Sir salamat sa paliwanag nakuha ko din ang pagawa ng alternitor god bless po sana marami pa kayong maituro sa katulad namin na may sasakyan pero walang alam sa mga ganito..malakong tulog po dahil hindi na ako pumonta pa sa mikaniko at hindi na gumastos..
Good day sor,ilang watts po ng soldering iron ang kailangan para makahinang ng maganda sa mga alternator saka starter?thank you sa mga ibinahagi mong kaalaman
Boss bakit mahina parin magkarga ng alternator kahit nagpalit na ako ng ic hanggang 12.5v lng pag naka rebulosyon. Ano pa po kaya dahilan bakit ang hina magkrga ng alternator?
Sir pag buksan lahat ng ilaw bakit bumaba ang menor anu b ang dahilan ano b ang solusyon tapus anung gamit panglinis ng alternator mo gasolina hindi b masira wire ug mga diode or ic
@Nestor Chucas: Kapag ang sasakyan ay umaandar at naka menor at walang naka on na electrical load or consumer ang ginagawa lang ng alternator ay i-charge ang battery, (magaan na paikutin ng makina ang alternator)pero pag ng turn on ka halimbawa ng headlights at lalo na kasabay pa ang aircondition ito ay malaking electrical load para sa alternator, (mabigat paikutin ng makina ang alternator) ito ang dahilan kung bakit bumababa ang idling ng makina dahil pinipilit ng alternator na mag supply ng sapat na current output para hindi madiskarga ang battery. Ang alternator na nasa full load condition ay mabigat na paikutin ng makina kaya siguro napansin mo na bumababa ang idling. Sana ay naging malinaw para sayo sa paliwanag ko tungkol sa iyong katanungan. All the best. Cheers!!!