grade 5 ako nung namatay si Rico Yan. si Diether ang crush ko pero grabe lungkot ko nung namatay si Rico, lahat ng pictures nya sa dyaryo ginupit at kinolekta ko. Sana pala di ko tinapon.
He should always live long to longest with a healthy lifestyle to support and take care of/look after everyone and everything good and himself to be together with each other and stay with Claudine Barretto at ABS-CBN from 1996-2009, 2015-2020 and 2045-2056, GMA from 2009-2014 and 2022-2023, Kapamilya Channel from 2020-2045, TV5 from 2010-2012, 2016 and 2020, Net 25 in 2022, ALLTV from 2056-2068 and PIE from 2068-future years from as to most.
*Hi Mr. Dimple/Pogi natawa ako sa palakol 😆, 2002 grade 2 plang ako non ay dko pa masyado alam yong issue kasi asa probinsya, pero alam ko yong mula sa puso.*
My childhood crush na shock ako nong nawala sya umiyak talaga ako sabi ni ate paguwi ko sa bahay galing ako sa labas "lang wala na si rico" yun ang palabas sa tv year 2002😢
Tandang tanda ko to.. naglalakad kami ng kapatid ko., mahal na araw yun.. so wala masyado palabas sa TV., nagtaka kami sa isang bakeshop.. kumpol ung tao., un pla nag ka news break., un na nga ang balita patay na si Rico., tatakbo kmi ng kapatid ko pauwi sa amin para ibalita na wala na si Rico Yan.
I also remember this when I was in high school, yes it's Mahal na araw that time nasa labas Kami mag pipinsan ang daming Tao sa kalsada until may sumigaw sa compound namin na pumanaw na nga si Rico Yan thru breaking news sa TV, grabe humaripas mga Tao papasok sa bahay, after a few minutes chineck ko kalsada namin grabe halos walang tao then parang ang bigat bigat SA pakiramdam Ng paligid ang lulungkot at ang dami ring umiiyak. 😢
Grabe I remember that time grabe ang iyak ko nasa bus kami nun nalaman ko patay si Rico yan gustong gusto pa namin pumunta ng Manila nun kaso sobrang daming tao kaya inabangan talaga namin live nalang yung burol at libing nya, sobrang nakakalungkot 😢😢
2nd year high school ako nung mamatay c rico ,inaasar pa ko ng mga friends ko kase idol ko si claudine eh c CB ang sinisisi nilanat ng iba mga tao sa pagkamatay ni rico.mega depend ako sa idol ko. . . Wala lang nashare ko lang 😊
Kung juday Ang naging Asawa ni Rico Yan tiyak na masayang Masaya sya Kasi SI juday mapagmahal at maalaga,malaking panghihinayang talaga na di sila nagkatuluyan dalawa...
pag masyado kayong pagod huwag maligo agad and then matulog,relax muna kasi isa iyan na babangutin ka,or pag masyadong busog din or masyadong lasing dapat uminom nang warm water muna at higop nang sabaw huwag tulog agad, pag masyadong na padami ang pagkain huwag dinmatulog agad baka babangutin ka hindi mag function ang puso mo kaya ang ending patay,pusa at aso nakakatulong kung sakaling babangutin ka kasi malalaman nila at gagawa sila nang paraan parama save ka nangyari na sa akin iyan bangungut na save nang aso minsa pusa din
Naalala ko high school aq dti napanood q s channel 2 yung Verum Es n segment nila about horror, sinapubliko nila ung number ni rico yan kc pg tinawagan m chachambahan mo n my ssagot n parang multo, laging cannot be reach cguro 20x n twg tpos n chambahan ko n narinig yung boses ng lalaki n prng umuungol n multo, kinikilabutan aq habang nag ttype
Yun yung promise niya kay claudine na after the vacation at Dos palmas, magbabalikan na sila and they will not talk about it na..kaso namatay siya and sabi ni clau " He broke his promise again". Kakalungkot after nun sana they will be ok.
If you watched her interview kay ogie diaz i dont think she really has plans na makipagbalikan na aayusin ang issue nila ni rico. She admitted na 7 times nya inignore yung call ni rico nung mismong march 29 yan ba yung may gustong makipag ayos? Guilty lang yan kaya di sya maka move on
Tandang tanda ko pa yon narinig ko sa tv break news patay na ai rico yan lumabas ako nakahubad mula sa banyo...kasi kwarto ko namam yon..sa condo studio type, kala nyo ah😅😅😅
Sinbak na nga si Rosanna Roces dahil sa fake news na yan.Sya yong pakana sa fake news na yan. Rico was so anti-drugs. He had a clean living to be a good example to the youth. May mga nagagalit sa kabilang channel dahil sumusobra na daw coveeage ng ABS-CBN eh ang daming nanonood kaya siniraan na lng nila ang taong wala na para makadepensa sa sarili nya.