Hanggang ngayon niyuyurakan pa rin ang pagkatao ng Supremo. Tinanggalan na siya noon ng karapatan, katungkulan, karangalan at maging ng buhay. Pati ba naman yang tula nais pa nilang alisin sa mga nagawa niya. Ang Supremo ay isang anak ng Tundo, isang maralita. Isang maralita lamang ang tunay na magmamahal sa mga maralita at tunay na magmamahal sa Inang Bayan.